Para kay F

5 0 0
                                    

Dear FEOE,

Hindi dapat kita pag-aalayan ng sulat pero may parte sa puso ko na bumubulong sa 'kin na kailangan kong palayain ang sarili ko mula sayo.

Sa iyo na halos anim na taon ko nang hinangaan at matagal ko na ring naging kaklase..

Elementary years, noong nag-aaral pa tayo sa isang private school sa Taytay, Rizal. 'Di ko naiwasang ma-attract sayo dahil kahit 'di tayo masyadong nag-uusap sa klase ay may mga pagkakataong nagkakausap ng tayo lang dalawa tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan.

Yung talagang pambata lang at mangmang sa mundo..

Siguro at some point minahal nga kita. Naging kaklase rin kasi kita noong high school pero bukod doon, 'di na rin kita naging kaklase.

Waleya. Six years din pala akong nagpakatanga ng sobra. 

Ikaw ba naman kasi paasa ka.

Biruin mo yung time na umamin ako sayo noong Grade 6, Friday at Student's Day. Nagpadedicate pa ko ng kanta sa Dedication booth na may kasama pang note. "Hate that I loved you so" ni Rihanna at ni Ne-yo. Si Sir N pa nga yung nag-announce noon through microphone. 

Nakakatawa lang isipin na sobrang naive ko talaga pagdating sa pag-ibig. Ikaw na inakala kong may gusto rin sa 'kin dahil nagbigay ka rin ng mixed signals sa kin pero hindi naman pala.

Ikaw na pinagselosan ko ng husto yung mga babaeng naging ka-close mo katulad ni D at ni M. 

Si K pa pala. Yung kasunod na batch natin sa R***S at napabalitang girlfriend mo na daw. Syempre, alam ko lahat kahit di mo kinwento. Pero naghiwalay din kayo sa di alam na kadahilanan. Lahat ng tungkol sayo gusto kong malaman eh.

Sino ba ang ayaw?

Matalino ka kasi, may looks tsaka naging part ka nga ng Glee Club di ba? Nag-try out nga ko nun noong nalaman kong nagpapa-audition para lang maging ka-close ka pero sadly 'di ako pumasa.

Naalala ko rin ang napakaraming FLAMES at HOPE sa papel sa mga pangalan nating dalawa pero hanggang 'Friends' at 'Oo' lang talaga ang lumalabas.

Nagkatotoo naman.  Friends lang nga talaga.

Inalaman ko rin nga yung pangarap mo. Sabi mo gusto mong maging isang pediatrician. Ang kaso lang hindi ako mahilig sa mga bata. Kaya sinubukan kong maging friendly sa mga bata ng hindi mo alam. Pero kahit na anong gawin ko, ayaw talaga nila sa 'kin.

Siguro sign na yun na hindi talaga? Kasi pati noong pumitas ako ng santan at tinanggal ang mga petals nito ay 'he loves me not' pa rin ang sagot.

Isa pang pagkakataon yung magkatabi pa tayo noong fieldtrip. Pero 'di ka masaya kasi tinutukso ako sayo eh may kahihiyan akong nagawa di ba? Nakakapandiri nga naman kasi yung nangyari. Mangyari ba naman kasi yun sa isang high school student--sino ba namang magkakagusto noon?

Pero alam mo.. Sayang ka.

Ngayong nasa UPLB ka na, iba na ang kursong tinatahak mo at umabot sa 'kin ang balitang nagladlad ka.

Iba-iba daw ang kahalikan mong lalaki. 

Nasayangan ako talaga sayo kasi naging ganyan ka..

Alam mo, gusto kong magpasalamat sayo.

Thank you kasi noong grumaduate tayo sa elementary eh may niregalo sa king bookmark about friends.

Thank you kasi narealize ko na di pala talaga tayo talo kasi iba ang gusto mo.

Na kahit na ipagpilitan ko ang sarili ko sayo, alam kong iba pa rin talaga ang magugustuhan mo.

Thank you kasi ipinaalam mo na ito sa kin bago ako humantong ng kolehiyo.

Salamat sa mga alaala nating dalawa.

Sa kakaunting pinagsamahan natin.

Gusto ko pa ring maging maligaya ka kung saan ka man mapunta. 

Love,

carmelmatthew


A/N:

Omg ang ikli lang ng sulat ko for him. Hahahahahaha. XD Anyway, infatuation ko lang naman ata 'tong si kuya kaya ganito kaikli. Hahahahaha

May nagbabasa pa ba nito? Hahahaha

Kahit walang magbasa, okay lang rin sa kin kasi para ko na rin tong diary. 

It's somehow my therapy I think?

May depression kasi ako at somehow this is my stress reliever? Hahahahaha

Hirap din kasi na mag-open up talaga sa ibang tao so isusulat ko na lang kahit walang magbasa. At least mababawasan ng aking pagsulat ang mga hindi magandang thoughts. :)

Nga pala!!!! XDD

Guys, malakas ang loob kong umamin sa isang tao kung gusto ko siya or hindi so pag face to face ako umamin at sinabi kong "gusto kita"--I really mean it!!! >___<

Ewan ko ha.. Ako kasi yung taong pag may gusto akong sabihin.. sasabihin ko..

Pero ngayong college siguro nag-iba noong dumating siya. <--- O____O

Anyways, pahabol ko para kay F..

F!!! Ahhahahaaha XDD

Thank you sa lahat. Thank you for being with me kahit ayaw na ayaw mo sa kin hahaha.

Nilubayan na kita. :D

-carmelmatthew-


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LettersWhere stories live. Discover now