Chapter 19

21.1K 346 2
                                    

HINDI makapaniwala si Steve sa sinabi ni Lacey.

"Honey, I wouldn't mind losing this job kung maiipit ka naman. Maraming trabaho ang naghihintay sa akin..."

"Ang sabi niya'y magagawan niya ng paraan na mahihirapan kang makapasok ng ibang trabaho. Oh, Steve, pati ikaw ay nadamay sa akin."

"C'mon, hindi ako naniniwala roon. Hindi siya ganoon ka-powerful, Lacey..."

"Determination is sometimes stronger than power, Steve. Isang larawan mo lang ang lalabas sa diyaryo at malaking bahagi na ng buhay mo ang nawala sa iyo. Nasa likod niya ang kompanya at wala kang malaking pera para ilinaw ang pangalan mo pagkatapos. And besides, mananatili ang damage sa pangalan mo."

Nagmura ang lalaki. "Ano ngayon ang binabalak mong gawin?"

"Pumayag sa proposal niya, I guess..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Steve. "I know you still love him, darling, pero papayag ka ba sa motibo ng pagpapakasal niya sa iyo?"

"Sa dalawang kadahilanan, Steve. Isinanla ng Daddy ko ang mansion sa maliit na halaga kompara sa talagang worth ng property. Base sa halaga ng property ngayon, it's worth millions at hindi ko basta papayagang ma-foreclose iyon. Ikalawang dahilan, all these years, ay hindi nag-asawa si Rigo. And he proposed to marry me. Obsession or not or whatever his reasons, sa akin niya iniaalok ang pangalan niya."

"You're crazy. Luka-luka ka pa sa akin, 'day."

"I was probably obsessed with him, too. Isipin mong sa nakalipas na mga taon ay hindi nagkapuwang ang ibang pag-ibig sa akin?" Malungkot siyang umiling.

"So, obsessed kayo sa isa't isa, ganoon ba?" panunuya ni Steve.

"At least, compatible kami sa bagay na iyon," matabang siyang ngumiti. "I never wanted any man in my life, Steve, maliban kay Rigo. I'll take him, kahit anong terms."

Nagtitili si Steve. "Babae ka, 'day, at maganda. Hindi lang basta maganda, magandang-maganda at bata pa. Hindi ka tulad ko! Wala akong choice but to cling to any man na gugustuhin ako. Ikaw, you will hurt yourself in the process."

"I was hurting for six years, Steve. Nangarap na balang-araw ay magkita kami at nanghawakan sa pangako ng pag-ibig ng kabataan. Mas gugustuhin ko na ang masaktan na nasa akin si Rigo, basta ba huwag lamang may ibang babaeng involved. That is another story. Matitiis ko ang one night fling niya sa ibang babae basta ba hindi ko alam. Rigo is a handsome man at talagang lapitin ng mga babae."

Umikot ang mga mata ni Steve na tumingala sa aranya ng mansion. "Gusto kong maghisterya, Lacey, sa mga sinasabi mo. At sana'y hindi ka nagkakamali ng pasya. Puso ang pinaiiral mo hindi ang isip. Kailan mo sasabihin kay Rigo ang monumental decision mo?"

"Anytime this week, kung hindi magbabago ang pasya niya."

"Puwes, ipananalangin kong magbago!" pairap nitong sinabi.

lawang anim%

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon