"Che."

Pero panigurado ako, tatandaan ko naman 'yon. Mapusok ang unang pag-ibig.

Alas otso na ng gabi so kailangan na pumasok doon sa bahay dito sa probinsya. Eh kapag pumapasok naman ako, walang signal. Tapos pag nagsesend ako ng message, mga ten minutes pa niya bago natatanggap.


Uy papasok na ako so mawawalan na ng signal sa loob :(

20:04


THEO

Tawag muna ako

20:10


Narinig ko na tinawag na ako ni mama, pero hinintay ko pa rin yung tawag niya. Siguro after three minutes, saka lang nagpakita na tumatawag siya.

"Hello?" bati ko.

"Uy, miss na kita."

Shoot ang pinya naman eh. Lalong nakakahulog na hindi ko alam. Sinong hindi kikiligin na yung "hello" niya ay "uy, miss na kita" di ba?

"Woo, talaga lang ah."

"Babalik ka na agad sa loob?"

"Oo eh. Magdidinner na. Eh siyempre hindi na kami papayagan dito sa labas mamaya."

"Ano ba yan."

"Kumain ka na ba ng dinner?"

"Hindi pa."

"Bakit hindi pa? Kain ka na!"

"Wala akong gana. Ang layo mo sa kin eh."

"Hala siya. Baliw."

"Seryoso nga."

"Tumigil ka nga, The Orpheus Romeo." Napangiti ako at nagbuga ng mga salitang ayoko sabihin pero sinabi ko rin. "Miss na kita."

Nakakainis dahil biglang tumahimik. Narinig ba niya yung sinabi ko?

"Hello?"

"Balik ka na. Miss ko na rin yang mga paglololoko mo," bigla niyang sabi.

Hindi ba niya naramdaman na more than a friend yung pagkasabi ko ng miss ko na siya?

"Sige na," sabi ko nang bigla akong mairita. "Bye na."

"O, bat parang nag-iba yang tono mo?"

"Hindi ah. Sige na, kumain ka na ng dinner mo ha."

"Yup, ikaw rin. Bye."

"Bye."

"Sige na, bye."

"Bye."

Tapos tumahimik. Hinintay kong ibaba niya yung telepono pero di naman niya binababa.

"Hello?"

"Hello?" sagot naman niya. "Ibaba mo na."

"O sige, bye."

"Bye."

"Ge."

"Sige, kain ka na."

"Yup, dapat ikaw din."

"O sige na."

"Sige po."

"Bye."

"Bye."

"Ge."

And again, hinintay kong ibaba niya pero di nanaman niya binaba. Utang na loob.

"Hello? Theo?"

Lost and FoundWhere stories live. Discover now