22: Bahala Na

2.2K 93 38
                                    

"Joaqs, can't you handle this? I'm at Matti's birthday party. Matagal kong hindi nakita yung bata, baka naman kaya mo na 'to? Or better, ipa-reschedule mo tomorrow yung meeting kung ako talaga ang hinahanap nila."

Kalahating oras lang ang lumipas matapos magsimula ang party ni Matti ay tumawag si Joaqui sa kaibigan tungkol sa trabaho. It's a Saturday, he's not expecting calls from work today kaya't hindi masukat ang kanyang pagkainis nang sinabi ni Joaqui kung anong kailangan nito sa kaibigan.

"Jay, kung ako lang naman eh kaya ko 'to, alam mo yan. Pero bro, ikaw ang hinahanap ni Mr. Del Mundo kasi ikaw daw yung nakausap nya three weeks ago. Ano namang laban ko dun? Tapos si Mr. Finnegan nakausap ko kanina about doon sa plano mong mag-open ng branch dito. RJ, sigurado ka na ba dito? Kung yung isa sa Pilipinas nababaliw na tayo, tapos magoopen ka pa ng isa dito?"

RJ sighed because he knew Joaqui is right.

Sobrang long shot nitong pinaplano nyang expansion pero wala syang ibang maisip na paraan to keep both work and personal life on his both hands. Hangga't maaari, wala syang bibitawan. Kung kaya nyang pagsabayin, gagawan nya ng paraan. Ngayon pa't umaayon ang lahat sa kanya, hindi nya kayang ipagsawalang bahala lahat ng nangyayari sa kanyang buhay, at sa kanila ni Maine.

"And what are you suggesting, Joaqs?" Tanong ni RJ.

He heard him sighed and paused for a while before answering.

"Just think about it, Jay. Alam kong gusto mong maging maayos yung sa inyo ni Maine at importante ang pamilya beyond anything else. Pero sana pag-isipan mo na hindi lang tayong dalawa ang mahahassle if mag-backout ang mga clients natin. Marami tayong empleyado na may mga pamilya rin. Please, pag-isipin mo 'to. Malaking pera ang ilalabas natin kung sakali. Also, pag-isipan mo kung kaya mong umuwi kahit isang linggo para ma-cater mo yung mga clients na nagrerequest for a meeting with you."

Napabuntong-hinga si RJ habang nakatingin sa asawa na nakikipaglaro ngayon sa mga kaklase ni Matti. Marahil ay nakaramdam, napalingon si Maine sa asawa at kumunot ang noo.

"Everything okay?" She mouthed while standing up.

RJ nodded as a response at binalik ang atensyon sa kausap.

"I'll talk to Maine about it. After all, she's my wife at business nya rin ito. Pakitawagan nalang si Mr. Del Mundo and tell him na gagawan ko kamo ng paraan. I'll set a meeting with Mr. Finnegan kapag tapos na naming pagusapan ni Maine," Sagot ni RJ habang nakahawak sa sentido.

"Kung kailan nagiging maayos na, biglang may ganito. Badtrip." He added.

Natawa si Joaqui sa kabilang linya.

"'Namo, Isang linggo lang naman yun, siguro naman kaya nyong maghiwalay kahit one week lang? Nakaya mo nyo nga yung limang taon na walang usap eh, ngayon isang linggo lang. Huwag kang clingy, brah!"

He ended the call after few banters and sighed. Ito na nga ang sinasabi nya, hindi pwedeng tuloy-tuloy na masaya. Laging may nangyayaring aberya sa kalagitnaan ng kasiyahan.

"Hey... everything okay?" Maine whispered.

Napangiti si RJ pagkarinig sa bulong ng kanyang asawa at naramdaman ang yakap nito sa kanyang likuran. HInigipitan nito ang pagkakayakap sa kanya nang hindi sya sumagot sa tanong.

"Pinapakaba mo ako... ano ba yun?"

Jay chuckled at nilingon ang asawa. Niyakap nya ito pabalik at hinalikan sa noo.

"Nothing I can't handle, mahal."

-----

Ngayon ang flight ni Maine papuntang America at kanina pa rin tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Alam niya kung sino ito at wala syang lakas para sagutin ang tawag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe, TomorrowWhere stories live. Discover now