Part 12

64.3K 1.6K 75
                                    

NANG gabing iyon ay hindi agad umuwi si Rolly at sumama sa kanya sa apartment. Hindi niya maitaboy ang lalaki dahil magalang naman.

"Wala man lang akong maialok sa iyo, Rolly," aniya na inilahad ang mga kamay. "It's no use na magbibili ng mga instant good and drinks dahil nakakabili naman tayo n'yon sa hotel "

"Okay lang, Jas. Halika, maupo ka rito sa tabi ko." Itinuro nito ang sofa. May himig ng intimacy sa tinig nito pero hindi binigyang pansin ni Jasmin. Naupo siya sa tabi nito.

Itinaas ng lalaki ang braso at ipinatong sa sandalan. Sa biglang tingin ay nakaakbay ito sa kanya. Na parang ganoon na nga dahil inaabot nito ang balikat niya at pinisil.

"it was a tiring day, 'di ba?" Pagkatapos ay ibinaba na talaga nito ang braso sa balikat niya. "Come closer" bulong nito.

Inalis niya ang braso ng lalaki. "Please, Rolly..."

"Don't be coy, Jasmin! Ano ba naman ang masama sa kaunting hawak? We both need it lalo na't ganitong pagod tayong pareho." At muling itinaas ang braso subalit sa pagkakataong iyon ay sa baywang niya ikinapit.

"Rolly, ano ba?" Mabilis siyang tumayo upang umiwas subalit nakasunod agad ito na nananatiling nakahawak sa baywang niya.

"Stop behaving like a prudish virgin, Jas. May anak ka na't lahat ay ganiyan ka pa rin. Let's make the most of your stay here." At niyakap siya nito.

Umigkas ang kamay ng dalaga at sinampal ang lalaki.

Gulat na napahawak sa pisngi si Rolly. "Ba't mo ginawa 'yon?"

"I am sorry but you are going over the line," pormal niyang sagot.

"Are you playing hard to get, Jasmin?" Nag-igting ang mga bagang nito. "O, baka naman mas type mo si Nathaniel? Napupuna ko ang malimit mong pagsulyap sa kanya. Oh, well, he's rich at malaking atraksiyon iyon pero hindi ka papansinin n'yon dahil kay Rowan. But i can be a very good substitute. You won't regret it." Muii siyang niyakap nito at pilit na hinahalikan.

Nagpumiglas ang dalaga at iniwas ang mukha kaya sa pisngi niya dumapo ang halik ni Rolly.

Noon bumukas ang pinto at sumungaw si Nathaniel. "Ano ang ibig sabihin nito? Am I interrupting something?" Marahas nitong tanong na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Jasmin. Si Rolly ay nagkibit ng balikat at tumingin sa kanya. "Saka nalang tayo mag-usap uli, Jas." Ipinahiwatig ng tono ng boses nito na may relasyon sila. Sandaling tumango ito kay Nathaniel bago lumabas nang tuluyan.

"Well, well... my supervisor and my receptionist," tila patalim na humiwa ang tono ni Nathaniel.

"Nagkakamali ka ng iniisip..." mahinang sagot niya.

"Really, Jasmin? Paano mo ipaliliwanag ang nakita ko?" Nakikita niya ang galit na pinipigil ng binata. Ang malisya sa mga mata nito.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag!" pagalit niyang sagot. Isipin na nito kung ano ang gustong isipin at wala siyang pakialam. "You can get out, Mr. Cervantes! All right, this is your property but this is my home while I'm working here!"

Subalit hindi siya pinansin nito. "Kung ipagtulakan mo ako sa beach at iwasan nitong mga huling araw ay tila may sakit akong nakakahawa." Marahas siyang niyakap ni Nathaniel, tila bakal ang mga braso nito sa katawan.

Napangiwi siya dahil sa higpit ng pagkakayakap nito.

"Ito ba ang gusto mo, ha? " Malupit ang mga labing bumaba sa kanya. Halos sumusugat sa mga labi niya.

Sinikap niyang manlaban subalit habang ginagawa iyon ay lalong humihigpit ang pagkaka-yakap nito at halos hindi na siya makahinga.

From one man to another! At iisa ang iniisip; masama siyang babae. At isiping kaya niya sinabing anak niya si Iris ay para matanim sa isip ng mga ito na hindi na siya available;

At nang inaakala niyang mauubusan na siya ng hininga ay saka bumitaw si Nathaniel.

"You're a bitch!" bulong nito sa pagalit na paraan.

Napaupo siya sa sofa. "Iwanan mo na ako and you can keep your charming of me to yourself." Pormal ang tono niya bagama't bumaba-tumaas ang kanyang dibdb.

Tinitigan siya ng binata pero hindi siya nag-angat ng ulo.

"Ang dahilan kaya ako narito ay dahil gusto kang makausap ni lolo. Nasa villa siya, dumating kaninang bago mag-alas singko."

Napatingala ang dalaga, nasa mga mata pa ang galit, then confusion na sandaling nawala—and there was only anger.

"Hihintayin kita sa parking area in ten minutes,'' sabi ni Nathaniel at mabilis na lumabas ng apartment.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmin. Wala siyang balak sumama kay Nathaniel patungo sa tahanan nito ngunit wala siyang magawa dahil sa kaalamang naroroon na si Don Leon at gusto siyang makausap.

Pumasok siya sa banyo at naglinis ng katawan in record time. Nagsuot ng mahabang paldang hawaiian print na may ganoon ring blusa na hanging style. Sinuklay ang buhok patalikod at itinali ng goma. Maliban sa bahagyang lipstick ay wala na siyang inilagay sa mukha. Dinampot ang shoulder bag at lumabas.

Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon