Unti-unti ang pagbaba ng ulo nito patungo sa kanya to claim her mouth in a teasingly gentle kiss, so gentle na pumukaw iyon ng maraming alaala at nagpamuo ng mga luha niya sa mga mata. Sinisikap niyang huwag itong pumatak but she failed.

Nag-angat ng ulo si Rigo at tinitigan siya. His hands cupping her face tenderly. "This is the second time you cried habang hinahalikan kita," he whispered softly. "Gusto kong isiping hindi mo gusto ang ginagawa ko ngayon but my instinct told me otherwise. I was kissing the same young Lacey six years ago. And I'm willing to forgive and forget, sweetheart," at muli siyang siniil nito ng halik.

Anoman iyong dapat ipatawad at kalimutan ay hindi niya alam. Sa loob ng anim na taon ay kalahati ng pagkatao niya ang namatay. And now, she came to life nang dahil lang sa mga yakap at halik ng binata. And he was calling her sweetheart again.

It was like coming home. She felt like bursting into more tears kung hindi niya aawatin ang sarili.

Pagkatapos ay lumalim ang halik. Hard and passionate na may gumuhit na mainit na bagay sa ibabang bahagi ng katawan niya. She became mindless sa nangyayari. Ang tanging alam niya ay ang kakaibang damdaming idinulot ni Rigo.

The thrust of his hips against her is deliberately sexual and erotic. His arousal is obvious. Hindi ito ginagawa sa kanya ni Rigo noon at bahagya siyang kinabahan. Marahan niya itong itinulak.

"R-Rig."

"Hmm..." wika nito sa pagitan ng paghalik sa leeg niya.

"A-ano'ng ginagawa mo?"

"Kissing you... loving you. Hindi nagbabago ang bango mo sa nakalipas na mga taon. Why do you always smell so bewitching, sweetheart?" Muli siyang hinagkan nito, wildly, hungrily.

At tuluyan na siyang nagpaubaya. His hands all over her body. And she tried to suppress a moan.

Kung may nakarinig sa tunog ng intercom ay walang makapagsabi. O sadyang hindi pinapansin ni Rigo. Hinahagkan siyang binata and she was kissing him back with equal fire. After missing him so much.

Bumukas ang pinto at sumungaw si Yda na nanlaki ang mga mata sa inabutan.

"Oh!"

Nag-angat ng ulo si Rigo na tila bale-wala na dinatnan sila ng sekretarya sa ganoong eksena bagaman tinakpan siya ng katawan nito upang ayusin niya ang sarili.

"I'm... sorry..." nauutal na sabi ni Yda na ang pagkagulat sa dinatnan ay hindi maikakaila. Pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa dalawa. Matalim ang tinging ipinukol nito kay Lacey na hindi malaman kung paano kikilos sa kahihiyan. "Hindi mo, Rig, sinasagot ang intercom. Nasa linya ang Tita Amelia..." anito sa binata at muling bumaba ang tingin kay Lacey. May galit sa mga mata nito na malabis na pinagtakhan ng dalaga.

"Walang problema, Yda. Anyway, gusto kong ikaw ang unang makaalam ng engagement namin ni Lacey. But we haven't fix the date for our wedding yet," pagkasabi'y humakbang ito patungo sa telepono at inangat. "Hello, 'Ma... I'm glad you called..."

Kung nabigla at nagulat si Yda sa dinatnang halikan ay higit sa balitang sinabi ni Rigo. Nawalan ng kulay ang mukha nito.

"W-well... congratulations..." Hindi halos lumabas sa bibig nito iyon. Pagkatapos ay walang kibong lumabas ng silid.

Napapikit na umupo sa swivel chair si Lacey. Bahagya na niyang naririnig ang sinasabi ni Rigo kay Amelia sa telepono. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok na bahagyang nagulo. Pagkatapos ay marahan siyang tumayo upang lumabas ng silid nang tawagin siya ng binata.

"Lacey, wait..."

Lumingon siya.

"Gusto kang makausap ng Mama..." Iniabot ni Rigo sa kanya ang telepono.

Umiling siya. "Please... puwedeng sa ibang pagkakataon. I don't know what... to say to her..."

Pumormal si Rigo. Tinakpan ang mouthpiece. "Hindi mo kailangang magsalita. Just listen to her. She'll probably want to meet you para pag-usapan ang tungkol sa atin. And I want it soon." Hindi maikakaila ang pag-uutos sa tinig nito. Napilitang humakbang pabalik si Lacey at kinuha mula rito ang telepono.

Kung gaano katagal o kadali siyang kinausap ni Amelia ay wala siyang alam. Tango at oo ang isinasagot niya sa mga sinasabi nito.

"Now, Lacey... simula sa oras na ito ay gusto kong paalisin mo sa mansion si Steve. Hindi na siguro kailangang ipaliwanag pa sa iyo kung bakit," mariing wika nito nang maibaba niya ang telepono sa receiver. "Putulin mo ngayon din ang relasyon mo sa kanya kung hindi mo pa tinatapos bago ka nagdesisyon. And send him packing right away before I wring his neck!"

Tila noon lang natauhan si Lacey. Hindi niya kayang itaboy ang kaibigan ora mismo mula sa mansion. Kaya man o hindi ni Steve ang gagawin. He was her friend just as Yda was.

"S-saan siya titira?"

Lalong dumilim ang mukha ni Rigo. Gustong kumawala ang pagpipigil sa sarili. "Wala akong pakialam, for goodness' sake! You're my fiancée pagkatapos ay nagpapatulog ka ng ibang lalaki sa bahay mo! Ngayon din ay ipapaayos ko kay Arnel ang rekomendasyon niya sa ibang kompanya. As of today ay terminated na ang serbisyo ni Steve."

Inaasahan na ni Steve ito dahil sinabi niya pero siya ay hindi pa handang pakawalan ang sekyuridad na dulot ng presensiya ni Steve sa damdamin niya. She can't afford to lose a friend right now.

Pero sa nakikita niya sa mukha ni Rigo ngayon ay hindi niya marahil maisasatinig ang damdamin niya. Para siyang estatuwang nakatitig lang dito habang nagtatalo ang isip kung sasabihin kay Rigo ang totoo o hindi.

Makalipas ang ilang segundo ay nagpasya siyang sabihin dito ang tungkol kay Steve. Marahil ay hindi na kailangan ng kaibigang mawalan ng trabaho.

"Rig..." Tumingin siya sa nagpupuyos na mukha ng binata. "Steve and I... we're..."

"Wala akong balak pakinggan ang tungkol sa inyo ni Steve, Lacey! I am trying my damnest to forget his involvement with you. Huwag mo akong pahirapang gawin iyon. Mula sa sandaling ito, he's history! At ayokong mababanggit mo pa siya!"

"Pero..."

"Say anything else about him and I'll kill you both!" He warned. Nasa mukha nitong tila nga papatay ng tao. Itinikom niya ang bibig.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon