Chapter 8

98 0 0
                                    

Chapter 8

Syrah's POV

Tulala akong kumakain, hindi ko alam kung nakakahalata ba sila Keith at Leila sa akin.

Hanggang sa makabalik kami sa classroom ay tahimik lang ako. Hindi mawala-wala sa akin ang text ng lalaking yun, hindi ko alam kung nabasa ba yun ni Leila.

Tahimik akong naka-upo sa upuan ko at naghihintay na dumating ang prof.

Unti-unti na ring nagsibalikan ang mga kaklase ko.

"Mas maganda ang magiging movie theater natin kung papayag si Ms. President sa suggestion ko." Rinig kong sabi ni Drake.

Malamang yung mga babaeng umuungol na naman ang tinutukoy nya.

"Shut up, Drake." Saway sa kanya ni Megan ang isa sa mga magagandang babae dito sa campus.

Hindi ko masasabing mabait sya pero hindi naman bully. Sadyang hindi lang talaga sya approachable na tao, kaya madalas ay mataray ang tingin sa kanya ng mga kaklase at ka-eskwela namin.

"Maganda naman talaga yung suggestion ni Drake, Megan." Sabi naman ng kaibigan ni Drake na si Steve.

"Detention o mananahimik kayo." Kaswal na sabi ni Leila pero nandun ang tono ng pagka-awtoridad nya.

Minsan lang magsalita 'tong si Ms. Vice-President pero nakakatakot. Yan ang kaibigan kong si Leila.

Natahimik naman sila at wala nang nagsalita hanggang sa makapasok si Jacklyn.

"Class, wala tayong pasok ngayon hapon. Ibinigay na sa atin ang time na 'to para pagplanohan ng maigi ang gagawin natin sa darating na foundation day." Dahil sa sinabi ni Jacklyn ay kanya-kanyang saya ang mga kaklase ko.

"Ms. Vice-President, I need you here." Madalang lang tawagin ni Jakclyn si Leila sa harapan, madalas kasing sya lang ang nagsasalita o sumasaway sa mga kaklase namin.

Tumayo naman si Leila at naglakad palapit sa harapan.

"Nasabi ko na kay Dean ang suggestion ni Keith at ang plano natin. Naganda sya sa suhestyon ni Keith at kaya nya ibinigay sa atin ang oras na 'to para makapag-plano dahil gusto nya na agad ng kompletong plano natin."

"Bakit naman mukhang minamadali ang pagpla-plano nito?" Tanung sa kanya ni Lei.

"Nandito na kasi ang mga Clayton at isa pa malapit na rin ang interschool competition. So, let's start."

Tinawag din ni Ms. President ang vice-secretary para magsulat sa white board at ang secretary naman ang magsusulat sa notebook para may kopya sya.

"Anong mga movie ba ang ipinalabas last month?" Tanung ni Ms. President

Nagkanya-kanya naman ng sabi ang mga kaklase ko, nakikinig lang ako sa kanila. Wala naman akong alam tungkol dyan, maliban sa hindi ko hilig manood ng palabas sa sinehan ay wala akong extra pera para dun.

Kung makakapanood man ako ng sine ay libre ng kambal at madalas pa akong pilitin ni Lei.

Sa huli napagdesisyunan din nilang maglagay ng mga lumanh foreign movies, hindi man ganun ka luma para sa edad namin.

Kaya ang ending nasa bente ang palabas na ipapalabas namin sakto para sa isang buwang selebrasyon.

Isang palabas sa loob ng isang araw na dalawang beses ipapalabas.

1. A Walk to Remember

Pinagbibidahan ni Mandy Moore, hindi ko kilala yung pangalan ng bidang lalaki.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now