Chapter 1

877 14 0
                                    

"Hoy Timoy ano na? Lalampas na tayo sa school nyan e tulala ka na naman." pangungulit ni Mark sakin.

Sobrang init sa loob ng jeep at nakuha ko pang mag daydream. Pano ba naman kasi parang di ako maka get over sa mga pangyayari kaninang umaga. May kakalipat na kapitbahay sa kabilang condo unit. Nung nakita ko yung mga bagong lumipat halos sumabog ang puso ko sa sobrang pananabik.

~an hour earlier~

"Nak magmadali ka na jan baka ma late ka pa" sigaw ni mommy na kakatapos lang kumain at naghahanda na umalis. "Don't forget to call your dad today ha. Sabihin mo you need money for your school tuition e kasi naman yang daddy mo..." na sinundan pa ng ibang reklamo na di ko na masyado marining kasi nag takip na ko ng unan.

It was exactly 6am nung naisipan ko ng bumangon. Well kanina pa ko nagising pero alam nyo yung tipong ayaw nyo bumitiw sa panaginip kasi naman parang sa panaginip nalang ata mangyayari yun. Magkaholding hands kami ni James.

Sino si James ba kamo? Sya lang naman ang pakakasalan ko. Charot. Ang pinaka gwapo lang naman sa balat ng college building namin. Yung muka nyang malaanghel sa gwapo. Baby face, chinito, yung level ng sex appeal nya is sapat na para maputol ang garter sa underwear ng kahit sino man. Jusko mapababae or bakla, matanda or teenager, pinapangarap maging syota itong si James. Kung naging matangkad lang sya ay perfect na sana. Nabalitaan ko nga din na may tomboy na lumambot sa kanya. Pareho kami ng course na chemistry and magkasing year din. At higit sa lahat, kasama ko sya sa tropa naming magkakaclassmate sa major.

Pero ayun, katulad ng typical na teenage gay, walang nakakaalam na bakla ako. Maliban nalang siguro sa aking konsensya.

E kasi ikaw ba naman ang lumaki sa puder ng pulis mong tatay. Edi binaril ka kung babaklabakla ka. Kaya ayun nakasanayan ko na rin itago.

Simulat sapul alam ko na may kakaiba sakin. Nahilig ako sa bahaybahayan, chinese garter at kung anu-ano larong pambabae dati. Sinusuot ko din ang heels ni mommy ng patago tapos rumarampang kala mo kung sinong victoria's secret angel.

So ayun na nga mabalik tayo kay crushie. Si James is not only a chemistry student, member din sya ng debate team sa university. Kaya ako namamangha sa kanya. Alam nya kumausap ng tao, nakaayos lahat ng sasabihin nya, kalkulado ang bawat galaw. Napakagentleman.

Sa magtropa, sya lang ang di magaslaw kumilos. Ewan ko ba bat naging tropa namin. Ako kasi at si Mark puro mukang mga laging naghahahanap tagay sa kanto. Maingay, makulet, malikot, lahat na. Pero masaya.

Sya lang ang naiba. At malamang sa malamang sya rin ang may maganda future saming magbabarkada pag di kami tumino.

Ako naman yung artistic samin. Marunong akong magsulat na nagamit ko para makasali sa school pub. Si Mark yung sporty. Shooting guard sa basketball varsity at saming tatlo sya lang ang may makulay na lovelife sa girlfriend nyang classmate din namin na si Sue.

Well, di man ako kasing gwapo ni James, ako naman ang biniyayaan ng talino at height. Saktong 6ft kasi ako. May hubog din ang katawan at may pagkamoreno. Mas napapagkamalan nga kong basketball player kesa kay Mark na nasa 5'10 lang ata. May nagkakacrush din naman na babae pero ayun nga deadma kasi di talaga ako naaattract. Kunwari nalang busy sa writes ups at pag aaral.

"Anak alis na ko. You take care" sabi ni mommy na tila nagmamadali. Ako naman pa petekspeteks lang kasi maaga akong nagising at 8am pa naman pasok ko.

Tumutunog ang telepono namin sa sala kaya dali dali kong sinagot.

"Pre si Mark to, nasa bahay ka pa?"

"Oo e. Kakagising ko lang. Bat ka napatawag?"

"Punta ako jan, di ako kaya idaan ni Papa sa school kasi kabilang highway sya. Sabay na tayo" paliwanag nya habang nadidinig ko tunog sa radio ng sasakyan nila

My Friendly Neighborhood Batman (boyxboy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum