9

10.1K 333 95
                                    

KABANATA 9

In Love




Napapitlag si Sofia ng tumunog ang cellphone niya. Pinatay niya ang shower at agad lumabas roon. Dali dali nitong sinagot ang tawag mula kay Tikdas, ang matalik niyang kaibigan. Bukod kay Everwing at Tikdas ay wala na siyang iba pang maituturing na kaibigan.




"Fia." Bungan ng lalaki sa kabilang linya. Nasa boses nito ang kasabikan.




Pinasaya nito ang kanyang boses, "Tikdas! Napatawag ka?" Aniya at sinuklay ang basang buhok.




"Mangungumusta lang. Nabalitaan ko kasi kay Everwing na sa mga Alonzo ka pala napadestino..."




Huminga muna siya ng maalim bago sumagot sa kaibigan, "Alam n'yo naman kung bakit ko ito pinasok, di ba?"




"I know, Bro!" Tumawa ito.




"Tikdas..." Aniya.




"Oh ano? Nahihirapan ka na ba d'yan?" Natatawang tanong nito kay Sofia.




"May balita ka na ba kay Daniela?" Ang tinutukoy nito ay ang kakambal niya.




"Speaking of your kakambal, Yup! Sariwang sariwa pa, Tol! Kaya nga ako napatawag sayo. Yan talaga ang main topic, Bro."




"Talaga? My god!" Napasigaw pa siya sa tuwa. "So, kailan kita dadalawin d'yan?"




"Bukas, pwede ka ba?" Mabilis nitong sabi sa kaibigan.




"Bukas? Ah-eh... May duty ako bukas eh." Nag-isip muna ito bahagya. Kailangan niyang magpaalam sa matandang Don. "Sige, sa cafeteria nalang bukas. May nangyari kasing masama kanina." At may nangyari ding maganda, Dugtong ng isip niya. Napailing siya!




"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh. Matigas din kasi ang ulo mo, Fia!" Paninita ng kaibigan. Napangiti naman siya. "So, pa'no?" Ani Tikdas.

The Billionaire's Son (Completed)Where stories live. Discover now