“Anong Gomez?” Irita kong tanong sa kanya. 

 

"You." Sagot nya nang nakangiting demonyo. Nakakabwisit talaga ‘tong lalaking ‘to!

“Hindi ako pupunta sa prom kaya pwede ba lumayo-layo ka sakin! Tsaka kahit sinong babae ang makadate mo sa prom, I’m sure hindi ka nila sisiputin!” Irita kong sabi sa kanya at tinanggal ang braso nyang nakaakbay sakin. “Halika na nga, Kayley! Baka hinihintay na tayo nila Yvonne sa cafeteria.” Sabi ko at hinila na si Kayley palayo sa mga unggoy na ‘yon. Mga panira ng araw! 

"Oh, anong mukha 'yan?" Tanong saamin ni Yvonne pag-kaupo namin sa reserved seat namin. 

"Eh paano, nakasalubong namin ‘yung apat na amphibian na ‘yon!" Sagot ni Kayley. "At ito pa, sabi ni Ford, si Mitch daw ang date nya sa prom." Dagdag pa ni Kayley na ikinainis ko lalo. Hindi ako naiinis dahil sa sinabi ni Kayley, naiinis ako pag-naalala ko ang pag-mumukha ng halimaw na 'yon.

"OMG GIRL! For real? Akala ko ba hindi kayo mag-kasundo?" Sabat naman ni Zaveara na kumakain ng fries. 

"Hindi nga..." Tipid na sagot ko na lang. Alangan namang sabihin kong yaya ako ni DJ.

"Napansin ko lang ah, simula last month, halos lagi na kayong mag-kasama ni Cameron, ‘yung totoo Mitch? Bati na ba kayo ni Cameron?" Tanong naman ni Yvonne kaya bigla akong kinabahan.  

  

"H-hindi ah! Bati? Ang pang-bata naman ng tanong na 'yan. Coincidence lang 'yon guys, tsaka sya ‘yung lapit ng lapit sa’kin." Nakokonsensya naman ako kasi napag sisinungalingan ko ‘yung bestfriends ko dahil sa halimaw na 'yon. 

"Mitch, sabihin mo nga, may nililihim ka ba saamin? Hindi mo pa nga nasasagot ‘yung tanong namin last month kung saan galing 'yang iPhone 5s mo." Sabi naman ni Kayley. 

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nya kung may tinatago ba ako sa kanila. 

"Guys, 'yung iPhone 5s lang ba ang pinoproblema nyo? Ganito kasi ‘yon... Malaki ang kinita ni Mama sa karenderya kaya naibili nya ako ng mamahaling cellphone para daw macontact nya ako para daw di sya nag-aalala." Pag-sisinungaling ko sa kanila. Mukha namang kumbinsido silang tatlo at tumatango-tango sila. "Okay na?" Tanong ko sa kanila para masigurado kung kumbinsido ba sila sa sinabi ko. Mukha namang oo dahil ngumiti sila sa’kin na parang nawalan sila ng worries sa mata nila.

"Okay na. Pero bakla, wag na wag kang mag-kakamaling mag-lihim saamin dahil pag nag-lihim ka saamin, kakalbuhin kita at babalatan kita ng buhay. Okay?" Pananakot ni Kayley. Kahit kailan talaga 'to, laging nag-paparanoid kung may problema ba ako o wala. 

"Tama. Tsaka baka mamaya boyfriend mo na si Cameron Ford tapos hindi mo pa sinasabi saamin." Sabat ulit ni Yvonne. Kahit kailan talaga 'to wrong timing sa pang-aasar.

"Kilabutan ka nga! Never in a million years mang-yayari 'yang iniisip mo 'no!" Natatawa kong sagot sa kanya. 

Teen ClashWhere stories live. Discover now