18

5K 111 2
                                    


First Kiss

Hindi na dumalaw o tumawag man lang si Romeo pagkatapos ng gabing iyon. I knew that what I had done was a major turnoff. Pero hindi lang ang sarili ko ang sinisi ko sa nangyari na namang disgrasya sa akin. Pati si Lee. Kinompronta ko siya nang makaalis na si Romeo nang gabing iyon.

"You jerk! How could you do this to me?"

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin, bahagyang nakatiim-bagang.

"You just messed up my first kiss, you idiot!"

He snorted. "You're calling me names just because of that?"

"No. Hindi lang 'yon. Do you know that guy? He's Romeo. Remember him? He's my first love. Ang saya-saya ko na nakita ko uli siya after ten years. Ang saya-saya ko dahil this time, kaya ko na siyang abutin. Ang saya-saya ko dahil magkaka-boyfriend na dapat ako," asik ko sa kanya sa garalgal na tinig. Alam kong malapit na akong umiyak.

"Sawang-sawa na ako sa paghahanap ng lalaking kaya akong mahalin. Sawang-sawa na ako sa lahat ng kahihiyan at sa lahat ng mga disgrasyang inaabot ko dahil lang sa paghahanap ng taong magmamahal sa akin. Hindi mo alam 'yon. Hindi mo alam ang mga nangyayari sa akin. Every heartbreak, every pain I gathered these past few weeks. Wala kang alam dahil wala ka na namang pakialam sa akin, eh. Lagi kang wala kapag kailangan kita.

"Pagkatapos ngayon ay bigla ka na lang susulpot at guguluhin ang lahat? Nakita mo ba ang hitsura niya kanina? He won't see me again. I swear he won't want to see me ever again. Thanks to you, my best friend." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.

Tinalikuran ko na siya pero natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko siyang nagsalita.

"Kung mahal ka talaga niya, tatanggapin niya kung ano ka. Kahit mali-mali ka pa, kahit lampa o kahit ano ka pa. When you meet the right man, Kat, he'll hug everything about you... may it be good or bad. He'll understand. Kapag hindi na nagpakita sa 'yo ang lalaking iyon, that means he doesn't really love you. He's not the right one for you." Iyon lang at umalis na siya.

Ngayon ay naisip kong tama siya. At naisip ko ring mali ako sa mga nasabi ko sa kanya. Kaya kailangan kong humingi ng tawad sa kanya sa nagawa ko.

"Tita Mercy, si Lee po?" tanong ko sa mommy ni Lee nang pumunta ako sa bahay nila.

"Naku, kaaalis lang. Inihatid niya ang girlfriend niya."

Saglit na napamaang ako. Girlfriend? May girlfriend na si Lee? Bumalik ako sa bahay namin na laglag ang mga balikat. Kaya pala hindi ko na mahagilap si Lee. Kaya pala palagi na lang siyang wala. Bukod sa pagtugtog niya sa banda, isinekreto rin pala niya sa akin ang tungkol sa pagkakaroon niya ng girlfriend. At malamang, hindi lamang iyon ang mga isinesekreto sa akin ng magaling kong kaibigan. Napakamisteryoso talaga niya.

Dapat siguro ay burahin ko na ang pagturing sa kanya bilang best friend. Kasi ang best friends, nagsasabihan ng mga sekreto, ng mga pangarap, at mga plano sa buhay. Hindi na yata talaga kami magkaibigan ni Lee ngayon. Bumigat lalo ang dibdib ko sa naisip ko.

Nagsusulat ako sa diary ko nang biglang may narinig akong ingay ng batong tumatama sa salamin. Napasilip ako sa bintana at nakita ko si Lee. Umakyat na naman siya sa bakod namin. Binaba ko siya.

"Hah! 'Buti naisip mo pa ako. Kung hindi pa kita pinuntahan, hindi mo pa ako maaalala," bungad ko sa kanya sa nagtatampong tono. Umupo ako sa bench sa ilalim ng matandang puno. Tumabi siya sa akin.

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now