"Haha! Hay nako ang mga teenagers talaga.."naiiling na sabi ng dad ni Sean.

Natawa ako ng mahina ng biglang mahagip ko si tintin na nakasilip pala sa amin. Nakikita kong walang emosyon ang mukha nya pero parang malungkot ang mata nya.

agad syang umalis ng mapansin nya ako. Hala anong nangyari sa kanya?

"Any problem?.."bumulong sakin si Sean.

napatingin ako kay Sean na humawak sa kamay ko. umiling iling ako at ngumiti nalang sa kanya.

Medyo nagaalala ako kay Tintin, feeling ko kasi nasaktan sya sa sinabi ni charlie kanina.

"Oo nga pala, Sean can you do a favor for me?"

"Sure dad"

"Birthday kasi ng inaanak ko sa susunod na araw, I want you to look and check our property somewhere in South Miroianah valley? I'll give that property to him as a gift. I also want to know kung anong tingin mo sa lugar na yun, If you don't mind?"King George.

hindi agad nakasagot si Sean. Tila nag iisip.

"And you can bring Illiannah with you, you can stay there for a days since medyo malayo yun"nakangiting sabi ng dad nya.

Dahil dun unti unting kumurba ang labi ni Sean at sandaling sumulyap sakin.

"Yun ba yung dating lugar kung saan ako nagbakasyon?"

"Definitely yes"

"Sure dad.."nakangiti nyang sabi, halatang excited haha!

Pero kasama ako? kami lang dalawa!?

"Great! Then you can leave the next day, Gusto ko lang malaman ang status ng lugar kung maayos parin ba, thanks Sean, medyo busy kasi kami ng mommy mo the next days.. at alam kong mas magaling kang mag judge kesa sa mga tao natin"

"Don't mention it dad"

Nang matapos ang hapunan, sinabi nila mom at dad na dito na ako matulog. And yes may kwarto na ako dito. hehe. yung dating kwartong pinagtulugan ko nung nagkasakit ako. sakin na pala yun. :)

Nag b-brush ako ng buhok ko sa harap ng salamin.

Napangiti ako kasi sobrang ganda ko pala charot.

Ang cute pa nitong suot kong pantulog, ang lambot ng tela tapos naka fluffy slippers pa ako na pony ang design.

Pumunta naman akong balcony para mag stargazing. Napangiti ako ng makita si Sean sa balcony nya. Nakatingala lang sya sa langit.

Ano kayang iniisip ng gwapong nilalang na ito? nakita kong napapangiti sya ng maliit. Haluh?

Ang gwapo nya talaga kahit kailan, tapos nakapangtulog pa sya. Ang cute cute :)

"May dadaan bang bulalakaw?"tanong ko.

Natawa ako ng bahagya syang napatalon, mukhang nagulat sya sakin.

"hey.."nakangiti nyang bati.

"hey..." ngumiti din ako.

"mukhang may inaabangan ka?"tanong ko.

"hmm.. actually there is.."

"ano?"

"or should we say.. sino?"

"okay sino?"

✔Book ApartWhere stories live. Discover now