Numb 45: Damn

362 9 21
                                    

A/N: 

Super sorry po talaga kung hindi ako nakakapag update. Sobrang dami ko kasing ginagawa sa school lalo na at hawak ko ang school publication namin ngayon. 

Please bear with me po at sorry kung maikli lang itong update kong ito ngayon. Super daming deadlines ko kasi kaya inuuna ko muna iyong mas kailangan. Magaupdate naman po ako kapag nagkatime ako kaya sana huwag kayo magtampo sa akin. :(( 

Still thank you guys for still reading this novel. Kahit na medyo matagal po akong magupdate. Anyhoo, ipinost ko na itong natype ko para naman hindi na kayo magtampo :( 

Vote. Comment and Be a Fan po. salamat :) 

Lalovesyou all. 


CHIMIMAY

***********

ZOE's POV

"Let's compromise."

Napatingin lang ako kay Clifford ng mga oras na iyon. Hinihiling niya na pakasalan ko siya para matahimik na daw ang pamilya naming pareho.

Pero hindi pwede.

Ayokong gawin kay Harry ang ginawa niya sa akin noon. Sapat ng isang beses na nasaktan kami pareho.

"No."

Nakita ko ang marahas niyang pagbuntunghininga.

Malungkot siyang tumingin sa akin.

"Sabi ko noon sa sarili ko, kapag nakita ko na ang babaeng mamahalin ko, hinding hindi ko siya pakakawalan. Noong una kitang makita, akala ko wala lang. Akala ko, katulad ka lang din ng ibang babae. Pero ganun naman talaga di ba? Kapag hindi mo inaasahan, saka mo mararamdaman. Kung kailan hindi pwede, saka naman tumitibok ng mabilis ang puso mo. Nasabi ko sa sarili ko noong minsang iniyakan mo ako dahil sa nakaraan mo, hinding hindi ako papayag na umiyak ka pa ulit dahil lang sa nasaktan ka ng dahil sa pagmamahal. Akala ko kaibigan lang talaga ang pwede kong maramdaman sayo. Pero g*go puso ko, ikaw ang ginusto. Sayo pa tumibok. Kaya nong nalaman ko na may fiancée ako, laking tuwa ko kasi baka sakaling mabaling sa kanya ang nararamdaman ko para sayo, pero mapaglaro ang tadhana. Akalain mong ikaw pala ang fiancée ko."

"Hindi mo ako pwedeng mahalin Clifford. Masasaktan lang kita. Hindi ko kayang magmahal ng iba bukod sa kanya."

"Ang swerte naman niya. I want to be selfish. I really want you for myself. Sino ba namang hindi gugustuhing ipagdamot ang taong mahal niya pero kung hindi ka naman sa akin sasaya, ano pang halaga?"

"Clifford."

"Marry me CZ, please."

"You know I can't."

"Hindi kita itatali ng matagal, or kung gusto mo kunwari lang kasal. Para matahimik lang sila. Para hindi ka nila guluhin pa. Then kapag okay na ang lahat saka kita ibabalik kay Harry."

"Ano bang tingin mo sa akin Clifford? Bagay na hinihiram lang at isosoli na kapag tapos ng gamitin?"

"Hindi iyon ganun."

"Sa tingin mo ba tatantanan kayo ng mga magulang natin kung kayong dalawa ang magpapakasal? Sa tingin mo ba ginagawa ko ito para sa sarili ko?"

"I don't want to take the risk of marrying you and in the end, masasaktan ko siya, masasaktan kita at masasaktan ako."

"Maybe we will be hurt in the process, ganun naman talaga. Wala namang sumaya nang hindi nasaktan muna hindi ba? So please, think it over."

"Walang divorce sa Pilipinas."

THE BITTER NUMBWhere stories live. Discover now