Chapter 11

102 1 0
                                    

Chapter 11

Syrah's PoV

Pagkatapos ng maghapong klase ay agad kaming pumunta sa locker para kumuha at magbalik ng mga gamit.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng campus ay agad kaming sinalubong ng family driver nila Leila at Keith. Sakto namang wala si Manong Eddy dahil may ibang naka-kontrata rin sa kanya ng hatid-sundo.

Tahimik lang kami sa byahe, hindi ako nagsasalita at ganun rin ang kambal. Pakiramdam ko kapag nagsasalita akk ay tutulo ang luha ko kaya mas pinili ko na lang tumahimik buong araw.

Hindi rin naman nagtagal ang naging byahe namin dahil sa shortcut dumaan yung driver. Nang mai-park nya ang sasakyan ay kanya-kanya na kami ng baba, hindi na rin kami nag-abalang kunin ang gamit namin dahil hihintayin naman kami ng driver.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang humanga sa lugar na 'to, ilang beses na akong nakakapunta dito pero hindi nagbabago ang reaksyon ko. Nandito kami sa tambayan naming tatlo, actually pamilya nila Leila ang may-ari ng hardin na 'to. Private garden na balak ng lolo nila na buksan sa publiko...hati naman ang desisyon ng pamilya nila pagdating sa bagay na yun dahil ang yumaong lola nila Leila ang naghirapa para mapaganda ang hardin at wala sa plano ng lola nya an buksan iyon sa publiko. Natatakot raw kasi itong masira ang mga pananim nya magkalat ang mga taong papasok.

Kahit siguro ako ang nasa katayuan ng lola nila ay hindi ko ito bubuksan sa publiko, parang sanctuary na ang lugar na 'to para sa akin.

Sinalubong kami ng care-taker ng hardin na may magandang ngiti, ngumiti naman kami sa kanya at gad na pumunta sa paborito naming spot sa buong hardin.

Isang gazebo sa gitna ng mga nagkakagandahan at iba't-ibang bulaklak.

"Wala pa ring pinagbago ang lugar na 'to, mukhang mas gumaganda pa." Sabi ko habang nililibot ang mga mata sa buong paligid.

"Ito ang gusto ni Lola ang mapanatili ang kagandahanat katahimikan sa lugar na 'to. Si Lolo lang talaga ang matigas ang ulo." Sabi ni Leila.

Hindi ako sumagot.

"Sy?" Tawag sa akin ni Keith.

Nilingon ko naman sya.

"Hmmm?"

"Ok ka lang ?" Tanung nya na may pag-aalala.

Napayuko naman ako. Pakiramdama ko tutulo na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sa totoo lang hindi ko na alam, Keith." Sabi ko at dun ko na talaga nilabas lahat.

Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nahinto sa pag-iyak kagabi basta ang alam ko lang nakatulugan ko na yun.

At simula nung magising ako hanggang sa kasalukuyan ay talagang pinipigilan ko ang maiyak.

Agad namang lumapit sa akin si Leila at hinagod ang likod ko si Keith naman ay ini-abot sa akin at panyo nya.

Iyak lang ako ng iyak. Hindi naman nagsalita yung kambal at nakikiramdam lang.

Nang matapos ako sa pag-iyak saka ako bumuntong hininga.

"Masama ba akong tao? Masamang anak? Masamang kaibigan? Loko-lokong estudyante? Malditang kapatid?" Sunod-sunod na tanung ko sa kanila.

"Sy, hindi. Ikaw na yata ang pinaka mabait na taong nakilala ko, masunurin kang anak, mabuting kaibigan....matinong estudyante ka rin at higit sa lahat hindi ka maldita."

"Pero bakit pakiramdama ko pinaparusahan ako ngayon." Naiiyak na namang sabi ko. "Nung una yung pag-alis alis na ni Mama na hindi ko malaman kung saan at sino ang kasama nya. Tapos yung pagkawala ng phone ko...hindi pala nawala may loko-loko lang kumuha nun." Natatawa kong sabi.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now