10: Sunsets

3K 222 61
                                    


Ang sabi nila, huwag mong isipin na araw-araw ay pasko dahil hindi ito totoo. But it has been a week that na nagigising si Maine sa amoy ng bagong lutong bacon at brewed coffee. She smiled at the thought of getting used to this kind of set-up but she took it back few seconds later.

Lumabas si Maine sa kanyang kwarto matapos mag-ayos at bumaba papuntang kusina.

"Good Morning! Bango nyan ah, ano ba 'to Jay? Pinapataba mo ba ako?" natatawang bati ni Maine kay RJ na kasalukuyang nagluluto ng huling batch ng bacon.

"Good Morning to you too, upo ka na dyan. Matatapos na 'to. Are you in a rush?" tanong ni RJ habang inilalagay ang lutong bacon sa platong may tissue.

Maine shook her head side to side and smiled.

"Hindi naman. Actually naka-leave na ako starting today, pero dadaan lang ako saglit sa office kasi may ibibigay akong files kay Lucas. After that, I'm free. May gusto ka bang gawin?"

Umupo si RJ sa katapat na highchair ng inuupuan ni Maine at nagsimulang magsalin ng kanin sa plato nya.

"I don't have plans, makikihitch lang ako sayo. Pwede akong sumama sayo sa office then, from there... bahala na." sagot ni RJ.

"Saglit lang naman ako, pwede naman akong bumalik nalang dito, Jay." she replied.

"Wala naman din akong gagawin dito sa bahay, Moks. Sama na ako sayo. Para mabisita ko na rin si Belle sa office." he said and smiled.

Napatingin nalang si Maine sa kanya at sumubo ng pagkain. At the back of her mind, may maliit na porsyento na nagsasabing may iba syang balak kaya gusto nyang sumama sa kanya pero pero iniwasan nyang i-entertain ang thought na yun. Mas minabuti na nya na hindi na nakipagdebate kay RJ at pumayag nalang sa kanyang kagustuhan.

Hindi kalayuan ang Marriott Hotel sa kanilang condo kaya't mabilis lang ang naging byahe nila. Nagkaroon pa ng kaunting pikunan dahil mas gusto ni RJ na sya ang magdala ng kotse kesa si Maine.

"Bakit ka pa nag-rent ng sasakyan? Mapapamahal ka pa. You can always borrow my car." sabi ni Maine habang nagpapark si RJ.

"Paano kung may lakad ka o may gusto akong puntahan tapos nasa office ka? Ayoko namang mag-Uber nalang lagi, Meng."

"Bahala ka na nga." Maine said and sighed.

Kailan ba ako mananalo dito sa mokong na 'to? Ganito naman palagi. Siya lagi ang nasusunod. Siya parin.

"Besides, paano kung gusto kitang sunduin or i-surprise visit sa office mo diba?" RJ teased.

"Ewan ko sayo, tara na nga!"

Maine's office is as big as RJ's back in the Philippines. Ayan ang unang napansin ni RJ pagkapasok nila sa loob ng opisina ni Maine. May bookshelf sa right side at corner table sa may bintana with the view of the bay. Meron din syang maliit na area para sa coffee at mini-fridge for snacks.

"Laki ng office mo ah," biro ni RJ at umupo sa isang swivel chair sa tapat ng table ni Maine.

"Iba talaga kapag manager ng isang malaking hotel franchise." he added.

Natawa naman si Maine habang nakatayo at nagaayos ng mga files na ibibigay nya kay Lucas.

"I'm sure mas bongga pa yung office mo sa Pinas. Ikaw ba naman ang may-ari." She replied.

"Correction, tayong dalawa ang may-ari ng firm."

Natigilan si Maine at napatingin kay RJ na kasalukuyang nakatingin na sa kanya. Hindi na nagawang sumagot ni Maine dahil may kumatok sa kanyang pintuan at hindi na inantay ang kanyang sagot dahil bumukas din agad ang pintuan.

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now