(4) I Changed My Mind

733 32 0
                                    

[ Kaye's POV ]

Kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit andito si Sehun sa talyer. At ang malala, nagtatrabaho siya? Aba! Himala na ata to! Itong mataray na to? Nagtatrabaho?! HELL NO! Psh.

"Huy te! Lusaw na si hot na fafable sa katititig mo ha!" Gusto atang makatikim nitong si Yanna eh. Pigilan nyo ko!

"Tumigil ka nga dyan! Nagtataka lang ako kung bakit yan nandito. Eh ni kahit sa panaginip ata nyan hindi nanaising makahawak ng kahit plais man lang eh. Pero tingnan mo.. ano kayang sumapi sa kanya?" Nagtataka kong tanong.

"Edi tanungin mo!"

"Bakit di ikaw? Ikaw ang nakaisip eh. Dyan ka na nga!" Mataray kong sabi at bumalik na sa ginagawa ko.

Nakakainis! Bakit ba kasi pinapakialaman ko siya? Tss. Kainin man siya ng lupa dyan ngayon, wala akong pakialam noh! Atsaka bakit--

"Hoy!" Speaking of the devil.

Tumayo ako at hinarap siya. "May pangalan ako."

"Di naman bagay sayo." Mataray niyang sabi.

"Wow ha. Di din naman bagay sayo yang ugali mo! Para kang bakla! Ang taray-taray mo! Lalaki pa man ding-- Huy! Lumayo ka nga!"

"Anong sinabi mo? Bakla ako?" Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Atras naman ako ng atras hanggang sa mapasandal na ako sa pader.

"L-lumayo ka sabi eh.." Hindi na lang ako makagalaw kasi konting maling galaw ko lang, dadampi na yung labi niya sa akin.

"Eh kung ayoko?" Shit ang bango ng hininga niya! Ano kayang mouthwash niya? Bibilhin ko din. Hahaha-- WHAT?! ANG BANGO DAW?! Yuck! Kadiri. Baka halikan niya pa ako! Nonono! Eww!

"H-hoy, ikaw! Wag kang magkakamaling--"

"Ano? Halikan ka? Hahahahahahaha!" Lumayo siya sa akin at tumawa ng malakas.

"Tinatawa-tawa nito?" Bulong ko at nag poker face lang.  -____-

"May rabies ka kaya. Yuck." Sabi niya at umalis na. Napanganga ako sa sinabi niya. ANG TARAY NA NGA, NAPAKA YABANG PA! HARU JUTHKO! ANG SARAP HAGISAN NG TEN WHEELER TRUCK! Urrrggghh!

Kaya ba nandito yan para inisin ako?! Haish! Pakamatay na lang akoooooooo! De joke lang. Marami pa akong pangarap noh.

[ Sehun's POV ]

Aish! Nakakainis naman to! Bakit ko ba kasi ginagawa to?! LeChen! Mas gugustuhin ko pang maging alila na lang nila kesa sa walang kwentang trabaho na to! Eh wala nga akong kaalam-alam dito eh! Dare kasi to ng barkada sa akin.

Flash back..

Masaya akong pumasok sa bahay dahil nakatikim na din ako ulit ng paborito kong bubble tea. Pero pag pagpasok ko, biglang napakunot ang noo ko dahil nakita kong ang sarap ng upo at kung ano-anong kinakain ng barkada ko sa sala namin. Napaka kalat pa!

"Huy Sehun, bakit ganyan ang itsura mo?"-Luhan

"Kanina lang pag hatid sayo ni Kaye ang saya-saya mo eh."-Suho

"Asus. Parang di naman namin nakita ah." -Baekhyun

"Wag mo ng itago Sehun."-Chen

"Di ba kayo kinikilabutan sa mga sinasabi niyo?!" Nakakunot noo kong tanong.

"Maganda naman siya ah. May gusto ka sakanya noh? Aruuuuuuuyyyyyyyy!" Pang aasar nila sa akin.

"HECK NO! Will you pleath thhut the fuck up?!" Ayan nabubulol na naman tuloy ako! Nakakainis kasi! -___-

"Talaga?!" Sabay-sabay nilang sigaw.

"Talagang-talaga!" Sigaw ko din.

"Then we will give you a dare.."

End of flash back..

At eto na nga. Eto yung nakakawalangyang dare na yun! Kinausap nila si Manager na pagtrabahuhin ako dito sa talyer for 2 weeks. Kailangan daw hindi ako mainlove sa Kaye na yun! As if naman noh! Yuck.

"Ano ba Ivan?! Di ka ba talaga titigil dyan?!" Eh sino pa bang magsisisigaw ng ganyan kalakas? Si Kaye lang yan. Nakakairita talaga.

"Hindi. Choi naman kasi. Maganda ka naman, makinis, sexy. Bakit mas maangas ka pa sa akin?" Sabi nung lalaki kay Kaye.

"Eh ano bang pakialam mo?! Panapakialaman ba kita sa kabaklaan mo?!" Ang tapang talaga eh.

"Hindi nga ako bakla sabi eh! Nakakainis! Hahalikan kita dyan, Choi!"

"Nakikita mo ba to?" Itinas niya yung malaking bakal na pang ikot ng turnilyo ng gulong. Di ko alam tawag dun eh. -___- "Pwede din tong dumampi sa makapal na mukha." Pananakot niya. Napaatras naman yung lalaki at nagtago sa likod ko. Wtf! Di kami close.

"Sus! Dyan ka pa nagtago. Eh bak--"

"Ano?! Sasabihin mo na namang bakla ako?!"

"Hindi ah. Wala kaya akong sinasabi. May narinig ka ba Yanna?" Tumingin siya sa likod niya at may isang babae dun na kumakain.

"Parang mero--"

"Oh di ba, sabi ko sa'yo wala eh." Sabi niya sa akin at tumalikod na din para mag lunch. Haish. Walang kwentang kausap.

"Paano mo nagawa yun?" Sabi nung lalaking nagtatago sa likod ko kanina pa.

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

"Bakit.. bakit hindi--"

"Charm, I guess." Sabi ko at kinindatan siya. Naglakad na din ako papunta sa mini canteen ng talyer para bumili ng lunch. Baka mabaklaan pa yung lalaking yun sa akin eh. Hahaha!

Pag katapos namin kumain, at eto. Balik sa trabaho na naman. Ang dungis ko na! At ang baho na din. Ano ba naman tong pinasok ko?! Hindi ko naman alam tong ginagawa ko eh. Tss. Bahala na nga--

"Hindi kasi ganyan.." Lumapit sa akin si Kaye at ipinakita sa akin ang tamang pag aayos ng makina ng kotse. "Ganto.. oh nakuha mo ba?" Tanong niya sa akin.

"Whatever." Mataray ko lang na sagot sa kanya.

"Aba, ang sungit nito ah! Ikaw na nga lang ang tinutulungan dyan ikaw pa ang nagtataray?! Bahala ka dyan! Kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi kita papansinin kapag kailangan mo ng tulong ko!" Tinitigan ko lang siya at nag isip. Baka kailanganin ko din itong babaeng to. 2 weeks lang naman eh. Titiisin ko na lang.

"Hindi na mauulit." Tipid kong sabi sa kanya.

"Kita mo to.. bahala ka dyan." Tatalikod na sana siya pero hinatak ko ang braso niya. "Oh bakit?! Wala man lang thankyou? Oh kaya sorry?! Di ka ba marunong mag sabi nun?"

"Sus. Yun lang pala ang gusto mo eh. Edi thankyou at sooooooory poooooo." Ginaya ko pa si Chichay nyan ha. Haha

"Hindi mo bagay! Hahaha!" Sabi niya at binasa ako ng tubig sa mukha. Naglilinis kasi siya ng kotse.

"Ah ganon? Eto sayo!" Hinagisan ko din siya ng isang tabong tubig. Hahahaha! Ang itim niya! Isipin niyo yung grasa na nabasa?! Tapos kumalat sa mukha niya. Hahaha!

"Urrrrggghhhh!" Sigaw niya. Kinuha niya yung hose at itinutok sa akin. "Hahahaha! Muka kang taong uling! Hahahaha!"

Aba! Taong uling daw? Siya nga mukhang upos ng sigarilyo eh. Haha! Nagbasaan lang kami ng tubig ni Kaye. Habang naghahabulan at nagtatawanan. Pinagtitinginan na nga kami sa talyer eh, pero di pa din kami tumitigil.

Feeling ko close na close na kami. Mali pala ang akala ko. Akala ko hindi kami magkakasundo. Pero may mga bagay palang magkaparehas kami. Masarap pala siyang maging kaibigan. At mali pala ang kasabihang first impression lasts.

~~

Annyeong! Very late update. Busy kasi sa school eh. Atsaka iniisip ko pa kung papaano ang magiging flow ng story. Pero ngayon, naisip ko na. Haha! May magbasa man nito o wala, tatapusin ko pa din! Fighting! <3 :))

Sorry for the typos.

 

//ck~

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon