Numb 24: "Tukayo"

894 21 6
                                    

ZOE's POV

Hindi na ako lumingon kahit pa tinatawag ako ni Harry. 

Hindi na rin nagsink in sa akin ang mga huling sinabi niya. 

Tumatakbo akong lumabas sa condo na iyon at agad na isinara ang elevator pagkapasok ko. 

I don't know what to think kaya sa halip na sa bahay ako dumiretso ay nagpahatid ako sa taxi sa Version.

Agad akong umorder ng alak sa bartender at umupo sa counter. 

"You're here." 

Tinapunan ko ng tingin ang nagsalita sa tabi ko. 

Si Clifford.

"Not now, Clifford. Wala ako sa mood." 

"Don't worry, hindi kita kukulitin. Hayaan mo lang akong samahan ha." 

Tumahimik na din ako at uminom na lang kaming dalawa.

"Masakit pala talagang mapagsinungalingan ng mga taong mahalaga sayo."-- I said. 

"Masakit talaga pero baka naman may rason kung bakit ginawa niyang magsinungaling." 

"Dati, nung nalaman ko na hindi ako Fontenillo, na ampon lang ako ng kinagisnan kong magulang tapos nakilala ko din ang tunay kong ama, sabi ko, ang swerte ko naman. Kasi yung ibang tao walang tatay pero ako meron, dalawa pa. I feel blessed. Though its painful na dahil din sa nangyari noon, nawala si Papa, masaya pa din ako na nakita ko ang tunay kong ama. When I found out na isa akong Ricaforte at itinago yun sa akin ni Papa, galit na galit ako. Kasi naman, yung huling tao na inaasahan kong totoo sa akin, sinungaling din pala. Siya din pala yung mananakit sa akin. Siya din pala yung magpaparamdam sa akin ng pakiramdam ng trinaidor." 

Napatigil ako ng makita kong titig na titig siya sa akin. 

"Tss. Huwag mo nga akong tingnan. Bwisit to. Nagkukwento ako, nagdidaydream naman. Psh." 

"Sinong nagdidaydream? Kapal nito. Di ba ganun dapat. Kapag may nagkuwento sayo, kailangan nakikinig ka ng mabuti." 

"Eh bakit kailangan nakatitig?" 

"Napatingin lang ako no. Bakit naman kita tititigan? Asa ka." 

"Bakit defensive ka? Napatingin daw. Psh. Pareho din yun. Huli na deny pa." 

"Napatingin, hindi nakatitig. Iba ang napatingin sa nakatitig." 

"Psh. Parehong ginamitan ng mata eh. So pareho yun." 

"Nagkataon nga lang na paglingon mo nakatingin ako sayo. Lasing ka na yata eh." 

THE BITTER NUMBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon