Chapter 28

4.6K 106 5
                                    

Evolym's POV

Wala kaming photo-shoot ngayon,buti nalang!Nakakailang tsansing na si Seantot sa akin,tss.

Nakakainis ang lalaking yun!Medyo naiilang na nga ako sa kanya.Ang lakas ng dug dug dito sa puso ko.Kapag madidikit yung katawan niya sa katawan ko parang may kuryente!Shemay!

Ewan ko nga kung bakit ganun ang pakiramdam ko kung siya ang kasama ko.Pero kapag iba naman parang normal lang,argh!Iba na to!

Tumawag nga pala yung mga kaibigan ko sa dati kong school.In-iinvite nila ako sa Boracay! Gosh miss ko ng pumunta doon.Miss ko narin mga bes ko ! Kaya agad din naman akong pumayag,like duh!Libre yun!Inaya ko rin si Tina at syempre walang pinalampas na sigundo,pumayag kaagad!Tss,ang hilig talaga sa libre!

Madaldal naman si Tina kaya mabilis niyang maakikisamahan yung mga bestfriends ko.Tatlo nga pala sila.

Si Kshah Lei Mercedes.Siya ang pinakakadaldal sa amin.Napaka joker din niya.17 years old na yan pero kung kumilos,akala mo bata.Mayaman din yan at model din sa sarili nilang kompanya.

Alliah Zin Torres.16 years old.Mayaman.Actually siya ang pinakabata sa amin kaso mature mag isip.Hilig niya ang magbasa ng libro lalo na ang history.Nerd siya, magandang nerd. Malalim ang mga pinagsasabi,tss.Ewan ko nga ko paano napasama samin yan.Kalog din yan,MINSAN.

Last but not the least,Grail Althea Borja.16 years old.Madaldal.Walang ibang ginawa yan kundi mantrip.Grabe ang mga trip niyan.Kakaiba!Bitter ang babaeng yan kaya kung may makitang couple ay ayaw na ayaw niya.Naniniwala din siya sa kasabihang WALANG POREBER!

So, nakaimpake na ako ng mga damit,specially swimsuit.Magsu-swimming ako kaya syempre dinala ko ang mga shades ko,hats,at syempre sunblock lotion.Nagdala din ako ng mga damit.Di na ako nag-abala pang magdala ng shampoo and soap.Duh!Meron ng ganon dun sa hotel nila Kshah no!

Aalis na ako ng bahay para sunduin ang bruhang si Tina.Tinatamad nanamang mag drive.

"Hi bes!Tagal mo naman!Lego!"aba't!Dalawang bagahe ang dala! Ano yun?Pang isang taon?Baliw talaga tong babaeng to! Yung akin nga maliit lang na baggage tapos isang bagpack lang.Duh!Three days lang kaya kami dun!

Sabi ng mga bespren ko magkita nalang kami aa airport nila Tina and yes!Pag-aari nila yun at isa sa private plane nila ang gagamitin.


"Hi bes!"Rinig ko ng sigaw mula sa malayo ng mga nagbabaliwan kong bespren

"Hi!"Sigaw naman ni Tina sabay beso beso sa kanila,aba!Siya ang bespren?Ha?Ha?!

"Hello!Ikaw ba ang tinutukoy ni Evolym na Tina!?Wow!You are pretty like me!I am Kshah and i love pink!"ito talagang si Kshah,joker talaga eh!

"Hi.Nice meeting you.I am Alliah Zin."pormal naman na sabi ni Alliah,kala mo naman eh nakikipag-meeting sa mga negosyante

"Hi!Im Grail Althea,maganda pero single,and i hate boys."Mapait na sabi naman ni Grail,hayaan niyo na yan.Broken hearted eh!Haha!

"What are we waiting for?!Let's go!"Excite na sigaw ni Tina,kala mo naman first time lang nakapunta dito.

Syempre sumaigkas na kami ng barko para lumipad,pero syempre joke lang!Sa eroplano kami sumakay!

_

"Whoaaah!"Manghang sigaw ni Alliah,naku ayan na!Tinotopak na siya!

"Hey guys!Lets take a groufie!"At syempre kami naman naki-picture narin.Kanya-kanya kaming picture.Ipo-pose namin sa twitter,instagram,at facebook!Buti nga kahit model kami pwede parin kaming mag fb.

Mr. Bully Meets Ms. Fake NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon