Chapter 29

3.8K 104 34
                                    

Evolym's POV

Gabi narin kaya bumalik na kami ng hotel,gutom narin kami.Puro seafood ang in-order nila,sarap!May naglalakihang hipon,crab,aww!Ma favorite.

Syempre itong mga ambisyosa kong kaibigan,pinicturan muna yung pagkain bago kumain,tsk.Di na sila nagsawa sa selfie.g

Matapos kaming kumain ay bumalik narin kami sa kanya-kanyang room namin.Napagod daw ang mga bruhang naglibot.Syempre pati ako umakyat narin.Alangan naman na mag-solo ako!

Baka naman mag selfie pa ang mga iyon hanggang matutulog,hay naku!

Humiga nalang ako sa kama saka ipinikit ang mata para matulog.Pero ilang oras na akong nakapikit,hindi parin ako makatulog.Kaya sinuot ko muna ang balabal ko saka lumabas ng hotel para maglakad lakad muna.

Payapa talaga dito,feeling ko tuloy wala akong problema.Nang makontento ako sa kalalakad ko ay umupo muna ako sa puting buhangin habang pinagmamasdan ang mga bitwin sa langit.Pinikit ko saglit ang aking mga mata para mas madama ang hangin.Ang ganda talagang pakinggan ang alon ng dagat.Naks! Galing magtagalog nyahahaha!

Iminulat kong muli ang aking mga mata.Mula sa malayo ay may nakita akong tao.Nakataas ang mga kamay.Agad akong napatayo.Shocks!May nalulunod yata!

Walang oras ang pinalipas at inalis ko agad ang balabal na nakasuot sakin at pinuntahan ang taong nakita ko kanina,shocks!Nasaan na?Gabi pa naman!Buti nalang at maliwa-liwanag ang ilaw na bigay ng buwan.

Nang makita ko ito ay agad ko iyong pinuntahan at lumangoy.Ini-ahon mula sa dagat.Grabe!Ang bigat!Nang madala ko siya sa may bandang buhanginan ay wala parin siyang malay.Ay shemay!Nakataob pa pala siya!

Agad ko itong pinaharap at laging gulat ko ng makita kung sino ito.Si Sean!Shocks!Anong ginagawa ng unggoy na ito sa dagat!Hinahanap ba niya si pagong!-aish nevermind!

Tinapik ko ito sa pisngi pero wa epek!Shemay talaga!Wala sa pangarap ko ang maging doctor pero i will try may best.Whoah Evolym!Fighting!

Tinapat ko ang ulo ko sa may bandang dibdib niya,hala!Wala akong marinig!What to do?!CPR!Tama! In-cpr ko siya ng paulit-ulit at pinakinggan kung meron na ba ulit yung tibok ng puso niya kaya inulit ulit ko ulit.Aish!Wala parin!Gagawin ko na ba yung mga napapanood ko sa eksena!Aish!No choice okay!So ginawa ko na yung mouth to mouth with matching cpr at sa wakas!Umubo siya at napabangon habang lululuwa ng tubig at syempre ako naman ay hinimas-himas ko yung likod niya!

Grabe!Ilang beses ko ng niligtas tong unggoy na to ah!Nag-ala super hero ako dati tapos doktor naman ngayon!Kinabahan ako doon ha!Gosh!

Umubo-ubo siya at may lumabas parin na tubig na malamang ay pumasok sa bunganga niya kanina.Habang umuubo pa siya ay dahan-dahang napasandal sakin.Wah!!Bakit ganito yung nararamdaman ko!Para akong na estatwa!

"T-thank you...."mahinang bulong niya

Wahhh!Bakit ganito?!Lakas ng kabog ng puso ko!

"B-bakit ka ba kasi pumunta-punta doon kung di ka pala marunong lumangoy?Ha?Ha?!Pano kung di ako dumating?Edi namatay ka na?!Ha?Ha!Taena!Kinabahan ako doon!Shemay ka!"halos utal na sigaw ko sa kanya.Ewan ko nga din kung bat ganyan ang pinagsasabi ko.

Argh!Ano na ba kasi tong nararamdaman ko!Ewan!

Ilang minuto na ang nakalipas,magkaharap parin kami ngayon habang siya ay mukhang hinang-hina parin at sumisinghot-singhot pa.Nakayakap na siya sakin ngayon habang ang ulo niya ay nasa balikat ko.Ewan ko rin sa sarili ko at hinaplos ko pa ang likod niya bilang comfort.

Hala!Nakatulog na ata!Naku!Malayo-layo pa ang hotel dito!Alangan naman na buhatin ko hanggang doon?

"Sean........Hoy Sean.....gising."Sabi ko habang tinatapik ang likod niya

Mukha namang nagising siya kaya tumayo na ako pero hinila rin lang niya ako kaya napabalik ako sa pwesto ko.Magkaharap kami ngayon.Magkatitigan.Bigla niyang hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.Ewan ko rin sa sarili ko at hindi ako pumalag hanggang sa.....

He kissed me.........

He kissed me in my lips for the second time.Di ko na talaga naiintindihan ang sarili ko.Bakit di man lang ako umangal?

Gosh!Mababaliw na ako!

Third Person's POV

Kapwa magkaharap ang isang babae at lalaki habang ang kanilang noo ay magkadikit.Tila ba nagpapakiramdaman sila.

Ang buwan at ang bitwin lamang ang nagsisilbing ilaw ngunit maaari parin nilang makita ang isa't-isa.Ilang oras ang nakalipas,sa ganoong posisyon ay biglang nagbalik diwa si Evolym at agad napatayo.Naiilang na kasi siya sa mga titig ni Sean.

"K-Kaya mo n-naman na siguro."Huling salitang kanyang bintawan bago tumakbo palayo ay Sean.Malamang ay nakaramdam siya ng awkwardness sa ganoong pwesto.Ang naiwan namang si Sean ay agad napangiti sa kanyang naisip.

Nagpapasalamat siya dahil kung hindi nangyari ang insidenteng iyon ay hindi ito makakakuha ng isa pang halik mula sa kanyang nagugustuhang babae.Kaya kahit hinang-hina pa ito ay pinilit niya ang sariling tumayo at dalhin ang sarili sa kanyang sariling kwarto.Tila ba ito'y nag iisip kung paano mapapasagot ang babaeng kanyang napupusuan,si Evolym.

Samantala,si evolym naman ay agad nagpalit ng damit at agad binagsak ang katawan sa kama ngunit ang mga mata neto'y mulat parin.Hindi kasi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman,kung ano ba dapat ang maramdaman.

Wala naman kasi sa kanyang karanasan ang pumag-ibig.Ang tanong pero niya sa kanyang sarili ay,pag-ibig na nga ba ito?

Sa halip na isipin ay ang kanyang nararamdaman ay iniba nalang niya ito at naisip nanaman niya ang tungkol sa halik.Kung bakit hindi siya pumalag.Ginusto ko bang magpahalik?Marami siyang tanong sa sarili ngunit ni isa wala siyang masagot.

kaya iniba nanaman niya ang kanyang iniisip at nasabi niya nalang ay,"Arghhh!!Nakuha na nga niya ang first kiss ko,pati ba naman second kiss?Wahhh!"

Hanggang sa dinalaw narin siya ng antok.

___________

Kailan kaya malalaman ni Evolym ang totoo niyang nararamdaman?

#SecondKiss

#Savior

#InDenialStage

_______

A/N:Sorry po kung napakaseryoso nung update.Wala talaga sa mood si Author.Guys,expect din ninyo na this coming school days,wala masyadong update dahil balik Baguio nanaman si author at wala kaming Net doon.

#HopeYouLikeTheUpdate

Mr. Bully Meets Ms. Fake NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon