CHAPTER 5

11.2K 289 11
                                    

MAKAILANG TAPIK SI AKIO sa manebela habang lulan ito nang kanyang kotse hanggang sa napasuntok siya dito.

"Damn it!!"

Nagpupuyos ang kanyang damdamin at hindi niya iyon maitatanggi sa kanyang sarili. Bakit nga ba? Bakit ba siya nagkakaganito? Dahil ang ba doon?

"Kung sino mang nagpauso nang damit na iyon..ibabaon ko!"

That's the reason why! Kaya siya naiinis ay dahil sa naging sagutan nila ni Myda at dahil din sa dahilan nang sagutang iyon. Pero ang mas ikinagagalit niya sa kanyang sarili ay kung bakit ba apektado siya dahil doon.

"Hon you okay?"

Napatingin siya sa babaeng napahawak sa kanyang braso. Muntikan na niyang nakalimutan kasama pala niya ito. Unti-unti siyang ngumiwi dito.

"Nothing."

But Amcee still staring at him na parang hindi kuntento sa kanyang sagot.

"Okay" napakagat labi na lamang siya nang marinig niya itong napabuntong hininga at sumang ayon sa kanyang kasagutan.

Hindi maipinta ang kanyang mukha nang makarating sila sa Mall. Kapit tuko si Amcee sa kanyang braso habang papasok sila sa loob nang Mall. Nasa bukana palang sila pero hindi na matigil ang kanyang mata sa kakahanap.

Akay-akay siya ni Amcee habang naglalakad sila. International Model ang kanyang syota kaya naman hindi maiiwasang pagtinginan sila doon. Ipinagpapasalamat nalang niya na hindi sila dinudumog nang mga tao.

Hindi naman kasi dedma si Amcee sa mga ito kapag may nakakapansin sa kanyang syota ay agad nito iyong kinakawayan at nginingitian. Kapag pa nga may nagpapa autograph ay tinatanggap parin ito nang dalaga.

Nang makaakyat sila sa second floor nang Mall ay inakay siya nang dalaga sa isang jewelry shop at nagpatangay naman siya. Habang busy ito sa kakapiki nang kwintas ay busy naman ang kanyang mata sa kakahanap.

"Ahm..yes that one..Hon tingin mo bagay sakin ito?"

Tumango siya kahit hindi pa nito nakikita ang sinasabi nito. Parang nakita kasi nito ang kanyang hinahanap kaya medyo napahakbang siya na ikinahila naman sakanya ni Amcee.

"A.A. ano ba! Kanina pa kita kinakausap pero bakit parang wala ka sa sarili mo? Kasama nga kita pero parang hindi! Abo bang problema?"

Bakas sa tono nang bosss nito ang pagkairita dahil sa kanyang inaasta. Inalis niya ang kanyang shades at napatingin dito.

"Im sorry Hon..para kasing nakita--"

"Who? At sino na naman ba ang hinahanap mo? Andito naman ako ah!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat na ikinatigil nang dalaga. Mabuti nalang at walang masyadong tao sa jewelry shop na kinalalagyan nila.

"Pasensiya kana.." hingin niya dito nang tawad.

"Sino ba kasing tinitignan mo?"

"It's Soul's sister" he said in a low voice. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-ikot nang mga mata ni Amcee at bigla nitong pagpiksi sa kanyang kamay.

"Siya na naman!"

He knew it! Alam na alam niyang ganito ang reaksiyon ni Amcee sa tuwing si Myda ang pinag-uusapan. Hindi palang kasi nakikita ni Amcee si Myda noon ay palagi na niya itong nakukuwento ito sa dalaga. At kapag lumalabas si Myda ay palaging ibinibilin ni Soul sakanya ito kaya kasama si Amcee kapag binabantayan niya ito kahit sa malayo dahilan upang magumpisang ito na ang pinag aawayan nilang dalawa.

"Hon.." lambing niya dito pero napahalukipkip si Amcee sa kanyang harapan.

"Myda. Myda. Myda! Palagi nalang siya! Alam mo ba A.A nakakahalata na ako eh! Kung hindi lang dahil kay Soul na kaibigan mo iisipin kong may gusto ka sa batang iyan eh!"

LEGENDARY BOYS #3: Akio Ace Arevalo (COMPLETED)Where stories live. Discover now