Chapter 6

19.7K 366 1
                                    


HINDI siya maihatid at masundo ni Rigo dahil sa driver nila kahit na nga ba gusto ng binata. Siya ang umaayaw. Hindi niya gustong maputol ang ugnayan nila nang wala sa oras dahil sa Daddy niya.

Pero lagi silang magkasama kung may bakanteng oras din lang. Sa lunch break sa canteen ay sabay silang kumakain. Sa vacant period ay magkasama pa rin sila. Karaniwan na ay nagugugol iyon sa tabi ng dagat tulad ng hapong iyon.

"Apakan mo ang clutch," ani Rigo na tinuturuan siyang mag-drive ng motorsiklo. "Ganyan..."

"Kaya ko na," nakatawa niyang sagot. "Bumaba ka na diyan, hindi ko pa kayang i-back ride ka."

"Sigurado ka?" Nag-alanganing bumaba ang binata.

"Oo. Panoorin mo..." Nagrebolusyon ang dalagita. Pagkatapos ay inapakan ang primera.

Ilang sandali pa'y tumatakbo na ang motorsiklo bagaman naninimbang nang kaunti. Basa ang buhangin kaya hindi bumabaon ang malalaking gulong ng motorbike. At nakayuko siya sa mismong daanan kaya hindi niya agad napuna ang lubid sa unahan na nakatali sa may bangka na nasa dagat at ang kabilang dulo ay sa isang kahoy na nakabaon.

"Hey, watch out!" sigaw ni Rigo na tumakbo pahabol. "Tumingin ka sa unahan mo at magpreno ka!"

Pero huli na. Sumabit sa leeg ng dalagita ang lubid na pampigil sa bangka na huwag maanod. Bumagsak at naiwan siya sa buhanginan habang ang motorsiklo ay patuloy sa pagtakbo at humapay sa malayo sa kanya.

"Lacey!" sigaw ni Rigo na lumuhod sa buhangin at hindi malaman kung hahawakan siya o hindi.

Nagmulat ng mga mata ang dalagita. Hindi agad kumilos. Bumaba-tumaas ang dibdib sa bahagyang nerbiyos sa nangyari.

"Ano ang masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ng binata.

Hinawakan niya ang leeg na sinabitan ng lubid. Bahagyang nang hapdi iyon. "Just this... and my pride," pinilit niyang ngumiti.

"Shit! Never again. Hinding-hindi na kita tuturuan at hindi ka mag-a-attempt na i-drive ang bike ko." Inalis nito ang kamay niya mula sa leeg at tiningnan. Namumula ito nang bahagya.

"Rig... I'm all right. Iyong motor mo, baka nasira..." Nilingon niya ang nakahandusay na motorsiklo may limang hakbang mula sa kanila.

"Damn, hindi iyong motorsiklo ang iniintindi ko kundi ikaw!" Hinagod nito ng tingin ang buong katawan niya.

"Tumigil ka sa pagmumura, hindi ako nasaktan," angil niya rito.

"Oh, I'm sorry, Miss Prim and Proper. Sarili ko ang minumura ko dahil..." hindi itinuloy ni Rigo ang sasabihin. Nakatitig dito ang dalagita.

"Hey, I'm... all right..." malumanay niyang sabi. Her lips parting a little. Bahagya pa rin siyang humihingal.

Ibinaba ni Rigo ang ulo patungo sa kanya at siniil siya nito ng halik sa mga labi. A little hard and passionate. Nanlaki ang mga mata ni Lacey, iyon ang kauna-unahang pagkakataong hinalikan siya ni Rigo nang ganoon.

Hindi niya alam ang gagawin. Nalilito rin siya sa nararamdaman. Thrill and fear. Iyon ang magkasama niyang nararamdaman.

Bahagya niya itong itinulak.

"R-Rig..." aniya sa pagitan ng halik nito.

Kumawala si Rigo nang maramdaman ang pag-iwas niya. Pero hindi inilayo ang mukha sa dalagita. Nakita nito ang confusion sa mga mata and there was also something else. Wanting?

May napukaw itong damdamin sa walang-malay na isip ni Lacey. Muli itong marahang nagmura at ibinagsak ang sarili sa buhangin sa tabi niya.

"I didn't mean to kiss you like that," he said in a broken voice.

"Ang... ang... mga babaeng... nagdaan sa iyo, ganoon mo ba sila hinahalikan?" Sinabayan niya ng lunok ang tanong na iyon.

Nilingon siya nito. Tinitigan ang buong mukha niya. Itinaas ni Rigo ang kamay at banayad na hinaplos ang mga labi niya.

"Hindi ko gustong sagutin ang tanong mo. But I wish I could do more than just kissing you like that, sweetheart," he whispered huskily.

"Tulad ng...?"

Touching and kissing you all over. Loving you. Making slow and passionate love to you right here and now, gustong isagot ni Rigo. Sa halip ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Sinisikap sugpuin ang init na tumutupok sa buong pagkatalo.

Tumayo ito at inabot ang kamay niya. "Halika na. Bumalik na tayo sa campus."

Nagpahila ang dalagita patayo. Pinagpag ang mga buhangin sa uniform. Tinulungan siya ni Rigo na pagpagin ang nasa likod niya.

"Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko," kulit niya.

"Stop pushing your luck, Lacey, at baka pareho nating pagsisihan ang susunod na mangyayari," may gentle warning sa tinig nito.

Sabi kppk

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon