(3) A day with HIM

760 34 0
                                    

[ Kaye's POV ]

Bumangon na ako ngayon sa kama matapos marinig ang alarm clock ko. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na sana hindi na lang ako nagising. Nakakabadtrip kasi, pagkamulat na pagkamulat ng mata ko, naalala ko na agad na ipagdadrive ko nga pala si Mr. Taray ngayon. -___-

Naligo na ako at nagbihis. Pumasok na sila Mommy kaya mag-isa ko na lang nag aalmusal ngayon.

"Goodmorning." Tumingin ako sa taas kung sino ang nagsalita.

"Oh Ate? Di ka pumasok?" Tanong ko kay Ate. Sa company kasi namin nagtatrabaho si Ate at Kuya ngayon. Although hindi yun ang gustong trabaho ni Ate, tinanggap na niya dahil sa parents namin.

"Nope. Tinatamad ako." Sabi niya habang pababa ng hagdan. "Pasabay kumain ha." Sabi niya ng maka-upo na sa harapan ko.

Habang kumakain si Ate, tinitingnan ko lang siya. Bakit tinatamad siya? Ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga salitang yun. Nasasaktan ako para kay Ate. Pero anong magagawa ako? Huuuussh. Masyado kasing mabait eh. :3 

"Ate, mauna na ako ha. May usapan kasi kami ni Yanna ngayon eh." Palusot ko.

"Okay, ingat ka." Sagot niya.

Nang makalabas ako sa gate, tiningnan ko yung card na binigay ni Sehun para malaman ko kung ano ang address. Pero.. walangya! Ano to? Bakit hindi ko maintindihan?! DOKTOR BA SIYA O TALAGANG MALA-MANOK LANG ANG KAMAY NIYA?! Pahirap talaga tong taong to! T_T

[ Sehun's POV ]

Nag-aalmusal na ako ng maaga-aga para maaga ko na ding mapuntahan yung lakad ko. Yung Kuya ko, ayun, natutulog pa. Nagpakalasing kasi kagabi. Ang laki ng problema eh. Tsk. Kawawa naman. Sila Mom naman, nasa Korea para asikasuhin yung trabaho nila dun.

"Yaya? Wala pa po bang tao sa labas?" Tanong ko kay Yaya.

"Wala pa naman po sir." Sagot niya sa akin.

Nanood muna ako ng Phineas and Ferb habang hinihintay ko yung driver ko. Kainis yun ah! Kapag hindi lang talaga siya sumulpot! Malalagot siya sa akin. -___- Kaya ko namang magdrive eh, gusto ko lang talaga siyang mahirapan. Hahaha! XD

"Uy Sehun, di ka papasok?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Luhan mula sa labas.

"Hindi. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya. Dumiretso siya sa tabi ko at nakinood. Pagkaupo niya ay kasabay din ng pagpasok ng iba pang barkada ko.

"May pagkain kayo?" Sabi ni Xiumin at dumiretso sa Ref.

"Ang takaw mo naman! Pinakain ko lang kanina sayo yung luto ko tapos kakain ka na naman ngayon?!" Sabi ni Kyungsoo.

"Wag ka ng magalit Hyung. Ang aga-aga eh." Sabi ni Kai kay Kyungsoo at inakbayan pa ito.

"Aruuuuyyyy! KaiSoo naman yaaaaan!" Sigaw ni Chanyeol.

"Inggit much ka lang eh Yeol." Pang-aasar ni Baekhyun sakanya. Hinabol naman siya nito. Kaya nagkulitan na naman ang Baekyeol.

"Oh bakit ang tahimik mo baby Sehun?! Luhan, lambingin mo naman kasi! Hahahaha!" Kahit kailan talaga itong Chen na to. -___-

Nagkulitan at nagkwentuhan lang kami makalipas ang ilang minuto. Kada minuto, tumitingin ako sa orasan ko. 8:37 na ah. Malapit na kong mapuno. Syet! Bakit ang tagal niya?!

"Di pa kayo papasok? Ano bang ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Papasok. Maya-maya lang. Masyado namang mabait kung papasok ontime. Oh come on." Sagot sa akin ni Suho.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Where stories live. Discover now