Epilogue

3K 81 20
                                    

After 3 Months.....

Three months na ang nakalipas.Pero sariwa parin sa utak ko ang mga pangyayari.Kung paano nabaril si Sean.Kung paano siya nawalan ng malay.Kung paano pumikit ang mga mata niya.Kung paano dumating ang mga police.Kung paano nahuli sina Chloe at Erlin.

Kung paano sinisi nila Kurt,Jerick,Clyde,at Timothy ang kanilang mga sarili.Na bakit huli na nang dumating sila.Na hindi nila nagawa ang plano.

Hay,Sean.Miss na kita.Miss ka na namin.Miss ko na na maka-asaran ka.Miss ko na yung lagi mong paghingi ng kiss.Miss ko na yung labi mong laging nagpa-pout.Yung kakulitan mo.Yung kasweetan mo,lahat lahat.

Naglalakad ako ngayon sa Baywalk.

Sean,three months na.Three months na simula nung iniwan mo kami.

Naglakad-lakad nalang ulit ako.Ang sabi ng doctor mas mapapabuti kung sa ibang bansa magpapagaling si Sean.Dahil natamaan ang isa niyang binti sa may bandang buto.Pati narin ang braso niya.Kailangan daw palitan ng bakal ang nabali niyang buto.

Kahit ayaw kong maalis siya sa tabi ko,mas ayaw ko naman na habang buhay nang lampa ang paa niya at pilay ang braso niya.

Kainis nga yung lalaking yun eh!Wala man lang katex-text o call-call man lang!Bwuset siya.

Ni hindi nga man lang nagpaalam ng maayos eh.Basta bago siya umalis,nagbonding pa kami non.Ni hindi ko nga naramdaman man lang na aalis pala siya.Nakatulog ako sa tabi niya non.

"I'll miss you and i love you Ste-panget."

Rinig ko.Di ko alam kung panaginip ba yun o totoo.Naramdaman ko rin na may humalik sakin pero pagkagising ko,wala na siya.

Ilang beses kong nalibot ang buong hospital noon.Kasabay ng pagluha ko.Marami akong tanong.Bakit di man lang siya nagpaalam?Para ma-surprise ako?Gagu siya kung ganon.

Umupo ako sa may buhanginan at pumulot ng maliliit na bato.

"SEAN!!!AHHHH!Walanghiya ka!Di ka man lang nagpaalam!"malakas kong sigaw  kasabay ng pagbato ko ng mga bato.

"Grr!Ang saya-saya pa natin tapos bigla ka nalang nawala!"ilang beses pa akong nagbato na para bang sa kanila ako may galit.

"Kailan ka ba babalik? Wala ka man lang text o tawag! Miss na miss na kita alam mo ba yun?!!!Ikaw na unggoy ka pinagpalit mo na ba ako diyan!!?Ha?!Sabihin mo lang at susugod ako diyan!!!Ako ang papatay sayo!Nak ng hinayupak ka!Ahhh!"

Di ko namalayan,lumuluha na pala ako.Walang ibang naririnig kundi ang hikbi ko.Di ako iyaking tao.Akala ko yung ma babaeng iniiwan,nag iinarte lang.Pero masakit pala talaga.

Ilang sandali pa ang lumipas.Wala akong ibang magawa kundi bumuntong hininga.Pero bigla nalang may mga palad na nakalagay sa mata ko.

Naamoy ko nanaman ang pamilyar na amoy.Naramdaman ko rin ang mga kamay niyang magaspang.

Sean....

Mas lalong lumakas ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko

"Argh!Stephanie! Tumigil-tigil ka nga sa kai-imagine mo!H-hahaha!Nababaliw na ata ako."sabi ko sa sarili ko

"I miss you......"

Napasinghap ako.Shet.Totoo na ba to?Nandito ba talaga siya?

Hinawakan ko ang mga kamay na nasa tapat ng mata ko.Totoong kamay to.Inalis ko ito at......

"Ste-panget."

Totoo nga.Nandito na siya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.Totoong totoo na talaga.

"I miss you,Ste-panget—OUCH!"

Nang malaman kong totoo nga siya isang pagkalakas-lakas na sampal ang natanggap niya mula sakin.

"Aba!Ikaw pa ang may karapatang masaktan ha?! Ha!?Ako ang iniwan dito ha!Baka nakakalimutan mo!"

"A-ah,ah!Tama na!"sabi niya ng pinaghahampas ko siya

"Ahh!"sigaw niya pero patuloy lang ako sa paghampas at namilipit siya bigla."A-ahh!!Ang sakit!"sabi niya at napahawak sa tiyan niya

Shet!Nahampas ko yata ang tiyan niya na huling tinamaan ng bala ng baril.

"Ahhh!!Ang sakit!"sabi niya at napahiga na sa sahig

"Shet!Sean!Saan!Wah!Anong gagawin ko!"natataranta kong tanong

Hinawakan ko ang ulo niya na nasa buhanginan at hinaplos ang mga buhok niya.

"Sean,k-kaya mo pa bang tumayo?"di ko na talaga alam gagawin ko

"N-no!J-Just,,,,,,,,kiss me."

"Sig—ANO?!"

"I-i said kiss me."

"Grrrr!!!Sean!!!"galit kong sabi at pinaghahampas ulit siya

"Kainis ka!Akala ko kung ano nang nangyari sayo!A-akala ko mawawala ka nanaman sakin."Sabi ko at napaiyak ulit.

Niyakap niya ako at patuloy lang ako sa paghahampas sa kanya.

"I-im sorry."

Sean's POV

Yakap ko ngayon si Ste-panget.Maya-maya pa't nakatulog na siya.Marahil ay napagod sa kaiiyak.

How i missed this girl.Mula buhok,noo,mata,ilong,at ang kanyang labi.How i missed kissing her lips.

Di ko na nagawang magpaalam sakanya.Dahil kung gising siya sa mga panahong iyon, marahil ay di na ako makakaalis sa tabi niya.Kaya sinadya ko na patulugin muna siya bago umalis.Hindi ko rin nagawang magtext o makatawag man lang at baka hindi ko na matapos ang pagpapagaling ko at susugurin ko siya dito.

Ilang buwan din akong nagtiis.Kanila Jerick, Clyde,Timothy,at kurt ko lang nalalaman kung ano na bang nangyayari sa kanya.Sobrang nasaktan ako nang malaman kong ilang araw siyang nagkulong sa kwarto niya at umiiyak.

Pero ayos narin yun.Dahil doon ko nalaman na sibra naming mahal at minamahal ang isa't isa.Na kahit ganoon ang nangyari eh patuloy parin kami sa paglaban.

Sobrang swerte ko dahil nakilala ko siya.Na sa kabila ng masasamang gawain ang nagawa ko sa ibang tao eh nakilala ko parin siya.

Isang babaeng mapagmahal.Babaeng may tiwala sakin.Babaeng nakakaintindi sakin.

Babaeng nagpanggap bilang nerd. Babaeng napakatagal na panahon kong nakaasaran.Babaeng unang nagbigay sakin ng flying kick.

Babaeng minahal ako sa kung ano man ako.

Di ako makapaniwala na ang babaeng kinaiinisan ko eh siya palang kahuhulugan ko at mamahalin ko.

Everything changed when i met this girl.And i am so thankful to God.For everything.

Salamat sa pagsubaybay.Ito ang istorya namin.

The story when......

Mr.Bully Meets Ms.Fake Nerd

END

Mr. Bully Meets Ms. Fake NerdWhere stories live. Discover now