1

16.6K 501 18
                                    

KABANATA 1

Tenderloin Steak And Potato Salad




Ala sais pa lamang ng umaga ay nag-iintay na si Sofia sa harapan ng isang mataas na gusali na pagmamayari ng mga Alonzo. Ngayon ang unang araw ng trabaho niya sa anak nito bilang security escort. Kahit puno ng pagtataka ay sinunod niya ang mga utos ng bilyonaryong si William Alonzo.




Tumingin sa kanyang relong pambisig at ng makitang alas otso na ng umaga ay agad siyang pumasok sa mataas at modernong gusali upang hanapin ang pangalang ibinigay sa kanya ng Don. Mukhang mahihirapan siya dahil sa laki at lawak ng lugar kaya't minabuti nito agahan ang pagpunta roon.




Mabilisang binabasa ni Sebastian ang isang memo na nakapatong sa mesa niya. Kinuha niya ang calculator at may kinukwenta sandali bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkatapos basahin ay agad pinirmahan iyon at inilagay sa out tray. Muling tumingin sa tambak ng mga papel at napasulyap sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding.




"Paano ko matatapos ito bago mag-alas dose." Inalala ang lunch date nito kay Elaine. Ayaw na ayaw pa naman ng nobya nito ang nalalate.




Tumingin muli sa mga papel at muling binasa ang mga iyon. Kailangan matapos niya ito agad. Pinindot ang intercom at sumagot naman agad ang sekretarya niya. "Luz, pahingi nga ako ng kape, salamat."




Ibababa na sana niya ang intercom nang may pinahabol si Luz. "Ah, Sir, may naghahanap po sainyo dito."




Nairita ito. "Who?" Kumunot nuo.




"One moment, Sir." Dinig na dinig niya ang boses ni Luz sa kabilang linya kaya naman muling nalukot ang noo niya sa pagtataka, "Si Miss Sofia De Guzman daw po, Sir. Pinapunta daw po siya ng Papa niyo."




The Billionaire's Son (Completed)Where stories live. Discover now