Chapter 16 - (DUMBFOUNDED)

561 95 7
                                    

GL_16

(DUMBFOUNDED)

——-

Rheema's POV

Nasa himpapawid na ako. Ang ganda ng view mula dito sa taas. Kitang-kita ko ang lawak ng Visayas Region. Hindi maulap ngayon kaya hindi mahirap ang byahe. After more or less one-hour ay nasa NAIA na ako.

Naglakad ako palabas ng airport habang hila-hila ko ang maleta ko, malayo pa lang tanaw ko na si Daddy. 

"Daddy!" I shouted in glee. Lumapit ako sa kanya and we hug each other. Binuhat niya ang mga gamit ko at naglakad na kami papuntang parking lot. Sumakay na kaming pareho sa kotse at no'ng pagka-upo ko sa loob I immediately send a message to Kuya Raynan and also to Kurt.

Panay ang tanong ni Dad sa akin ng mga happenings sa Tacloban at ano pa nga bang magagawa ko kundi ang magkwento. Namiss ko ding kakwentuhan si Daddy. Dumaan muna kaming MOA para maglunch, kumain kami sa Shakeys. Favorite ko kasi ang chicken nila dito, ibang klase pati ang mojos na kinaaadikan ko. Kahit na patatas lang naman siya na pinrito. Nabusog ako sa kinain ko at dahil din siguro sa jetlag, ayan nakatulog ako sa byahe.


Nagising ako ng kaunti nang maramdaman kong may nagbubuhat sa akin, nasa likod ko ang isang kamay at ang isa ay nasa likod ng mga tuhod ko. Pagdilat ko si Daddy lang pala, ang sweet talaga ni Dad, hindi na niya ko inabala pang gisingin. Nilapag niya ko sa sofa na nasa sala at dahil parang may headache ako, pinili kong pumikit ulit.

-


"Anak gising na, handa na ang hapunan," narinig kong may nagsalita, nagising ako sa tapik niya sa balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Nanay Linda sa harap ko. Kasambahay namin si Nanay pero tinuring na namin siyang kapamilya. 

"Hala gabi na Nay?" ngayon ko lang narealize ang sinabi niya na hapunan na raw.

"Oo anak kaya kumain ka na, nasa hapag-kainan na ang Daddy mo."

"Sige po Nay." Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago bumangon. Naglakad ako papuntang hapag-kainan para kumain. Umupo ako sa tapat ni Daddy at nasa gilid ko naman si Nanay Linda.

"Wow sinigang na hipon! Namiss ko po 'yong mga luto niyo Nay!" Masarap kasi magluto si Nanay at madalas niyang lutuin ang mga gusto kong ulam.

"Kaya dapat madami kang kainin ngayon," sabi ni Nanay.

"Oo naman po, uubusan ko si Daddy," at humarap ako kay Daddy.

"Grabe talaga 'tong anak ko. Hahaha ang takaw," natatawang sabi ni Dad.

Sinimulan ko ng kumain at naka-ilang rounds ako. Hmm ang sarap pati ang sabaw. After ng dinner, kumain naman kami ng dessert na hinog na mangga. Then umakyat na ako sa kwarto ko. Naligo ako bago humiga sa kama.

Habang nakahiga ako nahagip ng peripheral view ko ang mga gamit ko, ako na lang ang mag-aayos. Malamang kasi pagod na si Nanay Linda.

Nilagay ko sa walk-in-closet ko ang mga damit ko at sa shoe rack 'yong ibang sapatos. Saka ko humilata sa malambot kong kama. I really missed my room. Nakatingin lang ako sa kisame at ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko. Kamusta na kaya si Kurt? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagustuhan niya kaya 'yong iniwan kong gift sa kanya?

Matawagan nga. I dialed his number and I wait if he's going to answer the call. Sana sagutin niya, I want to hear his voice.

(Hello? Rheema kamusta?) Yes! Sinagot. May signal.

"Hello, okay naman. Naka-uwi kami ng maayos ni Dad," sabi ko.

(That's good to hear. Pero.... Hay miss na kita Sinkit! Siyanga pala natuwa ako sa binigay mo. I love that painting)

Graveyard Love storyWhere stories live. Discover now