Chapter 13

90 0 0
                                    

Chapter 13

Syrah's POV

Lunch break ng nang magising ako, hindi ko alam kunh gaano ako katagal nanatili sa clinic basta ang natatandaan ko lang ay yung tatlong estudyanteng sumundo sa akin sa classroom at pinilit akong dalhin sa likod ng building at yung babaeng nakabongguan ko nung nakaraan.

"Ano ba kasi talagang nangyari sa'yo, Syrah?" Tanung ni Leila habang nasa canteen kami at kumakain ng lunch.

"Nawalan lang ako ng malay." Sagot ko.

Ayaw ko ng sabihin sa kanila ni Keith ang buong nangyari dahil baka mas mag-alala lang sila at isa pa naalala ko pa yung sinabi ni Leila sa loob ng clinic kanina.

"Nawalan ng malay? Sa likod ng building? Sinong niloko mo?" Halatang inis na tanung ulit ni Leila.

"Leila, let her finish her food first." Malumanay na sabi ni Keith. "Eat your food first, Sy. Sabi ng nurse nawalan ka ng malay dahil sa sobrang pagod at mukhang walang ka raw'ng kain."

Napayuko naman ako dahil sa sinabi ni Keith. Oo, wala akong kain at wala rin akong balak na sabihin yun sa kanila.

Ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang mga nalalaman ko ngayon.

Kahit ako ay nalilito na.

Naging tahimik na ang pagkain namin, hanggang sa makabalik kami sa classroom ay tahimik pa rin kaming tatlo. Alam kong kating-kati na si Leila na amagtanung talagang pinipigilan nya lang.

Palihim na lumapit sa akin si Keith.

"Syrah, alam kong may hindi ka sinasabi sa amin. Kung anuman yun alam kong makakaya mo yan."

Nangilid ang luha ko dahil sa sinabing iyon ni Keith pero pinigilan kong wag iyong tumulo.

"Salamat, Keith. Pasensya na rin kung pinag-alala ko kayo ni Leila."

"Wala yun. O.A lang rtalaga yang kakambal ko." Nakangiti byang sabi.

Natawa naman ako ng bigla sumingit si Leila sa usapan.

"Narinig ko yun, Keith ah. Hindi ako O.A sadyang nag-aalala lang talaga ako kay Syrah."

"Sorry, Lei."

"Wala yun. At isa pa bakit ka naman sa amin nagso-sorry? Wala ka namang ginawang masama."

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.

"Sa darating na linggo na pala ang umpisa ng rehearsal nyo para sa foundation day, Sy. May heels ka na ba na susuotin?" Tanung ni Leila.

"Wala pa nga eh. Ayaw ko namang galawin ang mga gamit ni Ate Dhennise magalit pa sa akin yun."

Lalo na ngayon na masyado ng kwestonable ang pagkatao ko.

Gusto ko man iyong sabihin sa kanila ay wala akong lakas ng loob. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang tungkol dito kung sigurado na talaga ako.

Hindi na ulit kami nakapag-usap na tatlo ng dumating ang teacher namin.

Hati ang takbo ng isip ko. Ang kalahati ay nasa tinuturo ng guro namin ang kalahati naman ay nasa mga nalaman ko.

Hindi ko alam kung paano ko napagsasabay ang pakikinig sa mga tinuturo nila at pag-iisip ng mga bagay-bagay.

"Hay! Sa wakas natapos din." Sabi ni Drake.

Halos lahat ata kami uwian ang hinihintay araw-araw. Perp iba ang araw na 'to para sa akin.

Imbes na maging excited akong umuwi ay parang mas gugustohin ko pang manatili muna sa ibang lugar at magpagabi na lang.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now