Chapter 45

6.9K 206 10
                                    

Gia's POV

L/N: Pag Gia po. Nakaanyong Gia sya pag Xia po nakaanyong Xia sya

Dahan dahan kong binuksan ang pinto na lilinisin ko ngayon at napanganga ako sa sobrang gabok,Sapot at Gulo rito dinaanan siguro ito ng bagyo! Dahan dahan kong binuksan ang ilaw pero nawagi ako kasi walang bumbilya rito -_- nagcast naman ako ng spell ng ilaw at  ayos naman dahil gumana ito kaya nagsimula na akong nagwalis. Arrgghh! Ang gabok!!

5 Hours Later...

Yes! Whoo! Natapos din! Bakit ba kasi ang gabok gabok dito? Yes, tapos na ako sa lahat kahit yung pangalwang Room nagawa ko na rin kaya heto ako tuwang tuwang papuntang Canteen Nauna na kasi si Summer sa akin 4 hours in a half lang sya nakatapos sa paglilinis habang ako whole 5 hours! Paano ba naman may katulong sya! Syempre yung mga hayop (as in animal talaga!) na nakakausap nya haist!

Pagpasok ko ng Canteen napatingin lahat ng Schoolmate ko sa akin..Oo nga pala! Cold dapat! Ikaw si Gia at dapat Cold ka!

Taas noo at Walang ekspresyon akong pumunta doon sa may pilahan..Actress kaya ako kaya iniisip ko na nasa movie ako at nagpapanggap ng cold!

Pipila na sana ako ng nagmake way sila..Wait?? What?? Anong meron? Tumingin ako sa likod ko kung nandoon ba ang Royalties pero nakita ko silang nasa Gitna ng Cafeteria at nagtatawanan. So...Ako yung mina-makeway nila??

Dahan dahan akong naglakad papuntang Cashier habang naaawang nakatingin sa mga naka makeway sa akin. Kawawa kasi yung nasa huli ang layo pa naman ng pila mga 10 meters!

*Ehem* Ilang beses ko bang dapat sabihan ang sarili ko na maging cold??!!

"1 Choco Frappe and 3 Rice w/ Sausage please.." sabi ko agad namang tumango yung Babae at agad kinuha ang inorder ko. Agad akong nagbayad at kinuha na yung tray. Agad naman akong dumeretso sa Table ng Royalties kung saan nasa kalagitnaan ng Cafeteria kaya agaw atensyon sila lalo na dahil umaalingawngaw ang tawanan nila sa Cafeteria na ito

"Oh? Ayan na pala si Gia oh!" Sabi ni Jaymie kaya napatingin sila sa akin

"Weh? Di nga Gia? Magkaaway kayo ng Kambal mo?" Tanong ni Roselia habang nanlalaki yung mata

"Yep" tipid kong sagot at kumain kahit sa loob loob ko ay dumadaldal na ako

"Hoo! Namiss ko talaga ang pagiging cold ni Gia!" Sigaw ni Trevor at agad naman silang nagtawanan. Maliban pala sa Dalawang KJ. Leo at Raven -_-

"Ahhmm Gia nasaan si Xia? Hindi na namin sya nakikita e," sabi ni Jack. Nagkibit balikat naman ako kahit kating kati na talaga ng sobra ang dila ko na dumaldal

"Dapat magkabati agad kayo! Magkambal nagaaway ito ngang magkambal hindi pa nagaaway sa buong tanang buhay nila tapos ano? Kayong magkambal nagaaway? Naku! Masama yan!" Sermon ni Summer tss..magi-inainahan nanaman ang isa dito tsk!

"Speaking of Kambal ilan kayong magka-kambal Gia?" Tanong ni Jet

"Tatlo" tipid na sagot ko at ininom yung frappe

"Anong pangalan nung isa?" Tanong ni Amber. Natigilan ako saglit at nagisip ng pangalan ah! Lam ko na!

"Trishanne (Trish-Anne) Zione (Ziyown) M. Thompson" sabi ko

"Nasaan sya ngayon?? Please magkwento ka na.." sabi ni Amber at nagpuppyeyes waaa ang cute nya!

"Tss..Fine" sabi ko at agad naman silang nagsi-'Yes'

"Ako kasi habang naninilbihan kina Leo..Si Xia tutok sa Business habang sina Mom and Dad nasa Cambodia at nakatutok sa pagdo-doktor nila..habang si Trish ay nakatutok sa Pagaaral napasok sya sa IHY dahil pinaglihi iyon sa ampalaya sa bitteran habang kaming dalawa ni Xia ay nasa 143. Hindi ko pa sya nakikita pero natutuwa ako dahil nakatutok talaga sya sa pagaaral at hindi nya naiisipan na magkaBF!" Sabi ko

"E, paano ba kayo nagkawatak-watak? Tanong ni Eze habang nakain ng Spaggeti

"Ummm..Isa palang akong bata tapos kasama ko yung dalawa kong yaya..tumakbo ako ng may nakita akong Ice cream doon sa may sheyd pero dahil wala pa akong utak nun hindi ko iyon mabayad bayadan ng may dumating na lalaki at binayadan yung Ice Cream na hawak ko.." sabi ko at napatingin kay Leo. Nakita ko naman ang lungkot,sakit at pagiisa sa mata nya. "Si Papa...Hindi ako nagsisi na sumama sa kanya papuntang bahay nya at inampon nya ako. Masaya pa rin ako kahit ganun dahil nakikita ko pa naman si Xia sa IAS (I Am Single) Elementary school pero si Trish ay nasa SF (Study First) Elementary School lagi kaming magkakatinginan
ni Xia at magngi-ngitian pero nakakalito rin dahil hindi man lang nila ako hinanap nung nawala ako. At yun ang past ko" sabi ko at kinuha yung Mga Frappe na nasa Tray ni Amber ang dami kasing nasa kanya e, pero hindi nya ako pinigilan at binalewala yung pagkuha ko ng Frappe nya

"Ahh yun pala ang hirap naman pala ng past mo!" Sigaw ni Eze nakakatapos lang kainin yung Spaggeti at uminom

Talagang mahihirapan ka!

"Uy! Balikan na ba sa Dorm ngayon?" Tanong ko kina Leo

"Yep. Tara na Balik na tayo" sabi ni Ivy at tumayo. Agad naman akong tumayo at pumunta sa Dorm pero nasa pintuan pa lang ako ng Cafeteria napakinggan ko na ang sigaw ni Jaymie

"Mahuli manlilibre bukas!!!" Sigaw nya. Kaya agad kong sinara ang pinto at nilagyan ng yelo yun at tatakbong papunta sa dorm ko. Agad akong nagpalit anyo to...Xia!!

Saktong pagbalik ko bilang Xia ang pagkabukas ng Pinto.

"Yo Xia!" Sigaw ni Christine at ngumiti. Sinuklian ko naman rin sya ng matamis na ngiti

"Low" sabi ko at pumasok na ng room ko. Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang FB ko

Bigla na lang may nagpop sa Messenger ko -¤-

Unknown: Hi

Huh? Inistalk ko sya pero wala pa syang ka post-post Unknown Person ang pangalan nya at walang profile 3 mutual friend

Ako,Gia at....Aldrin????

Chinat ko naman si Unknown

Xia: Who you?

Wala pang tatlong segundo ay nagmessage na sya

Unknown: ako si Unknown

Xia: anong tunay mong pangalan?

Unknown: Sikretong malupet bawal kay Trisha!

W-What? A-Alam nya na ako si Trisha??? What the??

Xia: What the??

Unknown: Yep. Alam ko ang sikreto mo haha..Secret na lang kung bakit ko nalaman

Xia: Sino ka ba talaga?? Aldrin Ikaw ba yan??!!

Unknown: Hindi ako si Aldrin

Xia: E, Sino ka??!!

Unknown: Clue: lalaki ako, Nakahood ako bukas, nakapantalon at kilala mo ako

Xia: So...Maghihintay pa ako ng bukas??

Unknown: Ay hindi ng isang taon

Xia: tss..Bye na!

Arrgghh! Sino ka ba talaga?? Unknown???

Sparkler Academy: School Of Magic UsersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon