Chapter 40

8.7K 265 13
                                    

Raven's POV

Matapos kaming kumain ay agad kaming dumeretso sa sari-sarili naming kwarto para makaligo. Katatapos ko lang rin maligo at eto ako ngayon nakadungaw sa Veranda

Mamaya pang 5:00 pm ang aming mission kaya pahinga muna kami ngayong umaga

Namimiss ko na rin ang S.A..Wala lang. Gusto ko kasing maabutan namin yung intrams doon dahil sasali ako sa Running. Bakit ba? Mabilis kaya akong tumakbo! Lagi kasi akong hinahabol ng aso!

"Hey" muntik na akong mapatalon sa Veranda ng may nagsalita sa tabi ko

"Oh?! Leo? Wag ka ngang manggulat!" Sabi ko sa kanya. Bakit ba hindi ko naramdaman presensya nya kanina?

"Hindi ako nanggulat ang nangugulat nagsasabi ng 'bulaga' o  'Boo' " sabi nya at umupo sa tabi ko

"Kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at pinakiramdaman ang lakas ng hangin

"May sasabihin sana ako sa inyong dalawa ni Ruster" seryosong sagot nya

"Nasaan yung baklang yun?" Tanong ko at lumingon lingon sa paligid ng kwarto KO

Nga pala, sa Sofa diba nga ako tutulog? Kaya ako nag kakwarto kasi naawa si Leo sa akin kaya sa Attic nya ako pinatuloy. Ang astig nya may Veranda sa Attic, Mga Rich kid

"Naliligo pa, Pero napapakinggan nya tayo dahil sa spark nya" sagot nya sa akin

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko kay Leo

"May napapansin ka ba kay Xia? I mean..May nakikita ka bang kakaiba rin sa kanya?" Tanong nya. Kumunot naman ang noo ko

'Ako may napapansin ako!!'

Muntik ng matumba si Leo sa upuan ng bumulong si Ruster sa hangin

"Hoy Bakla! Wag ka ngang manggulat! Papatayin mo ako sa gulat na Gago ka!!" Sigaw ni Leo sa hangin pfftt! Para syang baliw

"Ppffftt! A-Ano bang napapansin mo pfftt kay X-Xia hahahah!!!" Sabi ko at tumawa tawa pa. Sinamaan naman ako ng tingin ni Leo kaya full force kong pinigilan ang pagtawa ko

"Eto! Sa atin lang to ah! Tungkol toh kay Xia..." sabi ni Leo na ang tono ay kala mo'y Chismosa sa kanto

"Tsh wala naman akon--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita muli si Leo

"..At Gia" pagkasabi nya nun agad akong lumapit sa kanya

"Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya


Xia's POV



~ dasi Run Run Run nan meomchul suga eobseo
tto Run Run Run nan eojjeol suga eobseo
eochapi igeotbakke nan mothae
neoreul saranghaneu---~~~

X: Hello po?

C: Is this Xianne Zein M. Thompson?

X: ahhm speaking...??

C: Miss Xia we need you here at the studio right now

X: Why so sudden? I thought its Our Day off?

C: You have a picturial with...Raven...Van..F-Fiernoww?

X: oh? I-Its Fierno

C: Okay, So you're coming or what? Don't make the photographers wait hmm?

X: Just a minute, Im coming...Bye


Agad kong binaba ang tawag at pumunta sa kwarto ni Raven. Kumatok ako pero walang sumagot kaya nagpasya na lang akong pumasok

Sparkler Academy: School Of Magic UsersOnde histórias criam vida. Descubra agora