(25.1) Valentine's Day

309 10 0
                                    

Chapter 25.1: Valentine’s Day

 

Kaye’s POV

 

“Hello?”

|Saan ka na ba? Ikaw na lang ang hinihintay!|

Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Yanna -_-

“Oo na eto na nga oh. Palabas na ng bahay.” Sagot ko.

Binuhat ko si Barney, ang aso ko, at umupo na sa sasakyan.

|Kanina ka pa palabas ng bahay, Choi.|

=_____=

Di naman siya excited noh? Ngayon ang alis namin papuntang Laguna dahil Valentine’s Day na bukas. Bale, 3days lang kami don. Sa isang araw ay uuwi na din kami agad dahil may mga pasok pa sila.

“Eto na nakasakay na ng kotse.” Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at kinausap yung driver. “Manong, sa bahay po nila Luhan-oppa. Alam mo na po yon di ba? Sige na, go.” Sabi ko sa driver at itinutok na ulit ang cellphone sa tenga ko, kasabay nito ang pag andar ng engine ng sasakyan.

|Sino ba yan at kung makapag salita ka dyan parang bingi ang kausap mo?!|

|Anong pakialam mo?! Dun ka nga! Bakit kasi nakikinig ka sa usapan ng may usapan!|

|Bakit kasi uupo ka sa tabi ko?!|

|Sayo ba to ha? Upuan mo, upuan mo?!|

O.O

Kung hindi ako nagkakamali, si Yanna at Chanyeol-oppa yun. Hays nag babangayan na naman yung dalawa :3

Pinatay ko na lang ang tawag dahil parang hindi naman na napansin ni Yanna ang kausap niya.

Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang bumabyahe.

Nilalaro ko ang makapal na balahibo ng puppy ko at nakatulala lang sa daan.

Napangiti na lang ako ng kusa nang maalala yung nangyari kahapon.

“Bayad na yung utang mo.” Matawa-tawang sabi nito.

Natawa na lang din ako at mahigpit siyang niyakap.

“You don’t have to do what I’m doing. Kusa ko yung binibigay sayo, at hindi ako humihingi ng kapalit. I love you. You love me and that’s enough.”

Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Kyaaaaa! Kinikilig ako—

“Ma’am andito na po tayo.”

=____=

Tumingin ako sa bintana at nakita ko na nga ang isang malaking van at isang kotse sa labas ng bahay ni Luhan oppa. Agad kong binuksan ang pinto.

“Manong pakibaba na lang po yung mga gamit ko.” Lumabas na ako at hinila na lamang si Barney.

Tinanguan lang ako nito. Nauna na akong naglakad papunta sa direksyon ng van. Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang ingay nila.

“Oh andyan na yung prinsesa ni maknae. Tara na, tara na!” Sigaw ni Baekhyun ng matanaw ako.

Natawa ako ng bahagya. Nang makalapit ako ay inabutan ko ang ilan na nag gagadget, hawak ang kanya kanyang mga cellphone at tablet. Rich kids eh :D Ang iba naman ay nag hahagisan ng unan, walang iba yun kundi si Baekhyun at Chen -_- si Kris naman ay nasa passenger’s seat, seryosong nakaupo habang may headset na nakakabit sa kanya.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon