Chapter 41

2.5K 54 21
                                    

Sean'sPOV

Nandito ako sa tapat ng lumang hospital.Kung walang ganitong kaganapan at nandito ako sa tapat ng ospital,siguradong kinikilabutan na ako.

Pero hindi.Nandito si Ste-panget.Kailangan ko siyang iligtas.Kailangan kong hindi matakot.Para sa taong mahal ko.

Alam kong hindi ako ganoon kalakasang lalaki.Isa akong magaling mangasar na tao ngunit laging talo pagdating sa laban tulad nito.

But i will still fight until my last breath. Just wait Mylove.

Chloe's POV

"Ma'am,nandito na po siya."sabi ng isa sa trabahador ko

"Is he with someone?"tanong ko

"No ma'am.He's alone."sabi nito.

Napangiti ako.Lahat ay umaayon sa plano ko.Tanga ka talaga Sean,kahit kailan.You think you can fight alone?Haha what a stupid person.

"Ahh!! Bitawan niyo ako!Ste-panget!Nasan ka na?"

Ha!Nandito na pala ang ugok na toh.

"Sean?...."takang tanong naman ng babaeng nakatali sa upuan at may takip ang mata,ang girlfriend niya.

"Well, well,well!Nandito ka na pala.How are you honey?"ngiting tanong ko at halata sa mukha niyang naasar siya

"Pakawalan mo siya!Hindi ka na nakakatuwa!"inis na inis niyang sigaw

Bigla akong napaseryoso.

"Tingin mo ba natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mo sakin dati?! Ha?! Binabalik ko lang kung ano ang ginawa mo sakin kaya wag kang nagrereklamo!"

"Please!Chloe! Stop this,im begging you! Nagsisisi na ako sa ginawa ko dati!Im so sorry!Wala pa akong gaanong isip nung panahong yun!"

"Really?Hahaha,bakit?May isip ka na ba ngayon?At ngayon ka pa nagsisi? Bakit?May magagawa pa yang pagsisisi mo?Wala diba?Ngayon ka pa nagsisi ngayong gusto ko nang bumawi! Noong mga panahon na hinihintay kong gawin mo yan,wala ka man lang ginawa!Tinawanan mo lang ako.Hanggang sa buong estudyante na ang umaapi sa akin."

"Dahil sa hindi ko na kinaya,i quited school.Nawala ang scholar ko,nawala ang nag-iisang pinagkukunan namin ng pag-asa ng pamilya ko,nawala lahat Sean.Lahat lahat ng pangarap ng magulang ko para sakin,ang makapagtapos ng pag-aaral.

Pero sadyang mabait ang diyos sakin, binigyan ako ng biyaya ng diyos.Ilang buwan akong nagtrabaho bilang katulong at nang mamatay ang amo ko,lahat ng kayamanan nito ay pinamana niya sakin.Ito na siguro ang sign para maipaghiganti ko ang sarili ko sayo.Hindi ka nawala sa isip ko Sean.Lahat ng ginawa ko ay iniisip ko kung paano kita magagantihan hanggang sa dumating ang araw na to."

"I-i never know that."

"Now you know!At pagbabayaran mo ang lahat! Boys! Start giving him what he deserves!"

Hindi ko maiwasang maluha habang sinasabi ko iyon sa kanya.Pakiramdam ko ay nailabas ko lahat ng kinikimkim kong sama ng loob.

Pero hindi ako magiging masaya hangga't hindi pa nagiging miserable ang buhay niya.

Erlin's Pov

Nilapitan ko si Chloe.She might get out of control.Nagba-blanko ang paningin niya kapag galit siya ng sobra.Nagsisisigaw at luluha mamaya-maya.Para kasing bumabalik sa isip niya kung gaano siya naghirap noon.

At di ko na kayang makita yun.She might look so strong but she's so weak inside.That's why I'm always there by her side.At para narin makapaghiganti kay Sean.

My girlfriend broke up with me because of him.Sikat kasi yan sa school at ewan ko kung ano ang nakita nila diyan.When i was studying at Royal high,isa lang akong nerd noon but there is a girl who let me feel that I'm not alone.But then,one day she told me that that was just a dare at may iba siyang gusto.At yun ay ang tukmol na yan,si Sean.

Parang gumuho ang mundo ko noon at di ko na namalayan na ang dating matataas kong grades ay bigla nalang nagsibagsakan.Yun lang ang naipagmamayabang ng parents ko dahil hindi ako tulad ng mga kapatid ko na maaayos sa sarili.At tinakwil nila ako bigla.Na isa daw akong walang kwentang tao.Pangit na nga mababa pa ang grade.Lagi akong naikukumpara sa ibang tao.

At lahat yun kasalanan ni Sean Magnus David.

"Sige pahirapan niyo na yan.He deserves it."

Sabi ko saka na tuluyang nilapitan si Chloe at niyakap.Namumuo na ang luha niya,sa galit.Thank god at di siya nawalan ng control sa sarili.

Evolym's POV

"Sige pahirapan niyo na yan.He deserves it."rinig kong sigaw ng isang lalaki at namalayan ko naang na may nag alis na ng blindfold sa mata ko.

Nahihilo parin ako mula sa pagkakapalo nung babae ng baseball bat sa ulo ko.Malabo parin ang paningin ko pero paunti-unti ring lumilinaw.

Napaiyak na ako ng tuluyan.Si Sean, binubugbog.Pinapalo ng kung anu-ano sinisipa.Kita ng dalawang mata ko kung paano lumabas ang dugo sa bunganga niya.Kita ko ang mga pasa at galos na nasa mukha at ibang parte a ng katawan niya.Napahagulgol ako mula sa pagkakatali ko sa isang upuan. Sean...

Patuloy lang ang ganoong pangyayari.Sinasaktan nila si Sean at wala akong magawa kundi humagulgol lamang.Ito ang unang pagkakataon na naramadaman kong isa akong walang kwentang tao.

Walang ibang naririnig dito kundi ang nag-eechoeng sigaw at iyak ko,ang tawanan ng mga nananakit kay Sean.At ang mga ungol ni Sean sa sakit na kanyang nararamdaman.

Sandali silang tumigil.Dahil siguro nagsawa na sila.Sana....

Bigla nalang lumapit sakin ang ilan sa mga lalaki at ikinagulat ko ang biglaang pagsampal nito sakin ng pagkalakas-lakas.

Nalalasahan ko ngayon ang maalat na likido mula sa bibig ko.Hula ko ay pumutok ang aking labi.Pero di ako nagpaapekto.Ayokon isipin pa ako ni Sean.

"Dont mind me,Sean.Ayos lang ako,h-hahaha"

Sabi ko

"Ano?Masaya ka na ba?Masaya ka na ba na nasaktan mo ang mahal ko?!"sigaw ni Sean

"Hindi! Dahil kulang pa ang paghihiganti ko!Kung di mo lang sana kung hindi ka sana umepal sa buhay ko,di ako hihiwalayan ng girlfriend ko! Hindi ako iratakwil ng magulang ko."sigaw nung lalaki na Erlin ang hula kong pangalan nito

"S-sorry-"

"Sorry?!Tang*na wala nang magagawa ang sorry mo!"

Biglang sumakit ang ulo ko.At lumabas ang mga imaheng di ko inaasahan.Duguan,maingay,may mga pulis.

Napaharap ako bigla kina Sean.Ganitong ganito ang nasa panaginip ko kumakailan lang.Lord please!Kung panaginip man ito,please gusto ko nang magising.

Pero walang nagbago.Hanggang sa isang lalaki ang sumigaw.

"Boss!May mga pulis!"

"Hindi maaari!Gugustuhin kong makulong kesa mabuhay ka pa!"

Napakabilis ng pangyayari.Isang kasa ng baril.Isang malakas ng putok hanggang sa sumunod ulit at may sumunod ulit.At ang napakalakas kong sigaw.

"Sean!!!"

Hindi ko na alam kung paano ako nakaalis sa pagkakatali ko sa upuan.

"N-no please!Sean!Wake up!"napaiyak ulit ako.Lalo na noong pumipikit na ang mata ni Sean.

"I love you,Ste-panget." Sabi nito at tuluyan ng pinikit ang mata.

"No!!!"

Kung alam ko lang na mangyayari ang ang panaginip kong iyon.Mas naging handa sana ako.But it's too late.Tapos na.Wala na.

Dahil sa ganitong pangyayari pala matatapos ang lahat.

Sean, I'll miss you.

______________
Epilogue na next chapter!

Mr. Bully Meets Ms. Fake NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon