OSL Kabanata: 5

Start bij het begin
                                    

"Eeeewwww! Maghunos-dili ka bakla, ano tingin mo sa akin that's my tomboy? Isa kaya akong Vavaeng Marangal." maarteng saad ni Aaron bago nagposing na parang model sa hagdanan gaya ng kanyang ini-idolo na si Michelle Fox.

"Hahaha!" halakhak ni Nicole. "Magpakalalaki ka na kaya. Para naman hindi masayang ang magandang lahi ng ninuno mo, Unico Hijo ka pa naman."

"G*ga! Hindi ko pinangarap magkaroon ng jowaera na girlash! Eew! Yucky!" anito na parang nandidiri sa isinatinig ni Nicole.

"Hahaha! Ang arte mo talaga!" natatawang saad ng dalaga bago tinapik ang braso ni Aaron.

"Eh kasi naman BFF, nakakakilabot 'yang mga sinasabi mo. Haleeer! Parehas na lawit ang type natin noh, ayoko ng burger." mahalay na wika nito kaya mabilis itong kinurot ni Nicole sa tagiliran.

"Ang piggy mo, promise." napapailing na sambit ng dalaga bago kinuha ang kanyang telepono sa bulsa dahil nag-vibrate ito.

Nakita niya na may mensahe sa kanya so Josh, kaya nakakunot noo niya itong binuksan para basahin.

From: Josh Mahal-colm❤️

Nicnic, nasaan ka?

Bakit niya tinatanong? aniya sa kanyang sarili bago isinilid muli ang telepono sa kanyang bulsa. Hindi niya ni-reply-an ang binata, dahil hangga't maaari ay gusto niyang umiwas muna rito.

Ayaw nang dagdagan ni Nicole ang bigat ng kanyang nararamdaman para sa binata. Iniisip niya kasi na kung patuloy siyang malalapit dito, ay baka tuluyan na rin siyang mabaon sa pagmamahal niya kay Josh at hindi na maka-ahon pa.

Kriiiinnnggggg....

Narinig na nina Nicole at Aaron ang school bell, tanda na tapos na ang oras ng kanilang recess. Mabilis namang tumayo si Nicole sa kanyang pagkakaupo, bago ipinagpag ang kanyang palda.

"Let's go BFF." malanding usal ni Aaron bago kumembot ng sobrang tindi habang papaakyat ito sa hagdanan.

Mabilis naman nilang natungo ang classroom ni Aaron, dahil mauuna nila itong daanan kesa sa room nila Nicole, "Oh BFF, chika na lang tayo after school. Nasa akin na 'yung number mo kaya humanda ka sa Group Message ko." anito saka humalakhak ng todo.

Mabilis namang napatigil sa kanyang kaartehan si Aaron dahil sa paparating na si Josh, "Pare." aniya sa pinakamababa nitong boses bago tumango sa binata.

Seryosong nakatingin lang dito si Josh bago binalingan ang dalagang si Nicole, "Nicnic, pwede ba tayong mag-usap?"

Walang ganang tiningnan lang ito ng dalaga bago bumaling ng tingin kay Aaron, na parang humihingi ng tulong mula sa binata.

"Ehem... Sige na BFF, tawagan na lang kita mamaya." usal nito bago humalik sa pisngi ng dalaga.

"BFF..." saad naman ni Nicole rito bago pinanlakahian ng mata si Aaron. "Saan ka pupunta." pagpipigil pa niya rito habang pilit hinihila ang puting polo nito.

"BFF, kakausapin ka raw ni Pareng Josh."

"Letsugas bakla nanggigigil ako sayo, umayos ka." nanggagalaiting anas niya rito habang ang mga ngipin ay hindi man lang naghihiwalay, para kunwari ay nakangiti pa rin.

Hindi na naman sumagot pa si Aaron saka tinalikuran ang dalawa, "Hoy BFF!" tawag pa ni Nicole rito ngunit hindi na siya nilingon pa ng binata.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga, bago matamlay na nilingon si Josh, "Oh ano bang sasabihin mo?" aniya saka humalukipkip ang mga braso.

"Ahh..." usal nito saka napahawak sa kanyang batok. "Kailan pa kayo naging close ni Aaron?" pagtatanong nito sa dalaga.

Nangunot naman ang noo ni Nicole dahil sa kanyang narinig. Mabilis niyang hinarap ang binata sabay sabi nang, "Excuse me lang Josh ha? Kailan ka pa naging interesado sa mga bagay na ginagawa ko?" pagtataray niya rito habang ang mga kamay ay nakalagay sa magkabila niyang bewang.

"Ngayon lang," biglang turan nito na ikinagulat naman ng husto ni Nicole. "I-I mean, syempre kaibigan ka ni Ulan at... At ako lang ang kaibigan niyong lalaki rito." hindi mapakaling usal ni Josh dahil titig na titig sa kanya ngayon ang dalaga.

Oh My! Totoo ba 'yung narinig ko? saad ni Nicole sa kanyang sarili.

"T-teka nga, bakit bigla kang umaakto na parang concern ka sa akin?" diretsong wika nito sa binata.

"I'm just protecting You and Raine, malay mo ba kung manyak pala 'yang Aaron na 'yan. Ang bilis ka ngang naakbayan oh."

Napataas na lang ang kanang labi ni Nicole bago napapailing na muling kinausap ang binata, "Listen Josh, mabait si Aaron believe me. Hindi mo na ako dapat paalalahanan pa, dahil kaya ko ang sarili ko." mahabang litanya niya rito bago tinapik ang kaliwang balikat ng binata.

Naglakad na lang si Nicole papalayo sa binata, dahil para sa kanya ay sumusuko na siya sa nararamdaman niya rito. Iniisip na lang ni Nicole na kailangan niyang mas dumistansya pa kay Josh, para sa gano'n ay makapag-isip pa siya kung ano ang dapat niyang gawing hakbang para tuluyan nang mawala ang feelings niya para sa binata.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

One Sided Love ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu