Chapter 11

4.5K 118 9
                                    

MARGAUX MITCHELL’s POV

Napahiga ako sa kama ni Cameron. Sa wakas, tapos ko nang linisin ang buong kwarto nya. Naging Eya Rodriguez ang peg ko! Hindi lang basta monster ‘tong amo ko eh, isang bakulaw! 

"Tapos ka na, payat?" Napabangon ako sa kama ni Cameron at tinignan siyang nakangising demonyo. "Ay nga pala. Meron pa dun!" 

Napanganga ako sa narinig ko. Lord! Sobrang pagod na ho ako! Hindi ako si darna na kayang talunin ‘tong halimaw sa harap ko! 

"Alin ‘yon?" Hindi ako nag-pahalata na pagod na pagod ako sa pag lilinis ng kwarto niya kahit na obvious na obvious naman dahil sobrang dami ko nang pawis.

“'Yung walk in closet ko." Nakangiting sabi nya sakin. Or should I say, nakangiting asong sabi nya sakin. 

Tinanggal ko yung pag kaka-bun ng buhok ko. Tumungo ako saglit para ayusin yung buhok ko, naka-rejoice yata ‘to.

Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko syang nakatulala habang nakatingin sakin. Pinalakpak ko ang kamay ko sa mukha nya, “Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan?"

Mukhang natauhan naman sya dahil umiling iling na sya.

"W-wala. S-sige! Ang panget mo! Makakaalis ka na! Alis! Ang baho mo! Labas!" Tinulak niya pa ako palabas ng kwarto.

Napangiti na lang ako. Makakauwi na ako! Hapon na rin kasi. Baka hinahanap na ako ni madir!

CAMERON’s POV

Pag-kasara na pag-kasara ko ng pintuan, napahawak ako sa dibdib ko. Tinik talaga ‘yung babaeng ‘yon! Sumasakit puso ko sa kanya eh! Tsk. 

Napahiga na lang ako sa kama ko at kinuha ang phone ko.

  

To: Christian

Nasaan kayo?

From: Christian

Tambay dito sa bahay nila Jake.

To: Christian

Ginagawa nyo?

From: Christian

Wala. 

Binato ko na lang ang cellphone ko. Wala talagang kwentang kausap ‘yon. Tss. Tumayo na lang ako at lumabas ulit ng kwarto ko. 

"Nasaan si Gomez?" Tanong ko sa nakasalubong kong katulong namin. 

“Ah, young master, nakauwi na po eh."  Tumango na lang ako. Aysh! Walang magawa!

SAVANNAH'S POV

 

"Plano?" Tanong ko sa kanila habang kumakain ng Oreo.

"Mukhang mahirap pag-batiin ‘yung anim na 'yon eh. Pero mukhang okay naman si Zaveara at Jake." Saad ni Dara.

"Oo nga. Pero kailangan nating kumilos. Kailangan mainlove si Cameron kay Margaux, nang sa ganun mag-kabati sila. Hindi ba?" Suggestion ni Aliah. Napatango naman ako sa sinabi nya. 

"Hah! Pano naman maiinlove si Cameron kay Margaux? At kung mainlove naman si Cameron kay Margaux, paano kung hindi siya mahalin pabalik ni Margaux? Edi nasaktan?" Sabi naman ni Ethan. Napatango rin ako sa sinabi nya. 

Napatingin ako sa magaling kong pinsan. 

 

"Any suggestion?” Tanong ko sa pinsan ko. Napatingin din naman sya sa’kin. 

"Just let them do what they want. If they want a war, we have nothing to do about that."

Wala talagang kwenta 'tong taong 'to!

"Eh kung pag-lapitin natin sila palagi?" Suggest naman ni Kristoffer. 

"If they fell inlove with each other, that's good. But if they found out that this is our pakana, they will hate each other again, tsaka tayo. Masasaktan sila kung malalaman nila na pinag-laruan lang natin ‘yung feelings nila." Sabi naman ni Dara habang nakatingin sa iPad nya.

Ano ba ‘yan! Pare-parehas kaming gustong mag-kabati ‘yung anim, pero ang hirap! Ayoko namang masaktan sila sa huli. 

Bakit nga ba kami nag-pupumilit mag-kabati ang anim? Mission namin 'yan eh. Sinong boss namin? Ang nanay lang naman ni Yvonne Marquez. Paano nang yari ‘yon? Ipapakasal nila si Yvonne kay Andre, but she found out na mag-kakaaway sila, so she hired us to look for them, to make a way para mag-kabati sila. 

Kailangan ko talagang pag-isipan ng mabuti ito. Mababaliw na ako sa kakaisip! Bakit ba kasi ganito kalala ‘yung away nila? 

"Eh kung mag-pauso kaya tayo ng bagong pakulo? Diba may darating na ball sa Ford Academy? Bakit hindi natin kausapin ang teacher na gawing partner si Cameron at Margaux, si Kayley at Christian, si Yvonne at Andre, at si Zaveara at Jake, diba?" Napangiti naman ako ng maluwag sa suggestion ni Kristoffer. 

I know what to do now. 

______________

Revised: 07|28|14 8:08 AM (JPN TIME)

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon