Chapter Two

178 5 0
                                    

Nagulat ako sa aking na kita, sobrang lakas ng kalabog ng puso ko dahil sa nakasabit na picture.

Ang picture namin ni Damien habang ginagawa namin y-yon! Paniguradong si Damien iyan! Hindi kasi halata para sa iba kasi naka talikod siya sa picture habang ako nakarahap mismo sa picture.

What the?!

Kitang kita ang hubad kong katawan doon. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko, puro bulungan ang naririnig ko sa paligid.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong paa sa tambayan nila Damien.

"Damien!" Pag tawag ko sa kanya. Ang kaninang tawanan ng kanyang kabarkada ay napalitan iyon ng katahimikan.

"Oh, Damien's bitch is here." Narinig kong sabi ni Valerie sa tabi ni Damien pero hindi ko iyon pinag tuunan ng pansin at agad kong lumapit sa pwesto niya tsaka ko siya sinampal ng napakalakas na halos mag echo pa ang tunog nito.

Napasinghap ang mga estudyanteng nakakita sa ginawa ko pero wala akong pakielam!

"Bakit mo linagay nag picture natin doon sa bulletin board, Damien?!" Galit na galit kong sabi. Wala na akong ibang iniisip ngayon kung ang batang nasa sipupunan ko. Ang sabi nila, bawal ma istress ang buntis pero hindi ko mapigilang magalit ngayon.

"Why? Am I not allowed to show everyone how you savored the moment we had s*x?" Ngumisi pa siya sa akin at hindi din napigilang tumawa ang kanyang kabarkada, kasama na din ang girlfriend niya.

"Napaka stupida at easy to get mo naman kasi para mahulog sa bitag ng boyfriend ko, Saiorse" Mas lalo pang nadagdagan ang bungisngisan sa gilid kaya hindi ko na napigilang sampalin si Valerie. Masyadong mabilis ang galaw ko kaya hinablot ko nag kanyang buhok at pumaibabaw ako sa kanya.

Nag karoon tuloy ng commotion dito.

"Get off me, you b*tch!" Noong nakita nila Damien ang ginawa ko, wala pang isang segundong lumapit sila samin a pilit nila kaming pinapatigil. Malakas si Damien kaya na alis niya agad ako sa ganoong posisyon namin ni Valerie.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari...

Sinampal ako ni Damien.

"B*tch! Why did you do that?!" Hindi ako makagalaw at halos walang lumabas na salita sa bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinampal ako ni Damien. Kahit masakit, pinilit ko pa ring tumingin ng deretso sa mukha niya. Nakikita ko ang poot at galit sa kanyang mga mata.

"Answer me! D*mn!" Yinugyog niya ako sa aking mag kabilang balikat, nag simula nang mamuo ng luha sa mga mata ko.

"Ano iiyak ka?! You're lucky, kasi walang masamang nangyari kay Valerie at sa magiging anak namin." Mahinang sambit niya. Buntis si Valerie? Matagal na hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya. Kung buntis si Valerie, paano ako?

Tinulak niya ako ng malakas pero hindi ako nag pa tinag.

"Umalis ka na, get out of my sight before I lose my senses" Matigas na untag niya. Hindi ko alam kung anong meron siya kaya sumunod ako sa sinabi niya. Umalis akong luhaan, punong puno ng luha ang mata ko kaya 'di ko makita kung sino ang nakaka salubong ko. Umiikot na din ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko.

"Saiorse? Gurl, bakit ka umiiyak?" Yun lang ang huli kong narinig bago ako nalamon ng dilim...

End Of Flashback

"Mom, we're done!"

Bumalik ang diwa ko noog narinig ko ang boses ng anak ko. Sabay sabay silang lumabas ng banyo tsaka sila isa isang lumapit sa akin.

My Dangerous BabiesWhere stories live. Discover now