Numb 4: Why

1.3K 33 3
                                    

ZOE's POV

 

Matapos naming mamili ni Paul ay dumiretso na kami sa bahay dahil naghihintay daw sila doon. 

 

At dahil pagod na rin naman ako sa kalalakad at napakainit sa labas, sumama na din ako pauwi. 

 

Maingay sila kanina habang papasok pa lamang kami sa bahay. 

 

Pero bigla naman silang tumahimik nang makitang dumating ako. 

 

Anong meron?

 

Samantalang kanina ay napakalakas ng kanilang mga boses na sa garahe pa lang ay maririnig ko na. 

 

"Oh bakit tumahimik?" -- tanong ko. 

 

Nagkatinginan lang sila pero ni isa man ay walang sumagot sa mga tanong ko. 

 

"Naputulan na ba kayo ng dila o sadyang ayaw niyo lang na narito ako kaya hindi kayo makapagsalita?" 

 

Napataas na lang ang kilay sa inaasal nila ngayon. 

 

Pakiramdam ko hindi nila gusto ang aura ko ngayon.

 

"Just tell me that you don't want me here so I can leave immediately." 

 

Wala pa ding nagsalita kaya pinili ko na lang na umakyat sa kwarto ko kasi alam niyo yun?

 

Ang sarap lang makipag-usap sa mga tuod.

 

"CZ." 

 

I heard Paul calling me a minute.

 

Tumigil lang ako paglalakad at hinintay ang sasabihin niya. 

 

"Maya ka na umakyat, kwentuhan naman tayo dito. Tagal nating nawala, we need to catch up things." 

 

"I want to Tristan. Pero ang hirap naman yatang makipagkwentuhan sa mga taong ayaw ka namang kausap." 

 

Nakita kong napatungo yung apat na tinutukoy ko. 

 

"H..Hindi naman sa ganun myfriend." -- Zhy

 

"Oh talaga? Kanina pa ako nagtatanong dito pero ni isa sa inyo walang sumasagot." 

 

"Eh naninibago lang kasi kami sayo." -- Agua

 

Napataas muli ang kilay ko and this time hinarap ko na sila.

 

"Naninibago? Ako pa din ito."

 

"The way you talked, the way you walked, the way you deal with those people whom you talked to, ibang iba ka na." -- Agua

THE BITTER NUMBحيث تعيش القصص. اكتشف الآن