"Bakit ka pumunta sa amin?" pambabale-wala niya sa parunggit ko.

Huminga ako nang malalim. Iyon na siguro ang tamang panahon para tanungin siya tungkol sa status ng friendship namin. "Lee, are we still friends?"

Kumunot ang kanyang noo. "Anong klaseng tanong 'yan?"

"Best friends pa rin ba tayo o hindi na?" malungkot na tanong ko.

Tinitigan niya ako. "Paano kung hindi na? Paano kung ayaw na kitang maging best friend?"

I fumed. "Eh, di huwag! Akala mo naman, may napapala ako sa 'yo. Lagi ka ngang wala. Kahit isang forwarded text message, hindi mo ako maalalang padalhan. Ni hindi mo nga alam ang mga pinagdadaanan ko, ang mga problema ko. Fine. Then let's not be friends from now on. Kaya kong wala ka." Tumayo na ako pero hinagip niya ang kamay ko at pinaupo uli ako.

I heard him sigh. "Kat, I'm sorry if you think I'm neglecting you. Malaki ka na kasi. Alam kong kaya mo nang mag-isa. I can't be around you forever. Baka nga kapag nagka-boyfriend ka na, hindi mo na ako maalala."

I exhaled in sarcasm. "Tulad ba ng ginagawa mo ngayon? Por que may girlfriend ka na, hindi mo na ako naaalala? Kaya pala wala ka palagi. Kaya pala wala ka nang pakialam sa akin. Kasi may bago ka nang inaalagaan. Bale-wala na talaga ako sa 'yo. Ni hindi mo man lang sinabi sa akin 'yong tungkol sa babaeng 'yon." Nagsimula nang mag-init ang mga mata ko.

"I was supposed to tell you about her that night when I barged into your kissing scene with your Romeo."

Naumid ang dila ko. Naalala ko tuloy ang kasalanan ko sa kanya. "I'm sorry about that night. Sobra lang akong na-frustrate kaya nasigawan kita. Sorry."

"It's okay. Kasalanan ko rin naman, eh. Wrong timing ako. Ano na nga pala ang nangyari sa inyo? Hindi ka na ba talaga niya tinawagan?"

"I don't want to talk about him." Nalulungkot lang ako kapag naaalala ko si Romeo. Maybe we were just not meant to be. Maybe he was really too good to be true.

"He's not worth it. Nang dahil lang sa tarantadong tipaklong, inayawan ka na niya."

Pinukol ko siya ng matalim na tingin. "Nang-aalaska ka pa?"

Ngumisi siya. Tinitigan ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa wakas ay may sineryoso na siyang babae. May girlfriend na ang best friend ko. Ibig sabihin, in love na siya. Dapat siguro ay maging masaya ako para sa kanya pero hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang saya kahit kaunti.

"What's her name?"

Matagal bago siya sumagot. "Elise."

"Mabait ba siya?" tanong ko.

"Oo naman."

"Maganda ba siya?"

"Siyempre."

"M-mahal mo ba siya?"

"You probe too much, Kat," aniya.

"Ang daya mo talaga. Pati 'yong tungkol sa girlfriend mo, gusto mong ilihim."

"Mahaba ang kanyang buhok. Maputi at matangkad siya. She's twenty-six. She's a computer analyst. I hope that's enough. One of these days, ipapakilala ko siya sa iyo."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung gusto ko siyang makilala. Baka mainggit lang ako kapag nakita ko silang magkasama at masaya.

"Good luck sa inyong dalawa ni Elise," sabi ko.

"Thanks."

Humampas ang malakas at malamig na hangin sa balat ko. Noon ko lang napagtuunan ng pansin ang kapaligiran. "Do you still remember how we used to stay here till midnight?"

He smiled. "Yeah. Minsan nga, nakasandal ka sa akin. Kuwento pa ako nang kuwento, iyon pala, tulog ka na. Kinakarga kita para dalhin ka sa kuwarto mo."

"'Tapos, 'di ba, umaakyat ka pa rito sa puno para doon ka sa itaas tumugtog ng gitara?"

"Naalala mo pa ba no'ng may nambabato pa sa atin dito dahil ang ingay natin? Si Kurt lang pala. 'Tapos, pinagtulungan natin siyang kilitiin. At ikaw, 'di ba, malakas ang kiliti mo?" Kinalabit niya ako sa tagiliran at pumiksi ako.

"Ano ba?" natatawang saway ko nang ayaw na niyang tigilan ang pangingiliti sa akin. "Nakaka-miss 'yong noon, Lee," sabi ko nang tumigil na siya sa pangingiliti sa akin. "Nakaka-miss ka."

Sumeryoso ang kanyang mukha. "Kat, mga bata pa tayo noon. Things are different now. Marami nang nagbago sa 'yo... at sa akin."

"Ikaw lang ang nagbago, Lee. I'm still the same."

Hindi siya umimik. Nakatingin siya sa mga halaman sa harap namin. Gusto ko sanang tanungin siya kung bakit nagbago siya pero nag-alangan ako. Baka kasi hindi ko magustuhan ang isasagot niya.

"It's late. May pasok pa ako bukas. Goodnight, Lee." I reached out to kiss him on the cheek but he suddenly faced me. My lips accidentally touched his... lips instead.

Awtomatiko ang pagsinghap ko at paglaki ng mga mata ko. Tila nagulat din siya sa nangyari. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan pagkatapos ng nangyari. Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Ilang beses akong lumunok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa ganoon ka-awkward na sitwasyon.

I heard him exhale some air. Hindi ko sigurado kung natatawa siya o bumubuntong-hininga.

"Put that in your diary as your accident for today. Goodnight, doll." Tumayo na siya.

Naiwan akong nakatulala.

romise.<Q^3

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon