Chapter 7

6K 142 13
                                    

CHARLENE KAYLEY’s POV

Nandito kami ngayon ni  Christian sa...

Ah, basta! Nandito kami kung saan nag a-ice skating ang mga tao. At dahil nakaposas kaming dalwa, nakasunod lang ako sa kanya at nakahawak sa damit nya habang nag-a-ice skate sya. 

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa gilid. This time ang bilis nya kaya anytime maa-out of balance ako, pero sa awa ng diyos, hindi naman nang-yari ‘yung kinakatakutan ko.

 

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. 

Napansin kong nakangiti sya habang tumitingin sa mga taong nag-a-ice skating. Siguro mga mag-jowa. Imbis na ‘yung mga couples ang tignan ko, si Christian ang tinignan ko. Nakakapanibago lang. Marunong pala syang ngumiti sa kabila ng kasungitan nya. 

"Someday, kapag nakita ko na ‘yung babaeng mamahalin ko ng tunay, dito ko siya unang dadalhin." Gusto kong matawa dahil sa kacornihan nya pero mas pinili ko na lang ngumiti. Sya? May pag-asang mag mahal ng tunay? Sa bagay... Lahat naman ng tao may karapatan mag mahal. 

"Corny mo! Tara na nga! Doon tayo sa gitna! Turuan mo ako! Jojombagin kita kapag nadapa ulit ako!" Kanina pa kasi ako nadadapa. At dahil nakaposas nga ang kamay namin, napapadapa din sya. May time pa nga na may nag-bato samin ng bear kasi napaibabaw si Christian saakin. Sinasabi nilang ang sweet daw namin at kumuha daw kami ng kwarto. 

Sa halip na mag-ice skate ulit kami, hinila nya ako patungong exit.

Kung kailan ineenjoy ko na ‘yung pag-a-ice skate, tsaka kami titigil? Pero dahil nakaposas kami, wala naman akong choice kung hindi sumunod sa kanya.

Nag-lalakad lakad kami nang mahagip ng mata ko 'yung ice cream.  

"Pwede bang bumili muna tayo ng ice cream?" Tanong ko sa kanya pero hinigit nya lang ako sa kung saan. Napabuntong hininga na lang ako.

Nagulat ako nang nandito na pala kami sa sea side. Kahit na nagugutom na ako, mas pinili kong i-enjoy na lang ang simoy ng hangin. 

Sa ilang beses kong pag-punta dito sa MOA, ngayon ko lang nadiscover itong side na 'to. 

Nahagip naman ng mata ko 'yung bump car na walang nakasakay. Napangiti ako. Sa lahat kasi, bump car ang pinakapaborito ko. 

Gusto ko sanang bumili ng ticket pero wala naman akong babanggain sa bump car dahil walang nakasakay. Kung sa E.K 'to, for sure marami akong kabanggaan.

Next time na lang, yayayain ko sila Mitch dito para sumakay sa bump car.  

“What are you looking at?" Nawala ang tingin ko sa bump car dahil napalingon ako sa nag-salitang si Christian.

"Wala, tara balik na tayo sa loob?" Malapit na kasing dumilim. Nasaksikan ko pa ang sunset kaya naman namangha ako. Medyo lumalakas na din ang hangin. Marami naman akong nakikitang pinipicturan ang sunset, nag-seselfie, nag-gu-groupfie at kung anu-ano pang pwedeng gawin ng mga tao dito. 

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon