"Hoy Jaze!" sigaw ni Mitch. "Anong katarantaduhan ba 'yang pinagsasasabi mo, ha? Nalagay na nga ang buhay ng mag-ina mo sa panganib, ganyan pa ang salubong mo?!"

"Ah, oo nga naman pala..." nang-uuyam na sagot ni Jason kay Mitch. "Kinidnap kayo ng lalaking ito," sabay turo kay Manuel. "Na siya rin namang nag-sauli sa inyo ngayon!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Jason," pagsingit naman ni Manuel.

"Bakit ka sumasagot?! Kinakausap ba kita?!" galit na galit na bulyaw ni Jason kay Manuel. "Tatlong araw mong nasolo ang asawa ko ah!" sambit niya habang nakangisi. "Ano? Masarap ba siya?!"

'Yun na ang sukdulan ng pagtitimpi ko kaya naman nilapitan ko na si Jason at...

*PAK!* sabay iyak.

"Kung alam ko lang na ganito ang isasalubong mo sa akin...sana hindi na lang ako bumalik." Nahihirapan pa akong magsalita dahil hindi ko mapigilan ang aking paghikbi. "Kung alam ko lang na ganyan pala talaga kababa ang tingin mo sa pagkababae ko...sana... Sana—"

"Sana ano?" habang nakangiti nang peke. "Sana 'yang Aswang na 'yan na lang ang pinakasalan mo?" Muli niyang dinuro si Manuel.

"Sana siya na lang ang minahal ko."

Ayokong sabihin iyon. Pero nasagad na ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Sino ba naman ang hindi magdaramdam? Ako na nga itong napagod nang tatlong araw dahil sa kung anu-anong aberya habang sobrang nami-miss ko siya, tapos imbis na ipakita niyang na-miss din niya ako, ang isinalubong pa niya ay mga pagbibintang at pagdududa?

"Eh di siya na ang mahalin mo simula ngayon." Nakabungisngis pa ito. "Ano? Gusto mo ng hiwalayan? Let's do it then! Ngayon na! Pero teka...mas maganda yata kung ipawalang bisa na rin natin ang ating kasal para naman nang sa ganun, eh mapakasalan mo na ang Aswang na 'yan." Humalukipkip pa siya na may sobrang angas na tindig. "Di yata't ako pa ang sagabal sa inyo. Tutal mas bagay naman talaga kayo. Pareho naman kayong hindi purong tao, hindi ba? At saka...blah...blah...blah..."

Salita pa siya nang salita pero halos wala na akong marinig. Wala na kasing nangingibabaw sa akin kung hindi ang sobrang sakit sa aking dibdib.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Sakit na nakakabingi. Sakit na nakakaiyak. Sakit na mas gugustuhin kong mamatay na lamang kesa maramdaman ko pa.

Nanlulupaypay ako. Nanghihina. Wala akong makapitan kaya't lumapit na lang ako kay Manuel at tumuon sa kanyang kanang balikat.

"Manahimik ka na nga!" galit na galit na sigaw ni Manuel kay Jason.

Natahimik si Jason at nakipagtitigan na lang kay Manuel.

"Kailangan ba talagang saktan mo pa siya kung ayaw mo na talaga sa kanya?" mas kalmadong dugtong ni Manuel. "Ako na ang nagsasabi sa iyo na walang namamagitan sa amin ni Helga!" Sumulyap siya sa akin. "Ikaw ang mahal niya. Ikaw ang pinili niya. Ikaw ang pinakasalan niya. At ikaw ang ama ng anak niya!"

"Huwag ka nang makipagtalo sa kanya, Manuel..." nanghihinang bulong ko. Huminto naman siya. "Ayoko nang ipilit ang sarili ko sa kanya. Kukunin ko lang ang ilan sa mga gamit at damit naming mag-ina sa loob. Pakihatid mo na lang ako sa condo ni Mama."

Mukhang namang hindi gaanong narinig ni Jason ang ibinubulong ko kay Manuel kaya't nasulyapan kong medyo napakunot siya.

"Gusto mo bang samahan kita?" bulong niya pabalik.

"Oo," sabay hila ko sa braso niya papasok ng bahay.

"Saan kayo pupunta?!" tanong ni Jason na ngayon ay natataranta naman sa pag-aalala lalo na nang magsimula na akong mag-impake.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora