Ilang sandali pa'y tinatahak na nila ang daan patungo sa tabing-dagat. Sa pagkakataong iyon ay binigyan siya ng binata ng joyride. Mabilis at halos dumikit sa lupa ang ginagawang swaying ni Rigo sa motorsiklo sa tuwing liliko at napapatili siya. Part fear and part thrill.

Makalipas ang ilang minuto ng mabilis na pagtakbo sa ilalim ng mga punong niyog ay nakarating sila sa tabing-dagat.

Muli ay ipinarada ni Rigo ang motorsiklo sa lilim ng punong niyog. Si Lacey ay hinubad ang medyas at sapatos.

"Ano ang ginagawa mo?" natatawang tanong ng binata.

"Gusto kong magpunta sa baybayin. Mababasa ang mga ito kaya magpapaa na lang ako. Ikaw?" Sinulyapan niya ang rubbershoes ng binata.

"Walang sisita sa akin kahit mabasa ang sapatos at jeans ko," anito at inakbayan ang dalagita.

Lumakad ang dalawa patungo sa dagat.

Magkahawak-kamay na binaybay nila ang buhanginan. Hinayaang hampasin ng mumunting alon ang mga paa. Huminto sa paglakad si Rigo at niyakap patalikod si Lacey, pareho silang nakaharap sa humahapong araw. Kumikislap ang sinag nito sa dagat na tila mga brilyante.

"Baka umalis kami. Rig, weeks from now..." Ikinulong niya sa mga palad ang kamay ng binata na nakapulupot sa baywang niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nagpaplano ang Daddy na pag-aralin ako sa Maynila next school year," sandali siyang huminto sa pagsasalita at huminga nang malalim. Kinausap niya ang ama pagkatapos ng party pero hindi nito kinumpirma ang tanong niya bagaman hindi rin itinanggi. "Hindi pa naman sigurado."

Hinagkan ni Rigo ang ibabaw ng buhok niya. "Manila is only a few hours away. Kahit pa nga siguro isang linggong biyahe ay mararating ng sasakyan iyon."

Natutuwang nilingon niya ang binata. "Dadalawin mo ako kung sakaling doon nga ako magka-college?"

"Tinitiyak ko sa iyo. Sa lahat ng libreng pagkakataon."

"At ano ang gagawin mo habang nasa Maynila ako?"

"Maraming chicks na naghihintay na mawala ka sa paningin nila, sweetheart," tukso nito.

"Ah, ganoon?" naiiritang sagot niya at pilit kumakawala mula sa pagkakahawak nito pero humigpit lalo ang yakap ni Rigo sa kanya.

"Sshh... Sabi mo, love isn't jealous... does not brag..." bahagyang yumugyog ang balikat nito in silent laughter.

"That is my definition of love but who says I'm in love," ganti niya sa paangil na paraan.

"Ugh! That really hurt," ani Rigo. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap nito sa kanya at halos hindi na siya makahinga. "All right, nakaganti ka na," iniharap nito ang dalagita. "But come to think of it minsan man ay hindi mo sinabi sa aking mahal mo ako," wika nito sa mapanganib na tono.

She wrinkled her nose. "Alam mong mahal kita."

"Say it," utos ni Rigo.

"I love you," seryosong wika niya. "1 love you. Rig, really. At kung may magagawa lang ako, ayokong sa Maynila mag-aral. Gusto ko rito sa San Ignacio. Iyong magkasama tayong dalawa. Ayokong magkahiwalay tayo," may panic sa tinig niya. Kagabi pa siya nag-aalala doon.

"Marry me then."

"Rigo!" Nanlaki ang mga mata ni Lacey. "Alam mong walang magkakasal sa atin kahit na sino. Pareho tayong underage."

Ngumisi ang binata. Hinugot mula sa kalingkingang daliri ang singsing na regalo ng mga magulang noong gumradweyt ito sa high school na valedictorian. Kinalakihan na ito ng ring finger ni Rigo kaya nailipat na ng binata sa pinakamaliit na daliri nito.

Inabot ni Rigo ang kamay ni Lacey at isinuot sa middle finger ng dalagita ang singsing na bahagya pa ring maluwag.

"The Lord is my witness, ganoon din ang dagat, ang langit at ang mga punong iyan." Inikot nito ang paningin sa buong pahgid. "I, Rodrigo dela Serna, am taking you as my wife.

"And I vowed to love and cherish you for the rest of my life," solemn ang tinig nito at tinitigan siya na parang naghihintay ng isasagot niya.

"R-Rig... I..." Litong-lito ang dalagita. Magkahalong awe, confusion, and amazement ang sama-samang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Pagkatapos ng ilang sandaling lumipas ay hinugot niya sa ring finger ang sariling singsing. Inilagay iyon sa palad ng binata. Natitiyak niyang walang daliring pagkakasyahan iyon.

"I, Lacey Bernardino, vowed to love and cherish you for the rest of my life as my husband," aniyang nilingon ang paligid tulad ng ginawa ni Rigo. "The Lord is my witness, and also the sun, the sea, at ang lahat ng mga nakapaligid sa atin."

Yumuko si Rigo at dinampian siya ng halik sa mga labi. "There, mag-asawa na tayo. Who needs a priest, a minister, or a judge?" Ngumisi ito sa kanya.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Lacey na nag-echo sa buong paligid.

Corny, funny, crazy, who cares? They're in love.

"Sa palagay mo ba'y nalutas niyon ang problema natin? Paano kung ipadala pa rin ako ng Daddy sa Maynila?" Natatawa pa rin niyang sinabi. Isinulat sa buhangin sa pamamagitan ng patpat ang 'I love you, Rigo.' "Kung nagtanan na ba tayo, eh, baka sakali pang may pag-asang magbago ang ihip ng hangin."

Kinuha ng binata ang patpat mula sa kanya at ito naman ang nagsulat ng 'I love you more, Lacey.'

"Hindi ko magagawa iyon, sweetheart," pormal na sinabi ni Rigo. "I have nothing to offer you. Pero ipinangangako ko sa iyo, sa sandaling kaya ko nang bumuhay ng asawa at pamilya, kahit saan ka naroroon ay kukunin kita," mariin at tiyak nitong sinabi.

Inabot ng alon ang isinulat ni Lacey sa buhangin at nabura. Hindi inabot ang isinulat ng binata dahil mas malayo ito sa aabutan ng maliliit na alon.

"There goes your 'I love you, Rigo,' tinangay ng alon. Meaning, ganoon din kabuway ang pag-ibig mo sa akin. Isang alon lang, wala na kaagad," kantiyaw nito.

Umirap si Lacey. "Hmp... para bang hindi mabubura ang isinulat niya. Sulat lang iyan sa buhangin at talagang mabubura ng alon. Pero hindi kayang burahin kahit ng panahon ang nakasulat dito," naiiritang itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib.

Hinapit ni Rigo ang kasintahan. "Napikon na po at namula na ang mga mata ng ale."

"Ikaw nga diyan, ang dami mong girlfriends..."

"Girl friends. Mga kaibigang babae. While you're my sweetheart, my one and only, and my everything." Itinaas siya nito mula sa buhangin nang ilang dangkal.

"Hey, Rig, put me down!" sigaw niya na napahawak sa balikat ng kasintahan.

Ibinaba siya ng binata pero nanatiling nakayakap ito sa kanya. Itinaas ng isang kamay ang mukha niya.

"Kiss me, sweetheart, the way I kissed you," utos ng binata.

"Alin doon? Iyong pangkaraniwang halik mo sa akin o iyong halik na ginawa mo noong mahulog ako sa motorsiklo mo?"

Tumaas ang mga kilay ni Rigo. "Aling halik ko ang pangkaraniwan lang sa iyo?"

She wrinkled her nose. "Alam mo ang ibig kong sabihin."

"Anyway, just kiss me."

"All right"

"Come here and I'll kiss you properly. And I want you this time, to kiss me back."

lass=MsoNor|t-

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now