"Hoy shet! Go Ces!" naisigaw ko kaya agad akong nagtakip ng bibig.


Napatingin ako bigla sa kanan, at ang labidabs ko ay nakacrossarms na with matching taas kilay kaya agad akong nag peace sign.


"Hehe!" nginitian ko siya ng impit.

"Di ka titigil?" tanong niya bigla.

"Nanonood lang ako babe. Iniimagine ko ngang ikaw naglalaro e." totoo naman kasi, low quality kaya yung nasa youtube na mga plays niya.


Lumapit naman siya at pinatay na ang tv, saktong magseserve na si Cesca kaya nagpout ako.


"Stop watching her will you?" she slowly walked towards me kaya napalunok ako.

"Eeeehhh." reklamo ko.


Bigla naman siyang umupo sa lap ko at inangkla ang kamay niya sa leeg ko. I looked away, pero hinawakan niya ang chin ko at hinarap sa kanya.


"I want your eyes set only for me." wika niya at nafeel ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko.

"I don't want you looking at her or any other girls. Sabi ko sayo hindi ako madamot, pero pagdating sayo ibang usapan na." feeling ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na. Ghaaad di ko kaya pag ganito siya kaseryoso tapos pinapakilig ako.

"B-babe y-your m-misunderstanding it n-naman kasi. Kahawig mo kasi sa unang t-tingin k-kaya a-ano." she hushed me using her index.

"I don't want to hear whatever reasons you have Mika, gusto ko lang ipaalala sayo na dudukutin ko mata mo pag pinanood mo pa si Cesca." saka niya tinampal ang noo ko. Sweet as ever.

"Hay napakaselosa naman pala ni Buday." pang aasar ko.

"Hindi nga e. Sayo lang." she pouted.

"Opo na." I said in defeat.


She rested her head sa balikat ko while still hugging me by my neck. Natatakot ako baka bigla na lang ako sakalin.

I love it whenever she becomes like this, I carried her papunta sa room namin. She was pinching my nose din, at sinabing baka daw tumangos pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero agaad siyang humalik sa pisngi ko.


"Hoy labanos, di mo ako ipagpapalit kay Cesca ha?" natawa na lang ako.

"Hindi po. You'd always be my baby, lam mo na dapat yan." I kissed her forehead and slowly laid her in our bed.

"Siguraduhin mo lang." she smirked and pulled me for a kiss.

"Naman!" I responded with much love.






"Hoy partner! Nandito ka lang pala, uuwi na daw tayo!" sigaw ni Mela kahit ang lapit niya na sa akin.

"Buhatin mo ako." request ko kaya bigla niyang tinampal ang noo ko.

"Ang bigat bigat mo kaya." sagot niya.

"Mas mabigat kaya yung weight na binubuhat mo." sagot ko.


Akmang hahatakin niya ako kaya tumayo na ako, sayang ang damit ko. Nakaakbay lang ako kay Mela hanggang makabalik sa venue. Nagpaalam na din kami sa mga kaibigan namin. Awkward man dahil sa kanina ay nagpaalam ako kay Rad at bumeso pa dito.

She doesn't even have the slightest hint how much it hurts na ang lapit lapit ko sa kanya pero hindi ko man lang magawang hagkan o yakapin man lang siya pag gusto ko.

Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Mela, malamang natulala nanaman ako, buti na lang she saves me pag natutuliro na ako.


"Ingat kayo." wika niya habang nakatingin sa mga kateam namin.

"Ikaw din." sabi ko at agad ng tumalikod pabalik sa service namin.


It's been a long day, a tiring one. Feeling ko nadrain ako, na para bang kinuha niya yung kaluluwa ko sa simpleng tingin niya.

I wish that I could wake up with amnesia.

Para wala ng sakit, wala na lahat. Wala naman talaga akong gustong kalimutan sa lahat ng pinagdaanan namin, lahag naman iyon maganda. Ako lang itong gago na iniwan lahat yun para sa wala. Gusto ko lang makalimutan yung sakit.

Yung sakit na paulit-ulit bumabalik kasi hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako.


"Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko. Sa piling ko'y lumuha ka lang, nasaktan lamang kita." kanta bigla ni Mela.

"Baklang 'to, mamaya umiyak nanaman si Yeye." wika ni ate Ces.


Nginitian ko lang sila, kahit parang pinukpok ng martilyo ang puso ko tapos sinagasaan ng pison ng ilang ulit.

Pumikit na lang ako at pinilit na matulog.


I wish I could really get over this.








Tss, who am I kidding?

Pati sarili ko niloloko ko na.

Dahil alam ko, alam ko sa puso ko na hindi ko gustong kalimutan siya.

*****

"Hoy Yeye!" sigaw ni Mela habang nagp-practice kami.

"Ano nanaman problema mo?" taas kilay kong tanong.

"May naghahanap sayo." sabi niya.


Tinanong ko kung sino pero nagkibit balikat na lang siya at ngumiti ng bahagya. Tinungo ko naman ang entrance ng gym para tignan kung sino ang nandoon, it was her boyfriend.


"Hi, uhm I know this is inappropriate pero I think I should inform you." wika niya.

"Ano yun? May practice pa kasi kami e." sagot ko, ayoko makita siya.

"Here, uhm take this. This is just for formality." he tapped my shoulder at umalis na after ibigay ang isang envelope.


It was an ivitation.










For their wedding.







Formality?

I smirked.

Formality my ass.

I clutched my chest kasi bigla akong hindi makahinga ng maayos.


No.

This is just a dream, isn't it?

Beauty and HarotsWhere stories live. Discover now