Part 5

67.9K 1.9K 33
                                    

Nanlaki ang mga mata niya sa nabungaran. A kissing couple! Naghiwalay ang mga ito nang mapunang naroon siya.

"I... well... I..." Nagkakandautal siya at pinamulahan ng mukha. Siya ang napahiya sa halip na ang mga nasa loob na tila bale-wala ang pagkakakita niya sa mga ito.

"Yes, Miss?" ang lalaki na tumaas ang mga kilay at hindi man lamang natigatig. Ang babae ay dinampot ang sigarilyo sa ibabaw ng mesa at nagsindi. Pagkatapos ay naupo sa naroong silya sa harap ng mesa.

"Guest ba siya rito, darling?" wika ng babae pagkatapos magbuga ng usok. One of the prettiest face na nakita na ni Jasmin. Naka-tight fitting nylon jeans na halos sa tingin niya'y kahit ang kaliit-liitang bahagi ng linya ng katawan nito ay nakikita.

"I...I'm sorry..." akma siyang lalabas uli pero muling nagsalita ang lalaki.

"No, wait!" May authority sa tinig nito. Napahinto siya. "May kailangan ka ba sa akin?"

Mabilis siyang umiling. "I... I was looking for Rolly—Mr. Magno. I thought I'd find him here. If you'll excuse me, I will look somewhere else." Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang hinahanap niya. Nagulat pa ito nang makita siya roon.

"Nandito ka na pala, Jasmin," bungad nito na sumulyap sa iba pang naroon. Nakahinga siya ng maluwag pagkakita kay Rolly. Pagkatapos ay napasulyap sa babae na matalim siyang tinititigan.

"Hinahanap ka niya, Rolly. Guest ba siya rito?" Ang lalaki sa pormal na tinig.

"Oh, no. Siya si Miss Cuevo, Nat. She arrived today." Binalingan si Jasmin. "Jasmin, si Nathaniel Cervantes, ang apo ni Don Leon."

Muling bumalik kay Nathaniel ang tingin ni Jasmin. Sinuyod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. And who cares kung obvious ang ginagawa niya.

The man is taller by few inches than Rolly. Tall, very dark... and Lord, dangerously attractive! Very masculine sa puting polo shirt na long sleeves na nakarolyo ng bahagya sa dulo ang mga manggas. Open ang mga butones sa dibdib, nakapaloob sa faded blue jeans na ang pagkakahapit ay tila nakayakap na sa mga maskuladong thighs at ang laylayan ay nakapaloob naman sa leather boots.

Muling bumalik sa mukha ni Nathaniel ang mga mata niya. Alam niyang spanish descent si Don Leon at obvious iyon kay Nathaniel. Halos umabot sa balikat nito ang mahabang buhok na nahahati sa gitna. Maiitim na ang mga kilay at mga mata. Hindi niya gusto ang mahabang buhok sa lalaki pero bumagay sa anyo ni Nathaniel.

Gosh! Sino ba sa akala nito ang lalaking ito? si Antonio Banderas? Pagkatapos ay muling bumaba sa mga boots nito ang mga mata niya na halos nakabaon na sa carpet. Uso pa ba ang boots ngayon bilang daily wear? Oh, well, siguro. Dahil this is the outback at may hacienda nga pala ang mga ito.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang bahagyang tumikhim si Nathaniel.

"I wish I passed..." wika nito na tumaas ang isang sulok ng mga labi. Kung nakangiti o nanunuya ay hindi niya matiyak. Muli siyang pinamulahan ng pisngi.

"At siya naman si Rowan, Jasmin. Sa kabisera siya nakatira" patuloy nf Rolly na lihim niyang naipagpasalamat.

Nailigtas siya nito sa awkward na sitwasyon. Isang tango ang ibinigay niya sa babae na nagkibit lamang ng balikat.

"May sasabihin ka ba kay Jasmin, Nat, tungkol sa trabaho niya rito? Bukas na siguro siya magsisimula," dagdag ni Rolly.

Doon nag-angat ng ulo si Rowan. "Bakit, Nat, empleyado ba siya rito? Did you hire her? Para saan?" sunod-sunod nitong tanong.

Bigal ang pagbabago ng anyo ni Nathaniel, dumilim ang mukha nito. "Sa Maynila siya galing. Rekumendado ni lolo kapalit ni Liza," bagot nitong sagot na ang tinutukoy ay ang dating receptionist.

Nagsalubong ang maninipis at magandang kilay ni Rowan. "Akala ko ba'y mahigpit na regulasyon ni Don Leon na ang lahat ng mga empleyado sa hacienda at resort ay rito lahat kukunin sa Paso de Blas o 'di kaya ay sa neighboring towns para na rin bigyan ng pagkakataon at trabaho ang mga tagarito?" At sinulyapan si Jasmin na tila sinusuri.

"We never had a chance to talk. Hindi ko rin alam, Rowan. Hihintayin ko ang pag-uwi ng big boss May bahagyang galit sa tinig ng binata na umikot sa mesa nito.

"That's strange. And besides, 'di ba't sabi ko ay ako na lang ang papalit sa puwestong inalisan ng receptionist mo?" May paninisi sa tinig nito.

"I recommended you pero hindi nagbigay ng go-signal si Lolo," wika ni Nathaniel na halatang nagpipigil ng galit. Sinulyapan si Jasmin. "I will talk to you later, Miss Cuevo," pormal nitong sinabi.

Iyon lang ang hinihintay ni Jasmin at mabilis na lumabas ng silid kasunod si Rolly.

"Sorry about that," si Rolly. "Hindi maganda ang mood ng boss ngayon."

"Naistorbo ko sila," wala sa loob niyang sinabi. Napatingin sa kanya si Rolly na sinikap intindihin ang sinabi niya, pagkatapos ay natawa. "Dinatnan mo ba sila sa hindi kumportableng sitwasyon?"

"Sort of."

Umiling si Rolly. "Natitiyak kong hindi iyon ang dahilan ng biglang pagkainis ni Nathaniel. Bale-wala iyon. Rowan kisses him everywhere at kahit sino pa ang audience."

"Girlfriend niya?"

Nagkibit ng balikat si Rolly. "Kung ganoon ngang matatawag 'yon. Walang siniseryosong babae si Nathaniel. Hindi ko siya sinisiraan pero ang mga babae na rin mismo ang umaaligid sa kanya. Well, with his looks and money..."

Napatitig kay Rolly si Jasmin. Sa conventional na paraan ay di-hamak namang magandang lalaki si Rolly kaysa kay Nathaniel. Pero iba ang tingin niya kay Nathaniel. Hindi niya maipaliwanag ang male attraction nito. Kung tutuusin ay tila ito agila na parang laging sisila ng sisiw kung tumingin.

"Kung looks ang pag-uusapan ay higit kang magandang lalaki, Rolly."

Natawa ang lalaki. "Thanks for the vote of confidence, Jasmin. But I don't have his power and money."

"Well, hindi mo kailangang magbilang ng girlfriend. Kung totoo ang nararamdaman ng babae sa iyo ay hindi mahalaga ang pera."

Makahulugan siyang tinitigan ni Rolly.

Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon