Chapter 29: Spacing Out

127 9 4
                                    

Chapter 29: Spacing Out (Short UD)

Kaye's POV

"Kaye, eto oh tubig." Alok ni Yanna pero hindi ko iyon pinansin. Bagama't nakatulala ako, naramdaman kong umupo ito sa tabi ko, "Tumigil ka na naman dyan, kanina ka pa iyak ng iyak. Pwede bang mag pahinga ka na muna?" Nag aalalang sabi niya.

Pinunasan ko muna ang luha ko atsaka ko siya hinarap, "Mauna ka na. Okay lang ako dito. Gabi na din, wag mo na akong alalahanin."

"I don't think you're fine." Umiiling na saad nito.

Hindi na lang ako nakasagot. Bestfriend ko siya at alam kong kabisado na nito ang lahat sa akin.

Tinulungan niya akong makatakas sa bahay kanina matapos ko siyang tawagan. Kung paano kami nakababa sa kwarto ko ay isang mahabang istorya.

Hinagod nito ang likod ko, "Now, can you tell me what your problem is?"

Napatingin ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari. Basta iyak lang ako ng iyak.

"Come on, tell me."

"Kailangang bukas din ay makaalis na ako dito, Yanna. Siguradong alam nila Mommy na dito ako tutuloy." Sa halip na sagutin siya, iyan ang nasabi ko.

"Huh? Eh saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong niya.

"Ewan ko, bahala na."

Agad siyang napatayo, "NO! Kayeshin, nababaliw ka na ba?!" Anito at napa facepalm. "I'll tell this to your Mom."

Nanlaki ang mata ko ng magtangka itong lumabas ng guest room na tinutuluyan ko. Agad akong tumayo at pinigilan siya.

"Yanna, please. Ipapakasal nila ako sa iba. Alam mong hindi ko kaya." Kasabay nito ang pagtulo na naman ng mga traydor na luha sa mata ko.

Nabigla siya. Natigilan. Napatitig lang siya sa akin na tila naguguluhan.

"Why? What happened?" Inalalayan ako nitong umupong muli sa kama at doon ko sinabi sa kanya ang lahat. Ewan ko nga kung naintindihan niya dahil panay ang hikbi ko habang nagkukwento.

"So, may boyfriend na iba si Ate Xy, at yon ang ama nung bata?"

Tumango lang ako.

"Laging nauudlot ang pagmemerge ng kompanya namin sa mga Valdez. Noong si Kuya palang, hindi natuloy dahil nag madre yung nakatakdang ikasal para sa kanya. Tapos ngayon, nabuntis naman si Ate ng ibang lalaki. Ako? Anong pwede kong gawin, Yanna? Ayoko. Ayokong ikasal sa iba." Naiiyak kong kwento.

Agad akong niyakap nito, "Alam kong mahirap, Kaye. Maaring hindi talaga kayo ni Sehun ang para sa isa't isa."

"Lagi namang ganon e. Bakit kailangan pang pagtagpuin, kung hindi ka din naman para sa kanya?! Anong gusto mong gawin ko? Layuan siya? Yanna, iniisip ko pa lang hindi ko na kaya." Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Yanna. "Hindi ako naniniwalang hindi kami ang para sa isa't isa. Gagawa ako ng paraan. Kung kinakailangan kong makipag patayan, gagawin ko, basta ipaglalaban ko siya. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal hindi ba?" I held her hands. "I need your help." Desididong sabi ko.

"Kaye, alam kong nasasaktan ka lang ngayon. Wag kang gagawa kaagad ng desisyon mo."

Napabuntong hininga ako.

"Alam ko. Tama ka. Pero, pwede bang walang makakaalam nito? Ayokong malaman ni Sehun o kahit sino pa sa mga kabarkada niya. Maasahan ba kita?" Tanong ko.

"Oo naman, Kaye. Ganito na lang, bukas na bukas din, ihahatid kita sa condo na nabili ko. Dun ka muna pansamantala. Mag isip kang mabuti, pakiusap. Wag kang kaagad agad gagawa ng desisyon, malinaw?"

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon