CHAPTER 2

12.2K 296 5
                                    

ISANG MALAKAS NA PITIK sa harapan niya ang nakapagpabalik sa kanyang diwa habang lumilipad iyon patungo kay Akio. Takang napatingin siya sa kanyang kaibigan.

"Tulala kana naman. Anong kalokohan na naman kaya ang laman nang utak mo ngayon?"

Tumulis ang nguso niya habang nakatingin dito. Hindi parin kasi maalis sa kanyang isip ang nakita niya kahapon. Hindi maatim nang kanyang sarili na iyon ang babaeng kinababaliwan nang kanyang pinakamamahal.

"Nakakabwisit lang kasi!" Bulalas niya habang nasa canteen sila ni Diane at nagmemeryenda. Hapon na at isang klase nalang ang hinihintay nila at matatapos na naman ang maghapon nila sa skwelahan.

"Ano na naman bang problema? Kay Akio na naman? Sabi ko naman kasi sayo bes wala kang pag-asa doon" sabay subo nang order nitong pancit.

"Kaibigan ba talaga kita o ano? Bakit parang mas pabor ka pa sa babaeng iyon kesa sakin?"

Napaawang ang bibig nito nang tumingin sakanya. "Babae? Teka! Ibig sabihin ay totoo ang balita na may girlfriend na si Akio mo?"

Nangalumbaba siya sa mesa. Nakakainis lang kasi at pati ang balita ay hindi nakikisama sa kanya. Mantakin ba namang isiwalat pa iyon nang media! Nakakaasar talaga! Sana nga eh siya yung babae kaso iba!

"I saw that bitch yesterday..at nasa bahay siya. A model"

Kilala niya ito..si Amcee Dela Vega. Ang isang sikat na International Model. Kasama din ito sa mga Victoria Secret Model. Pero ano naman sakanya kung Modelo nga ito?! Bitch parin ang tingin niya dito.

"Who?" Tanong nang kanyang kaibigan. Nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga. Maganda naman talaga si Amcee at sexy! Ang totoo nga niyan hindi rin lugi si Akio sa modelong iyon.

"Amcee Dela Vega"

Nanlaki ang mga mata nang kanyang kaibigan at biglang napangiti.

"Gosh! Bes! Sikat iyon! At ang ganda pa! Nakita ko nga yung poster niya sa kalsada tiyaka pati yung larawan niya sa billboard..ang sexy at--"

Sinamaan niya iyo nang tingin na ikinatigil ni Diane.

"Tyaka..bitch" dugtong niya.

"Ang bitter mo bes" inirapan niya ito at tinusok tusok ang spaghetting inorder niya. Hindi niya malaman kung bakit wala siyang ganang kumain. Siguro ay dahil sa mukha nang Amcee na iyon. Naumay tuloy siya.

"Bitch naman talaga iyon! Tyaka sige lang girlfriend niya ngayon..eh ano ngayon? Maghihiwalay din sila. Kasi kami ni Akio ang may forever"

"Sus! Mangarap ka nang gising sa Prince Charming mo. Libre naman iyan bes"

Biglang sumagi sa kanyang isip ang narinig niya kahapon na usapan nang mga ito.

"Club X..tama!"

"Ano na namang Club X ang pinagsasabi mo Mydz? Club House yun..ayun oh! May tinda pa sila"

Nginitian niya ang kanyang kaibigan. Kahit kelan talaga ay inosente ito pagdating sa ganitong mga bagay.

"Diane pwede huminging favor?"

"Ano yun bes? Siguraduhin mong kaya kong ibigay yan ha.."

Tumango siya at hinarap ito. "Diba dipa tapos yung group project natin?"

"Tapos? Ngayon?"

She bit her lower lip. "Sa bahay kana matulog mamayang gabi"

Halos mabulunan ito dahil sa kanyang sinabi. Uminum ito nang tubig tyaka nagsaliya.

LEGENDARY BOYS #3: Akio Ace Arevalo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon