Part 10

67.1K 1.8K 70
                                    

KINABUKASAN ay muling dumating si Jewel. Ito ang ikatlong pagkakataong nagpunta ang dalagita sa hotel mula nang unang araw na magkita siya.

"Hi! Nag-iisa ka yata ngayon," salubong niya.

"Yap." Ikinawit nito ang braso sa kanya. "Halika sa bar. Mag-usap tayo doon." Inakay siya nito at naupo sa stool. "Castro, bigyan mo kami ng paborito kong punch." Utos nito sa bartender na agad sumunod.

"Ano ang masasabi mo kay Bernard?" agad na tanong ng dalaga.

Napataas ang isang kilay niya. "Twice ko pa lang siyang nakatagpo kaya hindi ko kayang sagutin 'yan."

"Kahit na! Kahit papaano ay may mabubuo ka ng opinyon para sa tao," tila batang pilit nito. "Guwapo at tahimik."

Huminga nang malalim si Jewel. "Sobrang tahimik na hindi ko na nga maintindihan," pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Inabot nito ang punch at bahagyang uminom. "Kalimutan natin si Bernard. Si Nathaniel ang pag-usapan natin. Ano ang masasabi mo sa pinsan ko?"

Muntik nang masamid sa punch si Jasmin lalo at matapang ang pagkakatimpla ng gin. "Ano ang masasabi ko, de wala."

"Don't you find him attractive?"

"Maybe. Pero hindi ko siya type." Sinabayan niya ng kibit ng mga balikat. Nagsisinungaling na naman ba siya?

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga. "Hindi type? Si Nathaniel? You must be kidding, Jas. Ikaw pa lang ang babaeng nagsabing hindi type ang pinsan ko."

Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya gustong makipag-usap sa ibang tao tungkol kay Nathaniel.

"Alam mo bang mayroon akong dalawang paboritong lalaki? Ang isa, ang brother-in-law ko, si Marco. You should meet him, he's older than Nathaniel. Nasa Maynila sila ngayon ng sister ko, si Emerald."

"At ang ikalawa ay si Bernard," dugtong niya. Umiling si Jewel. "Let's leave Bernard out of this. He's something special. Ang pangalawang ibig kong tukuyin ay si Nathaniel. He might be very overbearing but really, I like him. So, you see, my most favorite men in the world ay ang pinsan at ang bayaw ko."

Natawa si Jasmin. "Hindi patas ang laban." "Maybe, and a lot of people would agree with me. At ikaw lang ang kakaiba ang opinyon. Imagine, hindi mo type si Nat. Talaga ba?" Hindi makapaniwalang ulit ng dalaga.

"Ano'ng ibig sabihin ng hindi ako type, Jewel?" Si Nathaniel na hindi nila namalayan ang paglapit mula sa likod.

Muntik nang matapon ang laman ng baso ng inumin ni Jasmin.

"It is very refreshing to know, Nat, na may isang babaeng hindi ka type, our friend, Jasmin," nakangiting wika ng dalaga.

"She doesn't have to. Empleyada siya rito and as such must behave and act like one. Halimbawa, bakit ka narito sa bar, Miss Cuevo? Umiinom during duty hour? Is this on the house?" sunod-sunod na pagsita ni Nathaniel.

"Don't be a spoilsport, Nat. Punch lang 'yan at ako naman ang nagyaya kay Jasmin dito na samahan akong uminom."

"Knowing your punch, Jewel, mas gusto kong isiping nakalalasing 'yan. Oras ito ng trabaho. Hindi dapat uminom si Miss Cuevo na tila guest ng hotel."

"Tama si Mr. Cervantes, Jewel. Oras ng trabaho ko ngayon at hindi naman ako guest. I guess, I have to pay my drinks." Binalingan niya si Castro. "Magkano ang punch na ito, Castro?"

"Itago mo ang pera mo, Miss Cuevo. Marami ako niyan. Hindi nga ba at pera ko ang ipinasusuweldo sa iyo?" panunudyo ni Nathaniel.

"But I am just an employee, Mr. Cervantes. Kung hindi ko babayaran ang nainom ko ay baka pagmulan ng hindi magandang usapan ng ibang empleyado, 'di ba?" Naghahamon ang tinig niya.

"For goodness sake, Jas, hindi ko binabayaran ang iniinom at kinakain ko rito. Treat ko 'yan. Huwag mong intindihin si Nathaniel," pamamagitan ni Jewel.

"All right, Miss Cuevo, bayaran mo ang punch na iyan." Nagbigay ng halaga si Nathaniel na ikinalaki ng mga mata ni Jewel dahil presyong pang-guest talaga ng sinabi ni Nathaniel, na lubhang mahal.

Hindi natigatig si Jasmin. Kalmante siyang bumaba sa stool at lumakad patungo sa reception desk kung saan naroon ang bag niya. Mula roon ay kumuha ng pera at bumalik sa bar.

"Here, Mr. Cervantes." Inilapag niya ang pera sa tapat ni Nathaniel. "Isinama ko na rin diyan ang halaga ng milk and sandwich na dinala ni Nancy days ago." Deretsong tinitigan niya ang binata na bigla ang pagtatagis ng mga bagang sa kanyang ginawa.

"Excuse me, Sir, babalik na ako sa lobby." Alam niyang nakalusot siya kay Nathaniel sa pagkakataong ito dahil naroon si Jewel.

Pagalit na pumasok ng opisina si Nathaniel, kasunod si Jewel.

"Napikon ka dahil sinabi niyang hindi ka niya type?"

"Come off it, Jewel! Who cares kung type ako ng babaeng 'yon o hindi?" Pagalit itong naupo sa swivel chair. "You saw how she mocked me!"

Naupo sa gilid ng mesa ang dalaga. "She's a challenge, isn't she, Nat? Ngayon ka lang nakatagpo ng babaeng sa halip na hugis-puso ang itim na mga mata ay hostility ang naroon," tukso ni Jewel.

"She challenges me much more, Jewel, at mawawalan siya ng trabaho nang wala sa oras." Umiling-iling ang binata. "She probably thought na dahil rekomendado siya ng lolo, she's already untouchable."

"She doesn't look like it. Imahinasyon mo lang 'yon dahil tumatayo siya sa iyo. I really hope, dear cousin, that you've finally met your match. I like her kung kay Rowan din lang na tila tuko kung makakapit sa iyo."

"You know what, young lady, isa sa mga araw na ito ay padadapain kita!"

Jewel laughed and blew a kiss at pagkatapos ay lumabas ng silid.

Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon