16

4.7K 162 35
                                    

KABANATA 16

I Moved On




Titig na titig si Dani sa news paper na binabasa nito habang kaharap naman ang ina na abala sa pag-aalmusal. Sumilay ang ngiti sa labi niya habang nagiisip.




"Hmm," Anang si Daniela. Ibinaba ang news paper at humigop ng kape bago hinarap si Sofia na abala rin sa pagkain, "So, the wedding will be on next week? Nakatanggap ka na ba ng invitation, Ma?" Pagkuway humarap sa ina.




Napatigil si Sofia sa pagnguya, gayon din ang ina, "So wala ka talagang balak ipaalam sa kanya?" Muling tanong ni Daniela na nanlaki pa ang mga mata.




"Dani, di ba nagusap na tayo about Stephen..." Anang si Sofia na binuhat ang dalawang taong gulang na anak na lalaki.




Umikot ang mata ni Daniela at tuluyang humarap sa ina, "Mommy, huwag mong sabihin na okay lang sayo lahat ng plano ni Fia?"




"Kung anong gusto ng kapatid mo 'yon ang masusunod, Anak..." Pagaalangang sagot ng ina.




"Pero, Ma! Kailangan ni Stephen ng tatay. Bakit ba hindi n'yo iniisip ang kapakanan ng bata? La'laki s'yang walang ama!" Humarap ito sa kakambal, "kausapin mo siya bago mahuli ang lahat..." Pagbabanta pa ni Daniela sa kapatid.




"Nope, hindi ko gagawin ang gusto mo, Dani..." Tutol niya sa kakambal.




"I'll talk to him then!" Bulyaw ni Daniela.




The Billionaire's Son (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt