15

6.5K 239 80
                                    

KABANATA 15

Two Years




"Mabuti naman at sumipot ka? Dalawang taon kang nawala na parang bula!" Bulyaw ni Tikdas sa kanya ng makapasok sa isang restaurant, "Hindi ka manlang nagparamdam! Mabuti pa iyong nanlamig kong puso, nagpaparamadam! Pero ikaw na buhay??" Pinanliitan siya ng mata ni Tikdas.




"Eh, ano kasi..." Nagulat siya sa pangbubuyaw ng kaibiga. Hindi niya inaasahan ang ganitong reaction mula sa kaibigan.




"Ano na namang palusot yan, De Guzman?" Sabat naman ni Everwing.




"Busy lang talaga..." Totoong naging abala siya nitong mga nagdaang taon.




"Gasgas na yang mga palusot mo. Hindi na ako papaloko sa mga ganyan mo!" Anang si Tikdas na hindi magkandaugaga sa kinakain. Walang pinagbago ang dalawang lalaki, mas lalong naging gwapo ang mukha ng mga ito.




"Hay nako! Kayo talagang dalawa!" Napapailing niyang sabi.




"Buti dumating ka. Kung hindi, kami nalang ang pupunta sayo..." Seryosong sabi ni Everwing.




"Kailangan ko na rin kasing bumalik eh. Okay na si Daniela, nakarecover na si Mommy. Kaya't nagpasya kami na dumito nalang sa Pilipinas. Sana, kung papalarin..." Ngumiti siya sa kaibigang abala sa pagkain.




"Nakita mo na ba siya?" Tumunghay si Tikdas at nagtaas pa ng kilay sa kaharap.




"Trevor, tumahimik ka nga!" Saway ni Everwing. Gustong matawa ni Sofia ng marinig nito ang totoong pangalan ni Tikdas. Ngayon lang yata niya narinig si Everwing ng ganoon.

The Billionaire's Son (Completed)Where stories live. Discover now