CHAPTER 4

9.5K 284 8
                                    

NAALIMPUNGATAN SIYA nang may mahihinang katok sa kanyang pinto kaya kahit hirap ang kanyang katawan ay pinilit parin niyang bumangon. Parang umiikot parin ang kanyang paningin nang makatayo ma siya at sapo ang kanyang noo habang naglalakad para pagbuksan ang nasa labas nang pinto.

"Ahh..maam nakaready na po ang tanghalian niyo"

Kunot noo siyang napatingin sa kanilang katulong at marahang napatingin sa orasan. Tanghali na nga talaga at napasarap parin pala ang tulog niya nang makauwi sila kaninang madaling araw kasama ni Diane.

Speaking of that girl..wala na ito sa kama at wala na rin ang mga gamit nito. Marahil ay umuwi ito nang maaga sa kanila.

Tinanguan niya ang kasambahay at akmang aalis na ito at pagsasarhan nadin ito nang pinto nang tawagin niya ito.

"Manang..si kuya umalis na ba?"

"Ay nandiyan po sa baba maam kasama po ang mga kaibigan niya"

Kunot noo siyang tumitig dito at para bang inaasahan niyang nasa ibaba din ang lalaking dahilan nang pagiyak niya kagabi at dahilan din nang paginum niya.

"Sino pong mga kaibigan ni kuya Manang?"

"Si Ser Peirce po tyaka si Ser Fire kasama din po si Ser Akio"

Tama nga siya andito nga si Akio. Sinenyasan niya ang katulong at agad na pumasok sa kanyang silid. Bigla siyang napangiti nang nakakaloko nang may naisip na naman siyang plano.

After niyang maligo ay agad siyang nagpalit nang damit. Pinampag muna niya iyon sa ere at pinakatitigan.

"Tignan lang natin kung dika magsisi na hindi mo ako pinapansin Akio!"

Isang manipis na damit na spaghetti strap ang kanyang sinuot. Kulay puti iyon at nakikita ang kanyang cleavage. Natural, nakapush up bra kasi siya.

Pinulot nito ang kanyang maikking short na kung tawagin ay 'Pek-Pek Short'. Iyon ang tawag nila sa ganuong kaikling short na halos nakikita na yata ang pisngi nang pwet nang nakasuot kapag nayuko ito.

Tumaas ang kanyang kilay nang pinagmasdan niya ang kanyang sarili mula sa salamin.

"Ngayon Akio..sabihin mo sa aking bata pa ako!"

Hinaklit nito ang kanyang bag at mabilis na lumabas sa kanyang silid. Inayos muna nito ang kanyang sarili at sopistikada kunong naglakad pababa nang hagdan.

Kita niya kung paano mapagkit sakanya ang tingin nang kaibigan nang kanyang kapatid.

"Sexy"

She knew it! Matagala na bulag lang ang lalaking pinapantasiya niya. Its was Fire. Ang pinakamatinik na kaibigan nang kanyang kuya Soul pagdating sa babae.

Napabaling sakanya ang madilim na mukha nang kanyang kapatid. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi pinansin ang lalaking dahilan nang pagsusuot niya nang ganuon. Alam niyang nakatingin ito sakanya pero hindi niya iyon binigyang pansin.

"Where are you going?" Baritonong tanong nang kanyang kapatid.

"Mall.why?" She acted like nothing's gonna happened.

"Mall?" Patanong nito sakanya na ikinangiti niya dito.

"Na ganyan ang suot mo? Tsk! Change your dress Myda or hindi ka lalabas dito"

Iningusan niya ang nakatatanda niyang kapatid.

"May dress code na pala ngayon kapag pumasok nang Mall? Ngayon ko lang nalaman..but no! It's makes me comfortable"

"Nga naman kuya.." inakbayan ni Fire ang kanyanh kapatid habang nakangisi ito.

"Dalaga na iyang kapatid mo hayaan mo namang i-enjoy niya ang kabataan niya"

LEGENDARY BOYS #3: Akio Ace Arevalo (COMPLETED)Where stories live. Discover now