SIX: Missed

2.6K 186 21
                                    

"I knew it! Pinipikot ka lang talaga nyang gago mong ex, Maine. And here you are, bumibigay ka na naman!" sigaw ni Jodi matapos magkwento ni Maine kinabukasan bago magstart ang kanyang gig sa Paraluman.

"He had this all planned out, M. Makinig ka sa akin, please naman! Bakit mo ba kasi pinagbigyan pa yan? Hindi na ba pwedeng bawiin?" dagdag pa ni Jodi.

"Nagbayad na sya for fast processing, at malaki-laking halaga yun. I think there's no backing out now. I mean, wala naman din akong balak itigil. It's for his gran–" Maine said pero pinutol agad ng kaibigan ang kanyang pagpapaliwanag.

"Ano? Grandma na naman?! Punyeta naman, Nicomaine! Gaano ka katanga? Gusto mo patayuan na kita ng rebulto katabi ni Rizal tapos i-ship kita sa Luneta?! My God!" Jodi retorted.

"Jodi, please stop. Hindi sa kinakampihan ko si Jay dahil pinsan ko sya pero kilala ko sya as a person. Hindi sya manggagamit ng tao. Hayaan nalang natin si Maine sa gusto nya, kaunting panahon lang naman yun diba?" Belle said, trying to defend her cousin.

"Oh eh ano? Magkasama sila sa isang bahay? Ano tapos, susuyuin sya ni Richard? liligawan araw-araw tapos ano? Kapag nagmahal na si Maine balik sa dating gawi? Tapos ano, dramahan na naman? Tayo na naman ang magliligpit ng kinalat ng pinsan mo? Kung ikaw Belle kaya mong makita yun, ako hindi!" Jodi snapped.

"Sinabi ko ba na kaya kong makita yun?! Ang akin lang, magtiwala naman tayo kay Maine. Decided na sya at alam nya ang ginagawa nya. Besides, she's happy. Richard is happy as far as I know. So ano ba ang problema? Nagmove on na sila parehas. It's been what, five years? Hindi na ba pwede sila maging magkaibigan? Ikaw ata ang hindi maka-move on dito eh!" Belle answered back.

"Ex lovers can't be friends, Isabelle. Either hindi nyo minahal ang isa't isa or may feelings parin kayo for each other. Hindi healthy 'to for Maine. Mapapariwara lang sya ulit!" Jodi replied.

"Bakit ba mas marunong ka pa kasi kay Maine? Ikaw ba yung may pinipetition? Sobrang hard mo na eh!" napasigaw na rin si Belle sa inis kay Jodi.

"GUYS STOP! ANO BA? Pag-aawayan pa ba natin 'to? Look, Jodi. I appreciate your concern. Seryoso. Pero magtiwala ka naman sa akin na kaya kong ihandle 'to. Maayos ang hiwalayan namin ni RJ, may closure kami. Please, let me do this. Tulong ko narin 'to sa pamilya nya. Wala silang pinakitang masama sa akin kaya wala akong rason para ipagkait sa kanila ang kakarampot na pabor na 'to. This is all for his grandmother. That's all." pilit na sumingit si Maine sa usapan ng dalawang kaibigan bago pa sila magkainitan.

Jodi sighed in defeat and shook her head.

"Bahala ka na, Maine. Hindi ka naman din papapigil. Ikaw na yan, matanda ka na. Pero sa oras na magkanda-leche leche ang buhay mo, sinasabi ko talaga sayo Nicomaine... ihanda mo ang tenga mo para sa malutong kong 'I TOLD YOU SO!'." sabi ni Jodi sa kaibigan.

Maine shook her head and sighed.

"Nagkausap na ba kayo ni Jay tungkol dito? Aware ba sya sa magiging set-up nyo?" tanong ni Belle at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Umiling si Maine bilang pagsagot sa tanong.

"Hindi pa. Nasa Palawan sya ngayon for a project kaya medyo na-busy. Pero tatawag naman yun kapag okay na schedule nya." sabi ni Maine.

"Ano ba yan, wala pa nga dito ganyan na agad..." pabulong na ngitngit ni Jodi.

"Jodi. Please don't start," puna ni Maine sa kaibigan.

"Ang totoo nyan, ayoko na rin ng masyado kaming nagkakausap. Mas okay yung may breather siguro. Nitong nakaraan buwan napapadalas ang usap namin, nao-awkward na ako minsan."

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now