|| CHAPTER 1: Mr. Campus Prince ||

12.3K 213 0
                                    

[ ASHLEY'S POV ] 

Hi, I'm Ashley Reyes. Transferee dito sa StoneCraft University (SCU). Actually hindi ko rin alam bakit dito ako lumipat. Ewan ko ba, sabi ng parents ko eh. Haha. Pero infairness, halos lahat ng estudyante dito ay magaganda at pogi. Pero oooops! Bawal mainlove, aral muna oy! Aral ang pinasok ko dto. Mamaya eh maloko pa 'ko, mahirap na para sa mga marupok na tulad ko hahaha. Joke lang. Strong independent woman ata 'to! 

Nandito ako sa campus kasama ang one and only kong friend – si Kristine. Vacant kasi namin, kaya nag gala gala muna kami. Habang naglalakad kami may nakita akong maraming babae na nagkukumpulan sa bulletin board.

"Bes, bakit may nagkakagulo sila dun? May kakaiba ba sa bulletin board natin ngayong college na wala sa bulletin board natin nung HS?"

Paano kasi naalala ko yung bulletin board namin dati. Pag may special event, papalit palit ng designs. Katulad ng, "Happy Valentines", "Merry Christmas", "Happy Halloween", "Congratulation, graduates." Puro ganyan lang naman, halos lalangawin na nga dahil walang tumitingin. Hehe.

"Girl, naka paskil na daw kasi yung heartthrob dito sa campus." Ngiting sabi ni Kristine.

"At pangiti ngiti ka pa ha? Sus! Yun lang pala eh. Akala ko naman libre na yung tuition!" sabi ko.

"Kurt Daniel Lee ang pangalan." dagdag ni bes.

"Patingin nga ako! Waaaa, oo nga. Ang gwapo nya. At—" di pa ako tapos magsalita biglang sumingit si kristine.

"Pero bes, playboy daw eh. Kalat nga sa campus natin na sya daw ay isang CASANOVA. Pinapaglaruan nya lang ang mga babae dito sa campus." Sabi ni Kristine.

"Nako! Sayang. Iba na talaga ngayon, porket gwapo nanloloko na."

Eh nakakainis kasi eh. Kung sino pa yung hindi gaanong gwapo sila pa yung loyal at hindi manloloko. Dapat talaga ibigay nalang ni God yung mga taong seryoso sa seryoso, tapos hayaang  maggaguhan yung mga manloloko. Hehe. Joke po.

"Ang daldal mo talaga. Baka pag sineduce ka nyan, mainlove ka? Hindi imposible girl. Maganda ka eh. Yii—" sabay sundot nya sa tagiliran ko. Luh?

"NEVER AKONG MAIINLOVE SA LALAKING GANYAN YUNG ATTITUDE NOH. NBSB AKO AT KUNG SYA ANG MAGIGING FIRST KO, ABA WAG NA!!" sunod sunod na sabi ko.

"Hahahahahahaha. Chill ka lang bes. Nagtatanong lang eh. Wag ka magsalita ng tapos. Baka kainin mo rin yan. Ikaw din."

Naglakad ako palayo, parang bigla akong nagutom at gusto kong makalanghap ng hangin.

"Ay casanova!" sigaw ko dahil sa gulat. Nahulog yung libro ko, hindi ko namalayan nakasunod pala sakin si Kristine.

"Uy bes, okay ka lang?" Kristine. Isa rin bang bulag tong si bes? Kitang may naka bunggo ako tas tatanungin kung okay lang ako? Huhu.

"ANO BA YAN! HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN!" galit na sabi ko. Pag angat ko ng ulo, nakita ko ang isang mala anghel na muka. Waiitt—parang nakita ko na sya eh? Sa ano? San ba yun? Ahhh! – sa bulletin board! Tama. Huh? Siya ba yung Campus prince? 

Si KURT DANIEL LEE? Obvious naman. May nakapulupot na dalawang babae sa braso nya.  Ang harot naman, PDA 'to diba?

"Excuse me, miss? Eh ikaw nga 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Hello? Nakatungo ka kaya! Psshh tanga." Girl 1.

"Oo nga. Let's go honey!" Girl 2.

"WOW AKO PA NGAYON ANG TANGA AH? PARA SABHIN KO SA INYO, ANG KAKAPAL NG MGA MUKA NYO! DITO PA KAYO NAGLALANDIAN SA CAMPUS. KAIRITA!" sigaw ko sa kanila bago makaalis. Andami namang taong nakatingin sakin. Ako naman ang tama eh kinuha ko na rin ang libro ko chaka kami umalis ni Bes.

My Boyfriend is a CasanovaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora