Part 2

80.2K 2K 151
                                    

Huminga nang malalim si Jasmin. "K-kailan ako pupunta roon?"

Umaliwalas ang mukha ng matanda, ngumiti ito, nagbukas ng drawer at may inilabas na sobre. Iniabot sa kanya.

"Aalis ka three days from now. Nariyan sa sobreng 'yan ang ticket mo sa eroplano. Nariyan din ang kabuuang suweldo mo para sa buwang ito. An added bonus, Miss Cuevo, unang linggo pa lang ngayon ng buwan pero binuo ko na ang suweldo mo. At sa Kristine Hotel mo tatanggapin ang kaukulang sahod sa paglilingkod mo roon. Maaari ka nang umuwi ngayon upang makapaghanda."

"Is that all, Sir?"

"I'll meet you here again sa araw ng pag-alis mo para sa huling briefing. And another thing, Miss Cuevo..." pahabol ng don nang akma siyang tatayo. "Do not—inuulit ko—do not fall in love with my grandson."

Marahas ang pag-angat ng mukha niya. "Ano ang ibig ninyong sabihin?" aniya na nagsasalubong ang mga kilay.

"Women are swarming around him. 'Yong mga hindi niya gusto, he brushes them off na tila mga langaw. At 'yung gusto naman ni Nathaniel," nagkibit ito ng mga balikat. "...hindi ko na siguro kailangang sabihin pa. If you will fall for him, Miss Cuevo, alin na lang sa dalawa: you will end up with a broken heart or get yourself pregnant "

Nanlaki ang mga mata niya, nag-init ang mga pisngi. Wala sa loob na napatayo. "Don't you think you are overrating your grandson, Don Leon?" pagalit niyang sinabi na sandaling nakalimutan kung sino ang kaharap.

Kumislap ang mga mata ng matanda. "Nathaniel is an attractive man, Miss Cuevo. And very rich."

"Then rest assured, Sir, I will never even consider any feeling of attractions toward your grandson. Lest of all love," mariing wika niya.

"Calm down, Jasmin. Maupo ka uli. Ang sinasabi ko'y para sa iyo. To warned you about my grandson."

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. She'd lost her temper at sa harap pa mismo ng Big Boss. I'm... sorry."

"Nagkakaintindihan tayo kung ganoon. Itatawag ko sa Kristine Hotel ang pagdating mo."

Nang makalabas si Jasmin ay lumabas naman mula sa nakabukas na adjacent door sina Emerald, ang isa sa mga apo ni Don Leon, at ang asawa nitong si Marco. Naupo ang mga ito sa tig-isang silya sa harap ng don. Amusement ang nasa mga mata ni Marco at pag-aalala naman ang kay Emerald.

"That lady has a temper, Leon," bungad ni Marco sa matanda. Hindi nito magawang tawaging lolo ang agwelo ng asawang si Emerald.

"And little bit like you, darling." Masuyong sinulyapan nito ang asawa, pagkatapos ay ang matanda uli. "At ang buong akala ko pa naman ay pinangingilagan ka ng mga empleyado mo." Marahang tumawa ang don. Inilabas ang pipa at sinindihan.

"Hindi ko gusto ang ginawa ninyo, lolo," ani Emerald. "That's cruel! Paano kung hindi pumayag si Jasmin? De nawalan pa ng trabaho 'yong tao." May himig ng galit ang tinig nito.

"Hindi niya gagawin iyon, nieta. Kailangang- kailangan niya ang trabaho sa panahong ito," may tiwalang sagot ng don pagkatapos magbuga ng usok.

"A face like that, Leon, she could easily find herself another job," ani Marco.

Nagkibit ng balikat ang don. "Kinagat niya ang bluff ko. Ganoon lang iyon. And besides, she doesn't seem to be aware of her assets. Very unaffected."

"But you are manipulating these people!" hindi nakapagpigil na sabi ni Emerald. "Ano ang sasabihin ni Nathaniel 'pag nalaman niya?"

"Nieta, hija, ano ang malalaman ni Nathaniel? Kailangan talaga nila ng receptionist sa hotel ngayon. It is summer time at wala sa oras ang pagre-resign ng dating empleyada," kalmanteng sagot ng don na napapangiti.

Tanong ni Marco, "Bakit mo ginagawa ito, Leon?"

"Gusto ni Nathaniel na hawakan na ang renda ngbuong hacienda. Alam kong kaya niya. Pero kailangan niya ng asawa para mapanatili ang paggalang ng mga tauhan sa kanya. My goodness, Emerald, your cousin has a reputation of being a rake! Bukod pa sa carefree living. He needs a wife to tone him down."

"You can tame the wild boar in Paso de Blas, Leon, pero hindi si Nathaniel," natatawang sambit ni Marco. "Ang apo mo'y tulad ng agila na malayang nakalilipad."

Amused na sinulyapan ng matanda ang lalaki. "Weren't you cut from the same cloth, Marco?

Malakas na tumawa si Marco, masuyong sinulyapan si Emerald na hindi mapigil ang pagngiti. "Noon 'yon bago ko nakilala ang isang babaeng naka-miniskirt at high heeled sa gubat." Kinindatan nito ang asawa.

"Precisely. Si Jasmin ang gusto kong mapangasawa ni Nathaniel, mga apo. Pitong taon kong empleyado ang ama nito, si Dante. At wala akong masasabi sa katapatan at pagkatao. Pinasiyasat ko na ang buhay at pagkatao ng batang iyan. Matalino at masunuring anak. Maraming mga admirer pero hindi nagkaroon ng seryosong relasyon. At ang pinakaimportante sa lahat ay malinis ang pagkababae," paliwanag nito sa seryosong tinig.

"Paano kung hindi sila magkagustuhan, lolo?" "Saka ko na iisipin 'yon. Kalimutan na muna natin si Jasmin at ang pinsan mo." Muling sinulyapan si

Marco. "Napag-isipan mo na ba ang inaalok ko sa iyo, Marco?"

"Leon, I am a criminal lawyer, not a corporate one."

"Don't give me that bull, Marco. Hindi mo kailangang maglagi rito. You can still work in the farm kung iyon ang gusto mo. Naririyan ang mga katulong na abogado."

"Sinusubukan mo ba ang technique mo sa akin, Leon?" May halong panunuya ang tinig ni Marco.

"I don't know why I have to put up with you, Marco. In some ways ay magkatulad kayo ni Nathaniel. Why can't you agree with this old man. Ang gusto ko lang naman ay pamilya ko ang nasa ilalim ng kompanya ng Kristine."

Tumayo si Marco. "You're still strong as a bull, Leon. Anyway, pag-iisipan ko at kung darating ako sa desisyong pagbibigyan kita, 'yon ay dahil gusto ko. Not because you have succeeded in putting a rope around my neck."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda. Tumayo na rin si Emerald at humalik sa pisngi ng agwelo.

"Kailan ang uwi n'yo sa Falcon Farm?"

"Hindi ko matanggihan ang kasong hawak ko ngayon, Leon. Kaya matatagalan muna siguro kami rito."

"Himukin mo ang asawa mo, Emerald. Si Nathaniel ay walang interes sa kompanyang ito. Nasa hacienda lahat ang atensiyon ng pinsan mo. And what about you, nieta? Sooner or later, you will be one of the owners of Kristine Cement. Can't you give up that damn job of yours?" May frustration sa tinig ng matanda.

Napatitig sa asawa si Emerald at pagkatapos ay sa lolo. Kahit paano ay nakadama ito ng guilt. Bilang apo ay dapat ngang nasa kompanya ang malasakit nito.

Ngunit kay-hirap pilitin ang sarili lalo pa't nasa pagsusulat ang puso nito at maligaya sa ginagawa.

"Pag-uusapan namin ng asawa ko, lolo?" pagtatapos ni Emerald sa usapan.


Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon