Chapter 10

5.6K 134 9
                                    

Continuation of Chapter 9

MARGAUX MITCHELL’s POV

“Hoy, payatot! Anong ginagawa mo dito sa maganda kong bahay na mas mahal pa sa buhay mo?" Aba't sumusobra na 'to! 

Napatingin naman ako sa sarili ko. Ako? Payatot? Hah! Sexy ang tawag dito! Hindi payatot! Palibhasa sya 'yung payatot eh! 

"Sutil ka talagang bata ka! Hah!" Sabi ko at sarcastic na napatawa.

"At sino ka para sabihin na sutil ako?" Tanong pa nya at parang amazed na amazed pa sya.  

"Ako lang naman ang yaya mo kaya sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod kasi nga yaya mo ako, gets?" Nakapamewang kong sabi sa kanya na ikinalaki naman ng mata nya. PRICELESS. Priceless ang matatawag ko sa itsura  nya. 

"H-hoy! Yaya lang kita! Mas matanda ako sayo kaya ako pa rin ang masusunod kaya sa ayaw at sa gusto mo papalayasin kita sa maganda kong bahay na mas mahal pa sa buhay mo!" Tinuro nya ako. "Layas!" Pasigaw nyang dagdag pero hindi ako natinag.

Nag-cross arm ako. "Ehem ehem! ‘Yung masungit na magandang babae kaya kanina 'yung nag sabi na hired na daw ako!" Sagot ko sa kanya.

"Si Mommy?" Nakakunot nyang tanong.

“Ay, Mommy mo ba 'yon? Okay, let me rephrase what I have said earlier. Sabi nung magandang babae na pinaka-mabait na babaeng nakilala ko sa tanang buhay ko ay hired na daw ako." Nag-taas baba kilay pa ako sa kanya.  

 

"Oh edi yaya kita." Napatango naman ako sa sinabi nya. "At dahil yaya kita, one week ka din dapat aabsent. One week absent ako. Paano ba 'yan?" Nakangisi nyang sabi sa’kin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nyang ‘yon. One week? Baka mapatalsik ako sa F.A nang wala sa oras kapag umabsent ako. "Oh, let me correct it, slave pala kita at ang itatawag mo sa’kin ay young master kung ayaw mong ipasipa kita sa F.A!" Kung kanina kasing laki lang ng mata ng anime ang mata ko, ngayon naman naging instant tarsier na ang mata ko sa sobrang laki dahil sa sinabi nya. 

Napalunok ako sa mga sinabi nya. Margaux Mitchell, there's no turning back. Ugh! Fine, gagawa na lang ako ng excuse letter sa teacher. 

"Patingin nga ng hawak mong papel." Sabi niya at wala sa sarili akong lumapit sa kanya at iniabot ang papel na tiniklop ko at siningit sa palad ko.

"Fifty thousand, Gomez! Kung tatagal ka ng dalawang buwan sa pagiging slave ko, aba, may Isang daang libo ka na!" Sarcastic nyang sabi sakin na para bang sinasabi nyang mukha akong pera.

"Psh. May ipag-uutos po ba kayo kamahalan?" Bored kong tanong sa kanya at nag-cross arm.

"Ligpitin mo ito. Ayon! 'Yan! Tsaka ito pa. At last yung closet ko!" Walang sawa nyang sabi at tinuturo 'yung mga kalat nya. Bakit hindi ko kaagad napansin kung gaano kakalat ang kwarto nya?

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon